CHAPTER SEVEN

75 2 0
                                    

Chapter SEVEN

I know, I just want to see your reaction after you heard our live conversation.” Aniya saka tumingin sa laptop niya na ikinanganga ko naman.

How did he know that I was there?! Shit. Baka naman hinuhuli niya lang ako??! Tama!

Ano bang pinagsasabi mo?” kunwari'y iritang tanong ko sa kanya. Ngunit ang totoo ay para na akong pinapatay sa kaba.

“Nevermind.” Aniya habang nagtitipa sa kanyang laptop. Muntik na'yon.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito, tatayo ba ako sa may pinto? O mananatili ako rito sa loob ng opisina niya. Tutunganga nalang ba ako rito? Anoba kasi ang dapat kong gawin sa loob at labas ng opisinang ito? Wala rin naman kasing sinabi kung ano ang mga dapat kong gawin tuwing narito ako sa loob ng opisina niya?

Siguro naman ay sa labas nalang ako tatayo para bantayan ko ang tukmol na'to saka para narin alam ko kung sino sino ang naglalabas pasok rito. Liban nalang sa mga babaeng naghahanap sa kanya, dahil tiyak hindi magpapapigil ang mga iyon saka isa pa labas na'yon sa trabaho ko.

Mga lalaking dapat hindi pinapagkatiwalaan lalong lalo na kung pagmamahal ang usapan. Dahil kung magsiseryoso ka ikaw ang talo at paniguradong uuwi ng luhaan. Nakakaawa iyong mga babaeng natatalo sa larong hindi naman nila sinasadyang magpatalo. Gaya nalamang ni Daileen nakakaawa siya dahil ang lalaking minahal niya isang mapaglaro at mukhang hindi marunong mag seryoso.

Tuloy ay hindi ko maiwasang mapa-iling at saka naglakad palabas ng opisina ng tukmol na'to, oo nga't guwapo siya ngunit wala naman siguro siyang karapatang manakit ng babae? Lalo na kung puso ang sinaktan niya, hindi iyon tulad ng physical na pananakit na mawawala at magagamot, iyong pag ka lipas ng ilang buwan ay mawawala at maghihilom.

Iyong sugat kasi sa puso ay hindi mo alam at walang nakaka-alam kung kelan maghihilom ang sugat roon. Kumbaga iyon 'yong tinatawag nilang bago maghilom ay kailangan at naglalaan ng panahon. It takes time. Kapag sa puso ka masaktan, kaya malas ka kung iyon ang maranasan mo.

Napabuntong hininga ako dahil sa isiping iyon saka sumandal sa hamba ng pintong iyon. Hindi ko rin kayang ipag kaila na isa ako sa mga babaeng malas na nakaranas ng ganoong klase ng sakit. At iyon nga eh, hindi ko alam kung sapat na ba ang ilang taon at buwang nagdaan para masabi kong wala na ang sugat ng nakaraan.

Naturingan akong police officer at nakilala akong matapang na babae ngunit hindi ko manlang nagawang protektahan ang puso ko laban sa lalaking naging dahilan upang maranasan ko ang ganoong klaseng sakit. Sakit na naisin ko mang 'wag alalahanin at balikan ay hindi ko magawa. Ni hindi ko nga alam kung wala naba talaga iyong sakit eh.

Aray!” pasigaw na aniya ko matapos biglang bumukas ang pinto na sinasandalan ko.

Tingnan mo nga naman ang tukmol na'to. Napaka ungentleman!

Sorry I didn't know that you're—”

Malamang hindi mo alam!” pagpuputol ko sa sasabihin pa niya. Kahit kaylan talaga ay nakakainis ang tukmol na'to. Tsk. Kung dilang talaga utos ng matandang panot na'yon ang maging private security nitong tukmol na'to ay hindi ako kaylan man papayag na magtrabaho para sa kanya. Never.

Ba't ba ang init ng ulo niyong mga babae?” nag init naman agad ang ulo dahil sa tanong niya.

After ng mga nangyari kanina? Parang wala lang sa kanya eh? Malamang ekspyerto siya ro'n. Kaya malamang okay lang siya.

Eh ano bang pakialam mo?” Tanong ko naman pabalik at saka inirapan siya.

Easy gusto lang naman sana kitang makasamang mag lunch, if it's okay with—”

“No!” agad na sagot ko.

Anong akala niya sa'kin taga sunod niya? Anong akala niya sa'kin madaling mapasunod gaya ng mga babaeng niloko niya?! Ha?! Ang kapal.

Damn you're really different.” Rinig kong bulong niya saka sinundan niya iyon ng mahinang tawa.

Ano?!” Pag uulit ko ng tanong.

Wala.....” Aniya at nakakalokong ngumisi saka sumipol at nakapamulsang nilampasan ako.

Matisod ka sanang tukmol ka” bulong ko saka umirap sa kawalan.

Baka hindi mo naitatanong Miss. Officer, well trained 'to at saka ang guwapo ko namang tukmol niyan.” Narinig niya 'yon?!

Pambihira naman ang pandinig ng isang iyon!!!

Hindi na'ko sumagot sa sinabi ng tukmol na'yon—

Hindi kaba talaga sasama? Sige ka may multo pa naman dito—” Halos mapatakbo dahil sa narinig ko.

Pisteng tukmol na'to! Oo nga't matapang ako pero takot ako sa multo!

Akala ko ba hindi ka sasama?” Nakakalokong tanong niya. Nang-aasar!

Manahimik ka!” pasigaw na aniya ko ngunit sa mababang tinig lamang.

Takot pala sa multo ang magandang si Ms—”

“Shut up!” naiinis na sabi ko.

Nakakainis lang dahil mukhang pinag tatawanan niya pa na takot ako sa multo. Napaka walang hiya talaga. Oo.

Oh okay sabi ko nga.” Nagtaas pa ito ng kanyang dalawang palad na animo'y sumusuko na.

Ngunit hindi naman talaga iyong pang-aasar niya kung bakit ako naiinis. Naiinis ako dahil pakiramdam ko hindi ako makahinga. Pakiramdam ko anomang minuto ay hihimatayin ako dahil sa hindi ko malamang kadahilanan.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging balisa sa isiping dalawa lang kami sa loob ng elevator na'to. Sa isiping hindi nalalayo ang agwat ng kinatatayuan naming pareho.

Hindi ko alam ang nangyayarari!

Hindi ko rin alam kung bakit ako naiilang?!

Bakit naman ako maiilang? Gayong wala naman siyang ginagawa.

Hey hey are you okay?” Hindi ako sumagot sa tanong niya dahil pakiramdam ko'y mas lalo akong nawawalan ng hininga.

I'm asking you if you're okay? Damn! Answer me please.” kunot noo akong nag angat ng tingin sa kanya ng mahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya.

Tama ba ang nakikita ko sa mga mata mo? O baka naman dala lang to sa pagka hindi ko comportable ngayon nasa paligid ko lang siya at kaming dalawa lang sa loob ng elevator na'to.

Nag iwas ako ng tingin “O-oo naman ayos lang ako” pinilit kong maging normal ang boses ko saka tumingin sa mga paa ko.

But you're sweating, are you really okay?” Ba't ba ang kulit niya?

Bakit di nalang niya problemahin ang mga babae niya?

Mas lalo akong hindi nagiging comportable pag nagsalita pa'tong tukmol na'to eh. Ba't di nalang siya manahimik?!

Wag ka ngang makulit, I'm okay and it's none of your business.”

To be continued.........

Arresting the Police Officer's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon