CHAPTER EIGHT

77 2 0
                                    

Chapter EIGHT

“Wag ka ngang makulit, I'm okay and it's none of your business.”

Naiinis na talagang suway ko sa kanya na siya namang nakapag patahimik rito saka isinilid nalamang ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa.

Nang sa wakas ay tumigil na ang elevator, kinalma ko naman kaagad ang aking sarili saka nagpatiunang lumabas roon. Tumigil muna ako para hintayin siyang makalampas sa'kin dahil hindi naman yata tamang mas mauna ako sa kaniyang maglakad gayong siya naman itong binabantayan ko.

Come on Ms. Officer nakakahiya naman yatang makita na nasa likod ko ang magandang tulad mo.” Napasinghap ako dahil sa sinabi niya habang patuloy itong humahakbang ng mabagal ngunit hindi manlang ako nito nililingon.

Dahil iyon naman talaga ang dapat Sir.” Matigas na aniya ko sa mababang tinig.

Bakit ba ang hilig niyang pakialaman ako? Hindi naman siguro ako nakaka sagabal sa daan niya?

Ayokong ma isyu rito at saka isa pa baka ako naman ang kuyugin ng mga babae niya—sandali. Ano bang pinag-iisip ko? Dala na siguro 'to ng gutom. Oo nga.

Come on don't be shy lalo pa't isang guwapo ang makakasabay mo.” siguro nong nagpa ulan si Lord ng kahambugan nasa labas siya at nasalo niya lahat ng 'yon.

Teka Sir manlilibre kaba?” Napangisi ako dahil sa sarili ko ring tanong.

Yes, isn't it obvious?” Napanganga ako dahil sa sagot niya.

Alam ko namang mayaman siya at kaya niyang ilibre lahat ng empleyado niya pero hindi ko lang talaga inaasahan ang sagot niyang 'yon. Ang ibig kong sabihin ay bakit sa gano'n kadali? Hindi niya naman ako kaibigan o ni kakilala manlang para ilibre.

Kahit na lahat ng empleyado mo?” maging ako ay nagulat sa lumabas sa bibig ko.

Ano bang iniisip ko?! Shit.

Napalunok ako ng tumigil ito sa paglalakad saka lumingon sa'kin. Dahil nga alam kong hanggang balikat niya lang ako ay yumuko ito para magpantay ang aming mukha. Tuloy ay hindi ko na mawari ang aking nadarama. Pakiramdam ko'y may nagkakagulo sa aking loob.

Mas lalo akong nanigas ng bigla itong ngumiti dahilan upang lumitaw ang mga dimples niya na siyang mas nagbigay ng kaguwapohan niya. Gwapo nga babaero naman.

“If that's what you want Ms. Officer” He answered na para bang gano'n lang kadali ang sinabi ko.

How?

Teka teka seryoso ka?” paniniguradong tanong ko.

Yes, so let's go. I guess hindi naman na siguro kailangang hintayin natin sila 'no? Dahil gutom na'ko eh.” Sagot niya sa huli n naging dahilan ng pagtawa ko ng mahina.

Akalain mo nga namang mahilig palang kumain ang lalaking 'to?

Okay Sir.” Sagot ko

Tumango naman ito saka pumantay sa kinatatayuan ko at dinukot ang kanyang cellphone saka humakbang ng dahan dahan at sinabayan ko naman iyon.

Hello? Tell everyone that we'll be having a lunch at the nearest restaurant. Yes. It's my treat. Yeah okay see you all there,” May puso rin naman pala ang tukmol na'to kahit papano.

Hindi na'ko kumibo hanggang sa makalabas kami ng building niya pumasok na'ko sa sasakyan ko. Sinenyasan ko naman itong mauna sa'kin dahil susunod ako sa kanya na agad rin naman nitong nakuha ang ibig kong sabihin.

Binuhay ko na rin ang makina ng sasakyan ko matapos nitong makalayo ng hindi naman gaano pang kalayo ngunit may distansiya na ang kanyang layo sa gusali niya. Hindi problema sa'kin ang humabol sa kanya dahil mabilis akong mag maneho na isa sa kinakatakutan ng mahal kong Ina. Siya itong takot na takot eh sa ako naman ang nakasakay sa sasakyan at ako ang nagmamaneho. Hay. I miss my mom.

Kung ganitong oras ay baka tulog pa ako sa bahay at batid kong halos gibain narin ni Mama ang pinto ng kwarto ko sa kaka-katok. Ngunit kahit gano'n ay hindi na yata ako magsasawang gano'n ang Mama dahil tuwing bumabalik ako rito sa Manila ay iyon at iyon talaga ang una kong namimiss.

Hindi naman kasi kami mayaman, simpleng mamamayan lang rin kami na may masaya at tahimik na Buhay sa probensiya. May lupa kami na sinasakahan ni Papa may dalawa rin kaming kalabaw, ang bahay naman namin ay tamang tama lang para saamin. Hindi siya malaki hindi rin maliit, ayaw kasi ng Mama ng bahay na malaki dahil nakakapagod at nakakatamad raw maglinis. Lalo pa raw at hindi naman kami natulong sa kanya.

Napabuntong hininga ako matapos maalala ang pamumuhay namin sa probensiya, simple ngunit napakasaya. At isa iyon sa ipinagmamalaki ko na isa akong tubong probensiya. Hayyyyyyy kaylan kaya ako makakapag bakasyong muli saamin??  Kung pe pwedi lang ngayon na mismo eh nagawa ko na. Kaso hindi pwedi.

Naglalayag man ang aking isipan ngunit ang aking mga mata naman ay nakatuon sa daan at hindi hinihiwalay ang aking paningin sa sasakyang nasa harapan ko. Nag dahan dahan ito at huminto sa tapat ng sa  tingin ko'y Korean Restaurant. Lumabas ito sa kanyang sasakyan at saka kunot noong tiningnan ang sasakyan Kong ngayon ay papalapit palang kung saan naroon ang sasakyan niya.

Nakakunot noo ito dahil sa araw, pati yata araw ay mahihiya sa angking hitsura ng lalaking ito. Animo'y diamanteng kumikinang lalo na pag tinatamaan ng sikat ng araw ang kanyang mukha. Ngunit hindi parin niyon maipagkakaila ang kanyang magandang mukha. Kaso nga lang babaero. Kawawa ang mapapangasawa nito. Paniguradong laging iiyak. Wag naman sana. Lord maawa kayo sa babaeng maloloko ng lalaking ito.

Makakahanap rin 'to ng babaeng mag papa ikot ng Mundo niya. Maghintay ka lang sa karma na ibibigay sayo ni Lord.

Lumapit rin agad ako sa pwesto niya,

Let's go.” Aniya saka naunang maglakad papasok.

Gutom na nga yata ang isang iyon. Ngunit kakatwang wala manlang akong maaninag na taba sa kanyang katawan. Napaka perfect niyon kumbaga well toned.

Sumunod nalang ako sa kanya ng nakapamulsa, agarang may lumapit sa kanyang waiters. Yes waiters. Dahil lahat yata ng waiter sa restaurant naito ay lumapit sa kanya. Kilala ba talaga siya rito? Ba't ako hindi ko siya kilala? Hindi rin naman kasi ako interesado. Lalo na kung mga mayayaman ang pag uusapan.

“Gusto kong ireserve mo lahat ng bakante sa VIP,” Iyong boses niya ay hindi bossy, hindi rin siya nag Ingles.

Anong pagkain ho ba ang gusto ninyo Mr. Del Fuego?” Kung hindi ako nagkakamali ay nahihimigan ko ang kaba sa tinig ng sa tingin ko'y siyang Manager ng Restaurant na ito.

Lahat ng nasa menu niyo,” mabilis na tugon niya.

Tumango lang ang mga waiter at iyong manager ay saka na sila sabay sabay na tumalikod sa kanya.

He's kind. Yes. But he can't get rid the fact that he's a great womanizer.

Hindi ka ba lalapit rito Ms. Officer?? Tititigan mo nalang ba ang gwapong nasa harap mo?” Hindi talaga mawala wala ang kahambugan sa katawan ng isang 'to.

Hahakbang na sana ako papalapit sa pwesto niya pero agad rin akong tumalikod at mabilis na tumakbo palabas.

Where are you going? Damn.”

To be continued........

Arresting the Police Officer's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon