TRINA'S POV
"Trina bakla, mauna na kami nila Niks at Dine ha? Umuwi ka din agad at baka mag-alala na naman sayo si Krease."
"Yes Aira bakla, I'll just finish this." ako kasi yung nabigyan ng task sa isang organization namin. Ayoko naman kasing pabayang Presidente sa Arts Org namin and I want to make sure na maayos ang pagkaka-organize at pagkaka-design para sa upcoming School Fest namin. Dapat before 1 month kasi nagpe-prepare na kami kasi bigatin ang magiging bisita namin. The last time kasi pumunta ang mga International Celebrities, well hindi natin sila masisisi kasi sikat na sikat rin kasi tong school namin.
"Pres, di ka pa ba uuwi? 4Pm na oh." si Desie, ang VP ng Org. Lahat na kasi sila nagsi-uwian na. hihintayin pa nga sana ako nung tatlo pero pinauna ko na sila. Alam ko namang atat nang umuwi ang mga yun lalo na't napansin kong maputla simula umaga palang si Dine. Ano kayang problema nun? Natatae siguro...pfffft!
"Sige lang Desie, tatapusin ko lang 'tong design ng Ball natin." bukod sa sports, pageants, exhibits at arts ay syempre hindi mawawala diyan yung Ball na pinakaaabangan ng bawat estudyante dito sa Academy namin. Dito kasi yung araw na pwedeng pumasok ang mga outsiders.
Last year hindi kami nag-aatend kasi may business trip yung pamilya namin, so kasali lahat nung nasa bahay. Nakokornihan lang rin kasi ako sa mga ganito, mas gusto ko pang landiin si Minseok kesa sa mga gatherings na'to. (LANDI MODE TRINA)
Pero dahil narin ako ang incharge ditto ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Mahilig kasi akong magdrawing simula bata ko palang at ito rin yung way para magkalapit kami nung super cold na Babang yun. Speaking off——-kailangan ko na palang umuwi bago pa magalit sakin yun. Waaaaaa!
Palabas na ako ng school nang naramdaman kong may pumatak sa langit, malamang umuulan. Mabuti nalang nasa akin 'tong payong. Pero wait——may guy na nakatayo lang sa may gilid ng shed. Well, hindi siya shed kasi walang bubong eh. Parang tambayan lang pag hindi masyadong mainit at hindi rin umuulan. Walang kwentang shed this! Aba'y matindi naman si Kuyang naka-hood ano po, pano kasi basang-basa na nga parang wala pang pakialam sa paligid.
"Oy Kuya, mabuti pa't umuwi kana. Nako! Mahal ang gamot ngayon." sabi ko habang pinapayungan ko siya/sinesermonan. Pero amputs, na-seen lang ata ako, walang balak magsalita eh. Kaso bigla nalang akong nagulat nang itinabi niya yung payong at hinayaang mabasa kami sa ulan. ANONG TRIP NETO?!
And then that scenario made my world stopped....
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
THIS STRANGER KISSED ME.
I don't know what to do next but the last thing I did was to punch him as hard as I could. "HOW DARE YOU! SINO KA NAKAWAN AKO NG HALIK?! TANGINA MO GAGO!" pulang-pula na yung mukha ko dahil sa galit. Pano nalang kung may nakakita samin? And worst...pano nalang kung nakita ni Umin. Wufangina this! Kay Minseok lang tong first kiss ko dapat hindi sa estrangherong naka-hood na'to. LECHE.
Hindi ko na napansin na nakauwi na pala ako ng bahay nang basang-basa. Buti nalang at inasikaso ako ng mga 'to. "Ano bang pinaggagawa mong bakla ka ha? Diba may iniwan naman kaming payong mo? Hindi mo bay un nagamit?" sunud-sunod na tanong ni Dine, grabe rin kasi pag-aaalala niyan. Maasikaso rin kasi kagaya ni Dyo. Pati narin yung iba tinitingnan nila ako nang may pag-aalala, mukha kasi akong basang sisiw kaya putangina yang lalaking yun! Sinusumpa ko siya!
"Ah-eh—nakalimutan ko Dine, bukas nalang tayo mag-uusap-usap..inaantok narin kasi ako." kung hindi lang sana sumulpot bigla yung tanginang lalaking yun edi sana may oras pa'kong makipaglokohan sa mga abnormal na mga yan.
"Okay, let me lead you to your room." si Kris. Bakit ba sobrang pag-aaalala sakin 'tong mokong na'to? Hindi ko naman siya binigyan ng chocolate eh. Kkk. Si Xiumin? Ayun nasa backyard yata, may inaayos ata kasi nakita kong basang-basa rin siya sa ulan. Hay! Ayoko ring magkasakit yun.
My first kiss was gone and taken by that whatsoever paking stranger. I hate him. Magkukurus rin ang landas nating hinayupak ka. I swear! Kakalbuhin kita! Itaga mo yan sa abs ni Xiumin!
A/N: Sabaw. Kkk.
Sino naman kaya si Kuyang naka-hood? LOL.