Have you ever felt that a part of you is missing? That there is someone out there who is meant for you. Hindi yung klase ng one sided love affair lang ha? Yung ikaw lang ang patay na patay sa taong minamahal mo samantalang siya naman diring diri sa yo. At di Malaman ang gagawin kung paano ka iiwasan. Ang tunay na pag-iibigan ay nagmumula sa dalawang taong may parehong nararamdaman. Kapwa sila handang mag-sakripisyo sa ikaliligaya ng bawat isa.
"Ayesarim sorry talaga. Kung alam ko lang kung paano ko maiibsan ang nararamdaman mo..." Bulong ko sa Isa sa mga Diyosa ng Dagat.
Panay ang tulo ng kanyang mga luha na sa tuwing sumasama sa tubig ay nagiging mga perlas na puting puti.
"Pabayaan mo muna kong ipagdalamhati ang aking pinakamamahal Muriziuel." Aniya na matapang akong hinarap habang walang tigil ang patak ng mga perlas sa kanyang mga mata.
"Malalampasan mo rin ito..." Sagot ko na wala ako halos masabi. Hindi ko alam kung paano ko mapapawi ang sakit na dinulot sa kanya ng pagkawala ni Hermilo.
"Kung Anuman ang nararamdaman ko ngayon, Ayoko ng mawala pa. Kung iyon lang ang paraan para patuloy ko siyang makapiling, Huwag na sanang matapos pa ang sakit na dulot ng aking pagdadalamhati."
Kung ako nga, Tigib ng kalungkutan ang aking damdamin sa pagkawala ni Hermilo di lalo na siya na nagkaroon pala ng direktang kaugnayan sa kanya.
"... Del." Tawag sa akin Ni Sim-Kail na nakatayo mula sa di kalayuan.
Nilingon ko siya. My heart skipped a beat when I saw him directly looking at me.
Di ko mapigilang pamulahan ng mukha at mag-init ang aking pakiramdam.
'OMG! What's happening to me? I'm so old to be feeling this way.'
Tinapik ako sa balikat ni Ayesarim.
"Tinatawag ka na ng iyong mahal. Huwag kang lumayo sa kanya at magkamaling makulong sa iyong sariling mga ambisyon. Ibigin mo siya at Huwag iwaglit sa iyong isipan kahit na minsan." Pagkasabi nito'y Niyakap niya ko.
"Magkikita pa tayong muli... At Huwag mo sanang kalimutang ipabatid sa May Lalang kung gaano namin siya kamahal sampu ng aking mga nasasakupan..."
Niyakap ko din siya ng mahigpit at hinagkan sa pisngi bago ako lumapit Kay Sim-Kail.
"Hinihintay na nila tayo." Aniya bago tumango sa direksiyon ni Ayesarim. Nakita ko sa di kalayuan ang mga Arkanghel at mga Anghel na umaawit ng magandang sa Dakilang May Lalang. Isa itong awitin ng pasasalamat sa kanyang pag-gabay sa amin. Nakita ko rin ang mga kumamping mga elemento sa amin na Bagaman nasa malungkot na kalagayan ay umaawit din ng buong puso. Kinilabutan ako sa aking nakita. Inakbayan ako ni Sim-kail at magkasama kaming Lumipad patungo sa mga angkan ng himpapawid. Karga nila si Hermilo sakay ng isang magarang karwahe. At di ko alam kung bakit ako Umiyak ng Umiyak.
Si Ma-ils ang unang sumalubong sa amin. At kagaya ni Sim-kail Inakbayan niya rin ako. Bagaman naibsan ng bahagya ang kalungkutan ko, Naroon pa rin ang kahungkagan na aking nararamdaman.
"Hinihintay ka na Niya..." Magkakapanabay na sabi ng Iba pang mga Anghel nang makalapit ako sa kanila.
Lumiwanag lalo ang guwang mula sa langit. Nag-iba-iba ang kulay nito.
"Ang mga anak ko..." Bulong ko Kay Sim-Kail. "Nasa mabuti silang kalagayan."
"Si Rick?"
"Bumalik na siya sa dati. Pauwi na sila." Ani Miguel na ngayon ko lang nakitang kalmado at mukhang masaya.
Ni kaunting takot ay wala akong naramdaman nang higupin ako ng ilaw mula sa guwang. Kusang Pumikit ang aking mga mata at nang muli akong magmulat ng aking paningin, nagulat ako sa aking nakita. Nasa kakahuyan ako. Naglalakihan ang mga punong may makakapal na katawan. Nakakaginhawa ang simoy ng hangin na humihihip sa aking buhok. Ito ang unang Pagkakataon na narating ko ang lugar na to. Pero the place looks so familiar. Lumakad ako sa gitna ng napakatahimik na lugar na yon and felt like I have already been here before. From afar, I saw Him. Waiting for me. He was standing there. Dressed in white. And just like me, He's also barefooted. I felt so excited. So happy and so surprised.
Ang Panginoon. Ang Dakilang May Lalang. We call Him by many names and yet He's the same God we all worshipped.
Tumakbo ako. Hanggang sa matumba ako. Doon ko lang napansin ang Maliliit na Paa ko at mga kamay ko. Naging bata ako ulit. Umiyak ako ng Umiyak. Naalala ko ang araw na yon. Maliit pa Ko non. Nasa grade 1 lang yata. Madalas akong nabubugbog non ng aking Ina. Marahil dahil sa mga problema niya. Dahil sa hindi siya masaya sa nangyayari sa buhay niya. Wala sa aking tumatanggap, nagmamahal o nag-aalaga man lang. Pabigat lang ako sa lahat. Wala akong maipagmamalaking kahit Ano sa aking sarili. At bagaman pagod na ang bata kong katawan at mura kong Isip kung bakit nangyayari sa akin ang Lahat ng yon, tinitiis ko pa rin yon at patuloy na bumabangon sa pag-asang magiging maayos din ang Lahat sa buhay ko.
Isa iyon sa mga araw na pinalo na naman ako sa hindi ko maunawaang dahilan. Nagdasal ako non na sana Kunin na ko ng Diyos at mamatay na ko pero waring bingi siya sa lahat ng panalangin ko.
"Nasaktan ka ba?"
Napaiyak ako nang makita ko Siya. He is everything I have ever imagined.
Inalalayan niya kong tumayo habang nakatalungko Siya sa aking harapan. Yumakap ako sa kanya at humahagulgol na sumubsob sa kanyang dibdib.
"Akala ko nakalimutan mo na ko..." paulit-ulit kong sinasabi.
"Hindi kita kahit kelan nakalimutan Del. Palagi Kitang binabantayan. Gusto Kitang hanguin sa kalagayan mo pero kung gagawin ko yon, Di ka matututo." hinagod niya ang aking likod ng paulit-ulit.
Kung gaano ako katagal na nakayakap sa Kanya di alam. Basta ang Tanging alam ko lang, napakasaya ko ng mga oras na yon.
Ilang sandali pa, magkasabay kaming Lumakad sa gitna ng kakahuyan. Itinuro Niya sa akin ang napakalaking kastilyo sa di kalayuan sa amin. Marami na kong nakitang palasyo pero wala ito sa kalingkingan ng tahanan Niya.
Itinuro Niya yon sa akin.
"Darating ang panahon titira ka din doon..." Pangako Niya sa akin.
"Bakit di pa ngayon?"
"Hindi pa ito ang tamang oras."
Naupo kami sa damuhan na Puno ng magagandang mga bulaklak na iba't ibang kulay.
"Panginoon? Totoo po bang pumayag na po kayo?" Tanong ko habang nag-iinit ang aking pisngi sa hiya.
"... Na magsama na ulit si Muriziuel at Sim-Kail?"
"Hindi ko naman kahit kelan pinagbawalan ang inyong pagmamahalan."
"Pero..."
Gusto ko sanang sabihin na sinabi ng mga ibang anghel na hindi pinahihintulutan ang pag-iibigan sa mga katulad namin.
"Sila ang nag-Isip na marahil mas makabubuting manatili kayong mag-isa dahil sa takot na baka mas mahalin ninyo pa ang inyong mga kabiyak kaysa sa akin..."
"ibig Ninyo po bang sabihin Malaya ang kahit sinumang mag-mahal?" Hindi ko mapaniwalaang naitanong. All this mess because of just one simple misunderstanding. Kung sana nag-Tanong muna bago nag-assume di sana naiwasan ang magkasakitan ang Lahat.
"Si Hermilo po at Ayesarim? Bakit po sila nagkahiwalay?"
"Sarili nila Yong desisyon. Marami silang mga bagay na di napagkasunduan. Ang hindi nila alam, nagmula sila sa iisang hiyas kaya hindi maaaring maging maligaya ang Isa kung wala ang kanyang Kalahati. Kagaya Ninyo din ni Sim-kail na nagmula sa iisang
Hiyas."
Naupo ako at napatitig sa kanya.
"Pero Panginoon may asawa na po ako..." it must have sound funny coming from a child kaya narinig kong tumawa siya Bago Niya ginulo ang buhok ko.
"Marami ka pa talagang di naiintindihan Muriziuel. Iba ang iyong buhay sa daigdig Bilang si Del. Sandali lamang yon at hindi magtatagal. Ito ang tunay. May Langit na naghihintay sa yo."Binagtas ako ang pabalik sa kakahuyang mag-isa. And this time, masaya na ko. Walang takot. Puno ng tiwala na magiging maayos din ang Lahat. Wala na ang pakpak ni Muriziuel sa aking likuran kaya hindi na ko nakakalipad pero Magaan ang pakiramdam ko at Walang pagod na nadarama.
Tama ang Dakilang May Lalang I must take my life one step at a time and I must make sure not to fail the test para makabalik na ko agad dito.
Malapit na ko sa dulong bahagi ng kakahuyan nang makita ko si Sim-kail. Nakatayo siya at nakasandal sa Isa sa mga Malalaking Puno. Nakahalukipkip ang mga kamay sa dibdib at nakatingin sa dako ko.
'Oh my... I wonder what he's seeing...'
ako pa rin ba ang batang si Del o ang matandang ako?
Nilingon ko ang bumabagsak na tubig mula sa isang talampas at nakita ko ang aking repleksiyon sa tubig.
Muriziuel. Ako si Muriziuel. Napangiti ako sa tuwa.
Tumakbo ako patungo sa kanya. Tumayo siya ng diretsong paharap sa akin na bahagyang magkahiwalay ang mga Paa. He smiled again with that boyish look.
Nang mga ilang dipa na lang ang layo ko sa kanya, humihingal akong tumigil sa kanyang harapan.
"Sim-Kail I know this might not be the right time..." simula ko na sinadyang gumamit ng wikang Inggles. Because I'm sure it will really sound so corny in my own native language.
"... But it might be also the last time that I will see you. I will be leaving soon. You know?"
Nag-laro ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Nakatitig lang siya sa akin.
'... Hindi ako si Del ngayon. Ako si Muriziuel.' Kumbinsi ko sa aking sarili.
"... Thank you for always being there for me. I know I've been so stubborn and ive caused you hurt or two but that is just because I felt jealous too. At first, I can't really understand why I should be feeling this way for you but now I know, I can't really run from how I feel because I was born to love you..." Nanuyo lalamunan ko sa hiya sa mga sinabi ko.
Lalo akong nag-init mula ulo hanggang Paa nang makita Kong kumunot ang Noo niya as if he doesn't approve of what I've just said.
'Shit! Nakakahiya ako.'
"Ilang beses ko bang dapat ipaalala sa yo na hindi ka dapat gumagamit ng ganyang Salita?" seryoso niyang Tanong sa akin.
"Binabasa mo na naman ba iniisip ko?" Dinaan ko sa galit ang Lahat para mapagtakpan ang hiya ko.
Ilang hakbang niya lang napaglapit niya na ang distansiya sa amin.
"Oo. Kasi gusto ko..." His voice sounded husky in my ears and it seems like he was also trying to control his emotions.
"... Gusto ko makabalik ka na dito agad. Kung pwede lang na di na kita paalisin gagawin ko."
I didn't know what to say. Pinilit kong salubungin ang kanyang tingin pero hindi ko talaga matagalan.
Hinawakan niya ang puluhan ng baba ko at Pilit akong pinatingin sa kanya.
And before I can even say anything, he kissed me. Unrelentingly. I felt my knees buckled beneath me. I would have probably fallen if he wasn't there to support me.
I kissed him back too and found no reason why I should stop since we've loved each other even at the beginning of time.
"Limitado lang ang oras na magkakasama tayo ngayon pero dapat pa rin nating ipagpasalamat dahil binigyan tayo ng Pagkakataon na magkasama kahit na sa maikling panahon."
Nag-yakap kami ng mahigpit. At parehong Umiyak ng Umiyak.
"Mahal na Mahal kita Muriziuel. Alam mo ba nararamdaman ko tuwing makikita Kitang iba ang kasama mo?" ito ang unang Pagkakataon na nakita kong nagbukas siya ng nararamdaman sa akin.
"... Sa lahat ng Pagkakataon sa buhay mo. Naroroon ako. Gusto kong sumigaw at sabihin sa Yong kasama mo ko. Lalo na kapag nakikita Kitang nahihirapan pero hindi maaari. Dahil Yun ang batas natin..."
Naalala ko ang araw na ikinulong ako sa madilim na lugar ng aking Ina nung maliit pa lamang ako. Habang umiiyak ako sa isang sulok, Naramdaman kong may kung anong bagay ang Yumakap sa akin. Nung una'y Natakot ako ngunit nang sumunod ay nakaramdam ako ng kapayapaan.
Naalala ko rin nung minsang nag-iisa ko sa trabaho at dahil sa pagod ko'y napasandal na ko sa swivel chair. Pag hawak ko sa ibabaw ng aking upuan, nakakatiyak akong may humawak sa aking kamay. At marami pang insidente na naramdaman kong Naroon siya ngunit nang mga panahong yon di ko pa lubusang nauunawaan.
"Mahal na Mahal din kita Kail... Magpapakabait na ko. Promise..." Pangako ko sa kanya habang umiiyak.
"Hintayin mo ko ha..."
Sunod-Sunod na tango ang naging Tugon niya sa akin.
And before I can even talk again, he kissed me one more time.
Finally, I found the missing part of myself. In the arms of my soulmate...
BINABASA MO ANG
The Portal (Journey to another Dimension)
FantasyThe Portal is a Science Fiction, Adventure and Comedy Story of a housewife, career woman and Mother Delilah Marasigan. After being involved in a surprising twist of Fate, she found herself in a situation where she will be tempted to stay or leave...