CHAPTER FOURTEEN

52 1 3
                                    

Nandirito na kami ngayon sa Cebu, hindi ko alam na hindi pala siya nagbibiro kanina. Ang akala ko ay hindi totoo, nang magising nga ako ay malapit na kami sa Cebu. Wala na akong nagawa dahil narito na ako. At ngayon ay papapasok kami sa isang malaking gate, at tanaw ko na mula rito ang malaking bahay, mansion pa yata.

Agad akong kinabahan at nakaramdam ng hiya, hindi yata ako dapat sumama, hindi ako nababagay sa ganiyang klaseng bahay. Huminto ang sasakyan sa tapat mismo ng—mansion saka siya naunang bumaba. Hindi narin ako naghintay pa at agad rin akong bumaba ng mapansing papaikot ito sa gawi ko upang pagbuksan ako ng pinto.

Anong ginagawa natin rito?” tanging naiusal ko dahil sa pagkamangha sa mansiong nasa harapan ko.

Iyong fountain sa gitna, ang malawak harden ang malinis na grass field. At ang mga halamang naka lagay sa malalaking paso na batid kong alagang alaga.

Makikikain.” simpleng sagot niya na nagpalaglag ng panga ko, seryoso ba siya?!

Ano kamo? Makikikain?!” Nakangangang pag-uulit ko pa sa sinabi niya at ang loko tumango.

Kaylan ba magiging matino ang sagot at dahilan ng Del Fuego'ng 'to?! Hindi na'ko nasanay.

Habang napapabuntong hininga ako ay hinatak naman kaagad ako nito ng Wala akong manlang pasabi. Hilig niya talaga iyon 'no?! Nakakalula ang laki ng mansiong ito, magmula sa labas ay talagang nagsusumigaw ang elegante nito.

Ang desenyo ng mansiong ito ay pinaghalong elegante ngumiti naroon ang pagiging simple nito, hindi rin ito nakakasawang masdan. Halatang magaling na arkitekto ang humawak nito, dahil bawat desenyo ay detalyado.

Maayong hapon, Oisin,” Napatigil ako sa panunuri nang tingin ng napadako ang tingin ko sa babaeng maganda na sa ngayon ay papababa ng hagdan, naroon ang magandang kutis nito, magandang kurba ng katawan, ang pagiging simple nito at ang natural ngunit naroon ang kagandahang taglay nito.

Good Afternoon, Kaz, where's Martin?” Agad namang tanong ni, Oisin.

Ngumiti ng pagka tamis tamis ang babae, siguro kung lalaki lang ako'y kanina pa ako nabighani sa taglay na ganda ng babaeng ito. Hindi nakakasawa.

Babysitting our son, who's with you, Sin?” tumingin ito sa'kin at mas lalong tumamis ang ngiti tuloy ay ako ang nanliit at nahiya dahil roon, “What a beautiful woman, she's so pretty, Sin,” Mas lalo akong nahiya. Mas maganda siya sa totoo lang, gusto ko nalang mag palamon sa lupa ngayon din.

Oh man! How's life?” Biglang pagsulpot ng lalaki at agad na hinawakan ang babae sa bewang nito at hinalikan ng noo nito, kay ganda nilang pagmasdan. Para silang mga santo dahil sa taglay nilang kagandahan at talagang namang ang sobrang guwapo ng lalaki. “Oh you're with this gorgeous lady? Hmm wondering if what did you do to force this lady to go with you huh?” natatawang biro ng lalaki sabay fist bump kay, Oisin.

Shut the fuck up man she's, Angeline,” Sigunda naman nito tuloy ay mas lalo akong nahiya.

Hi.....” Nahihiyang bati ko sa kanila agad namang ngumiti ang magandang babae.

Hello, I'm Kazuya but you can call me Kaz. And this man beside me is my husband, Martin,” tinanggap ko ang pakikipagkamay niya maging iyong pakikipagkamay nang asawa niya.

Dude, you've got the best taste. She's beautiful,” napayuko ako dahil doon.

Oh kung gano sa kaganda, kaibahan naman no'n ang pagiging amazona niya,” Talaga namang ang sarap putulin ng dila nito eh! Siniko ko ito dahilan upang magtawanan ang mag asawa, “See?”

Humanda ka talaga sa'king lalaki ka. Makikita mo!

Tara sa kusina at ng makakain kayo batid kong pagod kayo halika, Angeline. Don't be shy feel at home,” Aniyang Kazuya saka humiwalay sa asawa niya at lumapit sa'kin saka pinag bigkis ang aming mga braso, “Do'n ka ngang Del Fuego ka, akin na muna ang girlfriend mo,” nanlaki ang mga mata ko dahil roon.

Naku hindi no! Hindi ko kaylanman nanaising maging boyfriend ang tukmol na iyan! Di bali ng tumanda akong dalaga!” agad na depensa ko.

Hindi pa sa ngayon—” sinamaan ko ng tingin si Oisin at talaga namang natawa lang ang walang hiya!

Manahimik ka Del Fuego!” mahina ngunit may diing suway ko rito. Ang loko kinindatan lang ako.

Para kayong mag-asawang nag aaway,” gulat naman akong napatingin kay Kazuya ng bigla itong bumungisngis na animoy batang kinikilig.

Nakakahiya!!!!!!

Tayo na sa dining room love birds!” Kazuya grabbed my hand and bring me to their dinning area.

Giniya kami nito sa dinning area nila, nakakamangha ang dinning area nila. Magmula sa labas hanggang rito ay hindi na'ko magmakamayaw sa paghanga.

Habang sa mahaba at malaking mesa naman ay puno ng pagkain, aakalain mong maraming bisita ngunit ang totoo ay kaming apat lang rin ang narito.

I'll just call the kids,” Aniyang Martin saka tumayo, mga anak yata nila ang kukunin.

Hindi na'ko magtataka kung pati mga anak nila eh gwapo at maganda dahil ang ganda at gwapo ng mga magulang nila.

Sa susunod tayo naman ang magiging ganyan 'wag ka ng mainggit, Angeline,” Bulong ng tukmol, dahil magkatabi kami sa upuan. Ang walang hiya kasi hindi pumayag na sa tabi ako ni Kazuya uupo.

Mom!” Agad namang nabaling ang atensyon ko roon at natanaw ko nga ang batang babae na tumatakbo papalapit sa pwesto ng kanyang Ina.

Careful ate,” suway naman ni Kaz sa anak ngunit bumungisngis lang ang magandang bata saka inabot ang pisngi ng Ina saka iyon hinalikan.

Napansin yata ng bata ang aming presensiya kaya agad rin itong ngumiti, “Hi there Tito Sin! Na miss ko po ikaw!” aniya nito tumayo naman si Oisin at binuhat ang bata saka hinalikan sa pisngi,

I missed you too!” Aniyang Oisin saka ginulo ang buhok ng bata tuloy ay hindi ko maiwasang mapangiti dahil hindi ko akalaing may ganyang side pa pala ang babaeong ito.

Tito who's that pretty gorgeous right there? Is she your wife? Is she my Tita na ba? Tito why aren't you introducing me to her? I want to know her and bond with her!” Napanganga ako dahil sa tanong ng bata.

Juskong batang ito! 

Ni ang ma-i-magine nga lang na boyfriend ko ang isang yan ay hindi ko magawa, ASAWA PA KAYA?!!!!

Wag na no!

Uhuh! She's my soon-to-be wife, she's your Tita Anj but you can call her mom too,”

To be continued.........

HAPPY 900 FOLLOWERS TO US!!!!

THANK YOU FOR THE UNENDING SUPPORT THAT YOU'VE GIVEN TO ME PO! AND ALSO SORRY FOR THE DELAYED OF MY UPDATES. I'LL TRY TO UPDATE MORE CHAPTERS BAGO MAG BUKAS ANG PASUKAN💗☕

Sana po ay hindi kayo magsawang supportahan ako hanggang huli☕

Arresting the Police Officer's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon