CHAPTER ONE

142 7 0
                                    

   NAPA-IRAP ako matapos maka sakay sa patrol car na dala ko at agad na pinaharorot iyon papalayo sa Lugar na'yon. Nakakairita ang ganoong lalaki, porke ba maganda at bago ang sasakyan niya?! Aba naman kung ay ibang mga police eh nadadaan sa pera? Pwes! Ibahin nila ako!

Tapat ako sa tungkulin ko at kaylan man ay hindi ko hahayaan na madumihan ang pangalan ko. Maraming mga police ang hindi tapat sa kanilang mga tungkulin, mga police na walang kwenta at patuloy na sinisira ang larangan ng mga PNP. Ba't ba ito na naman ang iniisip ko? Tuloy ay hindi ko namalayan na nakahinto na ako sa tapat ng opisina namin.

Napairap ako ng palihim at umismid ng wala sa oras matapos kong makita ang mukha ng lalaking matagal nang nanliligaw sa'kin. Nakangiti itong naglalakad papalapit sa'kin, may balak yatang salobungin ako? Wow naman tss. Mukhang hindi maganda ang mood ng Mahal ko, ah,” nginitian ko ito ng peke at umaktong natutuwang makita siya.

Pero sa totoo lang nakakainis makita at marinig ang bosses ng isang tulad niya.

Oo eh, siya sige pasok muna ako...” mahinahong saad ko. At labag ‘yon sa kalooban ko..

“Kung gusto mo eh lumabas tayong dalawa mamaya—” Ayan na naman siya,

Ano eh, pasensya na hindi ako free mamaya. Marami pa akong tatapusin,” aniya ko at nginitian siya saka tinapik ang balikat niya saka siya nilampasan.

Ano bang meron sa mga tao ngayon? Bakit masyado silang naghahaharang sa daan ko?

Ang lalaking 'yon ay isa sa mga pinag hihinalaan kong may connection sa mga sindecato pero kailangan kopa ng mga matitibay pang mga ebidensya.

Oh Velarde, anong meron?” inilapag ko sa harap ng mesa ni General ang license ng lalaking 'yon, “Pambihira, talaga bang tinicketan mo ang Del Fuego na'yon?” kunot noong tinignan ko si General.

Bakit bawal ho ba?” sagot ko naman.

Tsk tsk tsk Velarde—”

“With all due respect Sir, I'm leaving. And if that Del Fuego came here to get his license, give it back to him but tell him that if he do that again. I'll put him inside the jail,” Tumayo ako ng tuwid saka sumalodo kay General at saka tumalikod sa kanya.

Nakakainis man ngunit gano'n talaga ang turing ni General sa mga police officers na kapwa ko babae. Minamaliit niya kami dahil daw mahihina ang mga babae, at 'yon ang gusto kong baguhin. Gusto kong patunayan na hindi lang kami basta bastang babae, dahil lahat ng nagagawa ng mga lalaki ay kaya narin naming gawin.

Huminto ako sa paglalakad matapos kong maramdaman ang vibration ng cellphone ko na nasa loob ng bulsa ko. Sinipat ko ang registered name doon at agad na sinagot iyon nang makitang Numero iyon ni Mama. “Hello ma?” agad kong salita.

Ang-ge anak nasa'n ka?” napangiwi ako dahil binanggit na naman ni mama ang palayaw niya sa'kin.

Nasa presento ho,” sagot ko naman saka nagpatuloy sa paglalakad ngunit mabagal.

Ah mabuti naman kung gano'n, kumusta ka naman diyan? Ayos ka lang ba? Mag-iingat ka lagi, marami akong napapanood sa balita na mga———”

Napabuntong hininga ako saka sumandal sa sasakyang naroon, “Ma naman 'wag ho ninyo akong alalahanin, ayos lang ho ako rito. Saka isa pa ho lagi akong nag-iingat rito, at lagi akong may gabay mula sa itaas. Ma? 'wag ho kayong mag isip ng kung ano ano ha? Hindi 'yan makakabuti para sa kalusugan ninyo,” Aniya ko saka tumingala sa kulay asul na kalangitan.

Dinig na dinig ko ang buntong hininga ni mama, “Hindi mo maiaalis sa'kin ang mag-alala anak, Ina ako at hindi ko talaga maiwasang mag-alala sa'yo lalo na't malayo ka,” Alam ko namang hindi ko iyon kayang walain kay mama.

Hay naku talaga si mama oh,” aniya ko at iniiba ang topic, “Nasa'n ho si papa?” pag iiba ko.

Ay sa'n pa nga ba, eh di nando'n na naman sa motor niya. Kung ano ano na naman ang kinakalikot, palibhasa eh walang magawa. Naboboryo daw siya, kaya ayon 'yong motor niya ang napag diskitahan,” hindi ko mapigilan ang mapa halakhak matapos marinig ang kwento ni mama. Naiimagine ko kasi ang mukha niyang nakakunot noo at naka pa mewang.

Hindi na kayo nasanay kay Papa, gusto kona tuloy umuwi diyan. Kaso hindi pa pe puwedi....” Napabuntong hininga ako dahil sa katotohanang nangungulila na ako sa pamilya ko.

Namimiss kona 'yong mga luto ni Mama, mga bangayan namin ng mga kapatid ko at ang pagsama ko kay Papa sa bukid........

Hay naku ikaw'ng bata ka, alam  mo bang marami rami ka ring malalaman kung ikaw eh magbabakasyon, malalaki na ang mga kapatid mo. Kaylan moba kasi balak mag resign sa trabaho mong 'yan?” Napapalatak agad si Mama.

Mother will always be a mother.

Sossss naku naman si Mama, ang sabihin niyo namimiss niyo lang ang panganay niyong anak,” pagbibiro ko sabay tawa.

Aba hoy ikaw'ng bata ka, eh sino namang hindi namimiss ang isang tulad mo? Aba eh wala na yata akong nakukurot sa singit dahil sa katigasan ng ulo. Aber ha? Naku ha Ang-ge 'wag ka na ulit magpapaloko sa mga lalaki at lagi mong aalagaan 'yang puso mo,” Hayyyy ang Mama talaga.

Talagang pinaalala niya pa sa'kin na nakukurot niyako sa singit dahil sa tigas ng ulo ko. PAMBIHIRA TALAGA!!

Opo 'ma hinding hindi na po 'yon mauulit—” halos mabuwal ako sa pagkaka sandal ng biglang bumukas ang pinto ng sasakyan na sinasandalan ko.

Napatingin ako sa nagbukas ng pinto nang sasakyan at agad rin namang napakunot noo ng mapag sino ang taong 'yon.

Hello? Ang-ge? Anak?” shit! Nakalimutan kong kausap ko pala si Mama. Buti nalang di pa'ko nakakapag mura sa tukmol na kaharap ko.

Tatawagan ulit kita mamaya 'ma. Tinatawag ako ni General,” aniya ko saka agad na pinindot ang end button.

Masarap bang sumandal sa sasakyan ko?” napairap ako dahil sa sinabi ng tukmol habang nakangiti na parang asong olol. Nakakainis ang pagmumukha niya......

Ba't naman kasi hindi ko muna tinignan ang sasandalan ko?! Argh!

Ayos lang naman matulala sa kagwapohan ko, feel free to fantasize my handsome face and my gorgeous body,” gorgeous body huh?

Hoy TUKMOL na mayabang na walang modo na guwapo, kainin mo'yang katawan at mukha mo. Impatsuhin ka sana dahil sa kahanginan mo!” sigaw ko saka tumalikod at naglakad papa lapit sa patrol car.

To be continued. . . . . . .

Arresting the Police Officer's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon