CHAPTER SIXTEEN

105 6 2
                                    

HINDI ko alam kung dapat ko bang paniwalaan si Kazuya roon sa mga sinabi niya sa'kin tungkol kay Oisin. Parang ang hirap hirap lang kasing paniwalaan na gano'ng klaseng tao si Oisin dati. Kung talagang binago niya ang sarili niya dahil sa iisang babae lang? Baka nga mahal na mahal niya ang kung sino mang babaeng iyon?

Napabuntong hininga ako saka umayos ng higa, narito na kasi ako sa silid ko. Agad rin kaming umuwi papunta rito dahil may importanting meeting na kailangang puntahan ni Oisin. Hindi pa nga pumapayag si Kaz at Martin na umuwi kami dahil may bukas pa naman raw. Pero iyon nga ang trabaho ay trabaho raw aniyang Oisin, malaking kleyente at importanting tao raw ang pupuntahan niyang meeting kaya't hindi rin pe pweding wala siya dahil malilintikan raw siya sa mga magulang niya.

Ngunit heto ako't hindi makatulog halos mag-a-alasingko na rin ng umaga at dilat na dilat parin ang dalawa kong mata kakatwang hindi parin ako dinadalaw ng antok—napabalikwas ako ng bangon ng biglang mag ring ang cellphone ko na nasa ibabaw ng mesa. May tumatawag ganitong umaga?? Eh hindi rin naman naka register ang number?? Sino ba 'to??

Nag dadalawang isip man ay sinagot ko iyon, “H-hello?” nag-aalangang sagot ko dahil hindi ko alam kung sino ang nasa kabilang linya. Bakit kopa kasi sinagot sagot 'to diba??!!!

Ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kabilang linya, “Hell—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nitong putulin ang linya.

Kunot noong tinitigan ko ang screen ng cellphone saka napa iling. Ano bang trip no'n? Adik ba iyon? Siya itong mag istorbo tapos papatayan ako ng tawag? Aba'y napaka walang hiya nga naman ng kung sino mang hinayupak na iyon ang sarap niyang kilitiin ng kutsilyo sa totoo lang!

Padabog na ibabalik ko na sana ang cellphone ko ngunit nag vibrate iyon, message yata?? Dali dali ko rin namang tinignan iyon,

Message Received: From Unknown:

            Hey Anj, I can't sleep that's why I called. It's just that I can't stop thinking about you from the whole time, I know it sounds crazy but I'm the one who called you seconds ago I just really wanna hear your voice so that I can sleep. Goodmornight Anj, I think I can sleep now. Thank you again!

Aba'y kung akalain mo nga naman si Oisin lang pala, hindi ko alam kung bakit pero napangiti ako ng wala sa sarili. Ewan ko kung anong meron sa mensahing iyon, ang alam ko lang natawa ako dahil roon at aaminin kong mediyo gumaan ang pakiramdam ko. I think I can sleep now too.





                               MINULAT KO ang mga mata ko at napangiti ng wala sa sarili, talagang nakatulog nga ako. Anong oras na kaya ngayon? Kinapa ko ang cellphone sa ibabaw ng maliit na mesa, alas dos na pala. Ang tagal rin pala ng tulog ko, tinatamad pa akong tumayo at mag ayos, nararamdaman ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko. Kung ganitong oras sa'min siguro ay kumakain na kami ng meryenda. Parang gusto ko tuloy umuwi sa'min at kumain ng kumain saka mag relax rin.

Kinuha ko ang cellphone ko at di-nial ang cellphone number ni Mama, tatlong ring lang rin ay agad itong sinagot ni Mama kaya napangiti ako at agad na bumangon.

Hi Ma! Maupay nga kulop, nag aano kamo ngada yana ma? Kumusta man kamo ngada?”  sunod sunod kong tanong.

Ada kay asya gadla gihap kita hini, Angge. Okay man la kami ngadi, ikaw ngada it kumusta?! Baa Uday Baga iba man it sigla tim tingog yana? Baga malipayon man?” Si mama talaga kahit kaylan, hindi ba pe pweding masaya lang ang anak niya?

Arresting the Police Officer's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon