CHAPTER NINE

90 2 0
                                    

Where are you going? Damn.” Rinig na rinig kong sigaw niya ngunit hindi na ako nag abala pang tapunan siya ng lingon.

Mas kilangan ng tulong niyong babae. Na snatch-an. Tsk. Wrong timing ah. Aasarin ko pa naman sana iyong tukmol na'yon.

Ma'am tulungan niyo ho ako iyong bag ko ho!” Hestirical na sigaw ng babae, tumango naman ako saka mabilis na tumakbo para maabutan ko iyong snatcher. Mabilis siya.

Sabagay wala namang snatcher na pilay.  Mabilis itong nagpapa suot suot sa mga dumaraang sasakyan maging mga taong nasa gilid ay walang patawad kung banggain. Tumalon ako ng bahagya ng may sumulpot na sasakyan, ngunit agad koring tinuunan ng pansin iyong hinahabol ko.

Hindi ko alam kung saang banda na'to pero isa lang ang sigurado ako, malapit ko na siyang maabutan at talagang masasapak ko siya pag naabutan ko siya. Napangisi ako ng mapansing wala na siyang malulusutan dahil sa mga tricycle na nagharang harang sa daraanan niya.

Talaga namang pinahirapan pa'ko ng bubwit na'to” bulong ko saka mabilis na tinakbo ang pagitan namin.

Wag kang lalapit sa'kin kundi sasaksakin kita!” Malakas na sigaw nito saka iwinasiwas ang kanyang patalim. Hindi na bago sa'kin 'yan.

Mas magugulat pa siguro ako kung samurai 'yang dala niya. Tsk.

Eh ganitong ganito rin ang mga napapanood ko sa TV eh, maglalabas ng kutsilyo ang snatcher pero sa huli mahuhuli parin siya. Paulit ulit na senaryo.

Ibigay mo na sa'kin 'yang bag ng Ali.” Pakiusap ko.

Tapos ano? Huhulihin mo ako?!” eh alam monaman pala. Ba't kapa nag tanong??? Bobo lang??

Ang dami mong tanong! Akin na sabi 'yang bag!” tumakbo ako palapit at ayun nga sa inaasahan ko.

Inakma niyang sasaksakin ang tiyan ko ngunit mabilis kong nahawakan ang kamay nito saka malakas na pinalo iyon ng aking isang kamay dahilan upang mahulog ang patalim mula sa kanyang pagkakahawak.

Sinipa ko naman agad papalayo ang patalim saka itinaas ang paa ko para bigyan siya ng masarap na tadyak sa mukha. Matapos niyon ay kinuha ko na ang posas na nasa likod ko saka ipinosas ng kamay niya ro'n.

Ma'am maawa ho kayo nagawa ko lang naman ho 'yon dahil sa gutom.” pagmamakaawa niya ngunit ang mga salitang ginamit niya ay hindi angkop para gumawa siya ng masama .

Kani kanina lang eh ang lakas lakas ng loob mo ta's ngayon?? Anong nangyari???” Huminto ako saka isinabay siya sa paglakad ko, “Hindi sulusyon ang kahirapan para gumawa ng masama, ang laki laki ng katawan mo at nasisiguro ko ring kaya mo pang magtrabaho. Ba't hindi mo gawin??” bigla naman itong natahimik saka parang tuta na napapayuko, “Wala naman kasing pagkain ang hindi pinaghihirapan, iyong paraan mo ngalang ay hindi makatarungan. Magtrabaho ka, mag tanim ka ng mga pananim. Makikita mo't mas masaya ang ganoong gawain mas dugot pawis ang pinuhunan mo. Hindi iyong galing nga sa pawis at buwis Buhay pa nga kaso hindi ngalang iyo. Magkakasala ka pa sa Diyos.” Totoo naman lahat ng mga sinabi ko sa kung sino mang snatcher na'to no!

Kung ganon Ma'am magbabago na ho ako. Pakawalan niyo lang ako pakiusap,” Hindi ko maiwasang mapa-iling dahil sa sinabi niya.

Arresting the Police Officer's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon