CHAPTER NINETEEN

48 1 0
                                    

Chapter NINETEEN

“Bakit ba kasi mga manloloko kayong mga lalaki eh?” Pakiramdam ko'y nawalan ako ng tinik sa dibdib matapos kong mabitiwan ang salitang iyon.

Dahil iyon ang tanong na matagal ko nang gustong itanong sa dati kong boyprend, pero hindi ko magawa.

Wala akong lakas........

Bakit nagagawa niyo pa ring magloko kahit na maganda naman iyong gilpren ninyo? Oh kung kaya naman ay mabait, matalino, masipag, magalang, mapag-mahal?” mga salitang nabaon yata sa kaloob-looban ko, “Ngunit bakit ganoon? Kahit pa nasa isang babae na ang lahat ng katangian ng mabuting babae'ng hinahanap niyo, ay........” sa pagkakataong ito ay wala na akong pakialam kung mag mukha man akong kaawa awa sa paningin niya, ay nagagawa niyo pa ring magloko?” buntong hininga ko, gano'n naman yata lahat. Ma pa babae man o lalaki kapag magloloko ay magloloko talaga. “Hindi ko alam kung papaanong naaatim nang kahit na sinong tao man ang manakit ng damdamin nang kanyang kapwa,” nanatili akong nakatingin sa papalubog nang araw, kay ganda nitong pag masdan. Ang sarap sa pakiramdam kapag nailabas mo na lahat ng iyong mga hinaing na kaylan man ay hindi mo pa nagagawa dahil wala kang mapag sabihan, “Alam mo, nakakatakot na ring pumasok sa isang relasyon. Alam mo kung bakit?” nakangiting nilingon ko ito at hayon ito'y nakatitig parin saakin. Wari ba'y inaalam niya kung tunay lahat ng aking sinasabi. “Dahil hindi tayo nakakasiguro kung mananalo na ba tayo sa sugal ng pag-ibig. Dahil baka sa huli.  .....”  huminto ako't muling nag iwas ng tingin saka pikit matang “dahil baka sa huli talo na naman.........” iyon ang totoo. Walang nakakaalam kung sa huli mong sugal ay mananalo kana. Hindi tiyak. Walang nakakatiyak niyon.

Try me, then.” mabilis kong minulat ang aking mga mata. Tama ba lahat ng narinig ko? Eh isa rin naman siyang manlalaro nang puso ng mga babae. Nagbibiro ka ba Oisin? Dahil kung oo. Hindi nakakatuwa.

Nagbibiro kalang naman hindi ba? Dahil kung nagbibiro ka man, 'wag mo nang ituloy. Hindi ka nakakatuwang magbiro. Hindi maganda.” aniya ko

I am not.” direktang sagot nito.

Let's say na hindi ka nga nagbibiro. Pero anong mapapala mo? Natin? Eh sa pagkaka alam ko lahat ng ginagawa at connection natin ay dahil lamang sa trabaho. Ayokong dumating sa puntong madudurog na naman ako at hindi ko na naman alam kung paano ang bumangon.

I don't believe you, Anj.” kung may taong mahirap pagsinungalingan, mukhang isa na rito si Oisin. Mukha ba akong hindi sensiro sa aking mga sinabi? “If that's the case, look at me and tell me directly that you don't like me. That you don't find me attractive, you don't feel the same. Do that Anj and I'll believe you,” teka teka sandali. Hindi iyon pwedi! Hindi ko kaya!

Do something, Angeline!

Think!

Think!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arresting the Police Officer's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon