CHAPTER ELEVEN

96 1 0
                                    

Isang Lingo.

Isang lingo na rin ang nakalipas simula ng magsimula akong magtrabaho para sa Del Fuego'ng 'yon at hanggang ngayon ay pala-isipan pa rin sa'kin ang mga ikinikilos niya. Masyadong siyang ano, hindi ko maipaliwanag at hindi ko maintindihan.

Minsan man ay hindi ko rin maintindihan ang mga salitang binibitawan niya O baka naman naiintindihan ko, itinatanggi lang ng utak ko? Hindi ko na alam. Maging ako ay hindi ko rin mawari ang sarili ko. Meron kasing kakaiba sa'kin pag malapit siya O kahit dumaan lang siya sa harap ko. Alam kong merong kakaiba sa'kin hindi ko lang mapangalanan kung ano.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa kama ko saka ini-unat ang aking mga kamay, lingo ngayon at naisipan kong 'wag munang pumasok dahil hindi ko yata kakayanin. Medyo masakit kasi ang ulo ko dala siguro ng panahong pabago bago kung minsan ay uulan at minsan naman ay aaraw. Mabigat rin ang katawan ko at gusto ko lang talagang humiga hanggang sa matapos ang araw na ito.

Ang kaso ngalang eh, kung hindi ako kikilos at maghahanda ng makakain ko. Sino pa ba ang maaasahan ko rito? Sarili ko lang rin. Dahan dahan rin akong tumayo saka sapo ang ulong naglakad patungo sa kusina ko. Pero agad rin akong napahinto sa pag pasok sa kusina ng makarinig rin ako ng sunod sunod na katok at sinisigurado kong sa pintuan ko iyon nanggagaling.

Sunod sunod ang katok nito, may plano yatang gibain ang pinto. “Sandali!” sigaw ko habang mahinang humahakbang patungo sa pintuan ngunit hayon pa rin ang katok na akala mo'y martilyo yata ang gamit. Nakakainis na.

Hoy! Kung maka katok ka ah! Ano? May—” ako rin ang napahinto sa pagsasalita ng tumambad sa harap ko kung sino ang nasa labas ng pinto ko.

Anong ginagawa niya rito? At saka isa pa paano niyang nalaman ang address ko?

Sinara ko ng malakas ang pinto, hindi ko alam kung natamaan ang mukha niya roon pero wala na akong pakialam. Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin.

Natataranta ako!

“Hindi mo ba ako papapasokin?” Sigaw nito mula sa labas.

Ano bang ginagawa mo rito?! Hindi naman kita pinapunta rito ah.” Nakakainis ang lalaking ito, ano bang kailangan niya??

Hindi nga, kaya pinapunta ko ang sarili ko,” Great! Napaka talino nga naman.

Eh di umalis ka na ulit, utusan mo ang sarili mong umalis na. Mahirap ba iyon?” pasigaw ring balik tanong ko sa kanya.

You're not answering my calls and you're not replying to my messages that's why I came here because I'm damn worried!” Hindi ko inaasahan ang sagot niyang iyon.

Tawag?? Text?? Paanong nangyari iyon eh nasa may table ko lang yung cellphone ko?

Mabilis akong tinungo ang kwarto ko saka kinuha ang cellphone ko—shit! Oo nga. Naka silent pala ito eh. Naku naman. Pero teka, saan naman niya nakuha ang numero ko?

Unknown Number: 200 unread messages
Unknown Number: 300 missed calls

Halos manlaki ang mga mata ko ng mabasa ko kung iilan ang messages at missed calls roon. Kataka takang gano'n siya kasipag mag tipa ng mensahi?! Hindi manlang ba siya napagod kaka text at katatawag sa'kin?!

Anong klaseng tao ba ang lalaking iyon?

Isa pa ano bang pinag puputok nang butsi niya??! Eh ano naman kung hindi ko sinagot ang mga tawag niya o ni hindi ko nireplayan isa man sa mga mensahi niya?! Aba may karpatan yata akong gawin ang gusto kong gawin hanggat wala akong nasasaktan at natatapang tao 'no!

Hey?? Seriously?? Aren't you gonna open your door and let me in??” Napairap ako sa kawalan, “Ah sorry ho, pasensiya na po sa storbo ma'am. Away mag-asawa lang po. Opo. Sorry po ulit, nagtatampo lang si misis.”

Halos manlaki ang mga mata ko maging ang tenga ko ay nag init dahil s narinig ko. Kaya kahit pa masama ang pakiramdam ko ay agad kong tinakbo ang pintuan at binuksan iyon. Ngunit iyon na yata ang maling disisyong nagawa ko, dahil sinamantala niya ang tyansang iyon para makapasok sa loob ng bahay ko.

Niloloko lang pala ako ng tukmol na'to, dahil wala naman pala talaga siyang kausap. Heto siya sa harap ko at prenting nakaupo habang nakangising nakatingin sa'kin. Ngunit ako naman itong masama ang tingin sa kanya. Ang sarap niyang batuhin ng tubo. Iyong tipong makakatulog siya at hindi na magigising kahit kaylan.

Wag mo naman akong patayin sa isip mo,” Inirapan ko ito at pinag krusan ng braso.

Ano na naman bang paandar  'to, Sir? Wala tayo sa opisina oh, walang makakakita sa drama niyo,” Walang buhay kong tugon sa sinabi niya.

Yeah right. We're not in the office, I'm not your boss you're not my employee, were even.” Tamang tama sana naman umalis na siya.

Oh eh ano pang hinihintay niyo?” bagot kong tanong.

Oh so that's how you treat your visitor?”

Watdapakkkkkk????!!!!!

At kaylan pa kita naging bisita?” kunot noong tanong ko.

Ngayon, come on I don't want to argue with you, Angeline. Itrato mo naman ako ng mabuti, akala mo hindi ko napapansing iba ang trato mo sa'kin? Parang laging masama ang timpla mo pag ako na ang kaharap mo, may galit ka bang itinatago sa'kin?” Tumingin ito sa'kin ng diretso. Seryoso. “Come on spill the tea, I won't be mad,” Mahinahon niyang saad.

Bakit nga ba? Hindi ko rin alam eh.

Wala akong mahagilap ni katiting na sagot sa tanong niyang iyon, magulo. Hindi ko alam. O baka alam ko? Hindi rin eh. Hindi ko maintindihan. Hindi ko matukoy.

I.......” Napalunok ako.

I?” Pag uulit niya, nag aantay ng karugtong niyon.

Pasensiya na, Sir, masama talaga ang pakiramdam ko ngayon hindi ko 'yan masasagot at kung inyong mamarapatin maaari bang umuwi na kayo at gusto kong magpahinga muna,” Sana naman umalis na siya.

Nag iiba na ang pakiramdam ko sa paligid eh. Parang may kakaibang lason na hindi ko maipaliwanag.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng mabilis itong tumayo at saka dinama dama ang noo at leeg ko gamit ang likod ng palad niya.

Napatingin rin ako sa kanya, nakapagtatakang nakaramdam ako ng ginhawa. Wari bang hindi masakit ang ulo ko kani kanina lang,

Ang kanyang mukha..... Punong puno iyon nang pag aalala na hindi ko alam kung bakit kailangan ko iyong makita.

Ano bang meron sa'yo? Bakit ganito? Bakit ganyan ang mga ikinikilos mo? Nag aalala ka sa'kin? Tama ba ang nababasa ko sa mukha mo? O dahil ganyan ka lang talaga sa lahat?

Natatakot ako........

Natatakot akong  magkamali'ng muli......

Dahil......hindi ko na kakayanin.

“We need to go to the Hospital. I'll take you there.”

To be continued...........

Arresting the Police Officer's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon