CHAPTER TWELVE

64 1 0
                                    

“Don't move, I'll bring your food there.”

Hindi ko alam kung tama bang nandirito siya ngayon sa loob ng bahay ko at pinaglilingkuran ako. Dahil lang hindi ako nagpadala sa hospital ay ganito na siya? Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit pumayag akong dumito muna siya. Sa simpleng salita niyang gano'n ay napapayag niya akong manaliti siya rito hanggang hindi bumubuti ang pakiramdam ko.

Heto siya ngayon at papalapit sa pwesto ko na may dalang food tray at may lamang pagkain na sa palagay ko ay pang limang tao yata ang kakain. At isa sa mga nalaman ko tungkol sa lalaking narito ay isa rin pala siyang chef in his own way, iyon ang sinabi niya eh. Hindi daw siya nag aral ng culinary sa school bagkus ay bumili lang daw siya ng libro dahil sobrang curious siya tungkol sa pagluluto. Alam kong wala sa intensiyon niyang magyabang ng sabihin niya iyon pero sa pandinig ko ay pinagmamayabang niya iyon.

Eat Lady,” kung ano ano nalang ang itinatawag sa'kin ng lalaking ito.

Nilapag niya sa ibabaw ng kama ang food tray, para siyang hindi lalaki. Ang galing niyang mag arrange ng mga palamuti sa pagkain na mas ikinamangha ko dahil mas nagbigay iyon ng kulay at ganda. Kahit sinong tumingin niyon ay siguradong matatakam.

Hindi na ako naghintay pang magsalita ito at nagsimula na akong kumain. Ayokong mag inarte ngayon dahil gusto kong bumuti agad ang pakiramdam ko at nang makaalis na ang isang ito rito. Kahit na mediyo naiilang ako sa presensiya niya lalo na at ramdam na ramdam ko ang mga titig nito sa'kin. At pilit ko talagang ipinag sasawalang bahala iyon at pilit na pilit kong nilulunok ang pagkaing isinusubo ko.

How can you be this beautiful huh?” Halos mabulunan ako dahil sa hindi ko inaasahang pagsasalita niya nang gano'n.

Yeah. Mambobola.

Ano pa ngaba eh isa siyang dakilang babaero eh. Hindi na bago sa kanya iyan, I wonder if how many girls he needs to tell that they're beautiful? Para lang maikama. Tsk. Babaero style.

Ano pa ngaba?

Sir—”

Oisin, call me, Oisin

Pagpuputol niya sa sasabihin ko sana.

Inilapag ko ang kutsara at tinidor, “Oisin,” Napatingin ako sa kanya, “Ilang babae ba ang nasasabihan mo nang gano'n para maikama?” tamad kong tanong saka inubos ang pagkaing nasa may pinggan ko. Tapos na ako.

Ngayon hindi siya makasagot? Kasi totoo? Tsk.

Tumayo ako at binuhay ang food tray saka dinala iyon sa kusina. Mga lalaki nga naman.

About that, hindi ko naman na sila kailangan sabihin ng kung ano ano dahil sila mismo ang lumalapit sa'kin. At hinihiling ang bagay na'yon, you see I'm a good boy, Angeline,” Good boy mo mukha mo.

Paniwalain mo na ang lahat, Sir, wag lang ako dahil tapos na'ko sa ganyan. Kutang kuta na'ko sa panloloko ng mga lalaking,” lumingon ako at tumingin sa kanya ng masama, “nang mga lalaking gaya mo. Babaero,” inilipag ko ang food tray sa lababo at binuksan ang gripo para hugasan sana ang kamay ko.

May mga pagkain pang natira at marami pa iyon at hindi ko alam kung saan ko iyon ilalagay.

Let me do this, and you.” nagulat ako ng hawakan nito ang magkabila kong balikat at napalunok ako ng sunod sunod dahil may naramdaman akong kakaibang kuryenteng dumaloy sa katawan ko. “Sit here and relax,” naiupo na ako nito sa upuang naroon ng hindi ko manlang namamalayan.

Ano iyon?? 

Kakatwa....

Can someone please remind me again why is he doing this?? And why is he acting like that?? Ayokong mag isip ng kung ano anong hindi naman karapat dapat isipin at isa pa ayokong lagyan ng malisya ang lahat ng ito.

Is he giving me mix signals?

Oh damn! He's a great player, I totally forgot.

Ano nga ulit ang ginagawa mo rito, Sir? At saka ba't mo ba ginagawa 'to?” kunot noong tanong habang siya naman ay nakatalikod sa'kin.

What's the use of telling you what my real reason is, if in the first place I know you won't believe me. Hmm?” Swabeng gumagalaw ang braso niya dahil sa kanyang ginagawa.

Doon rin naman ako nangunot noo ng sobrang dahil tila ba ang nais niyang iparating eh may totoong dahilan ang pagpunta niya rito? Ano naman kaya iyon?

Magtatanong ba'ko? O wag nalang?

Oh eh ano nga ho iyon, sabihin niyo na at ako'y naghahanap na nang sagot rito,” Aniya ko pa ngunit hindi pa rin naman ito lumilingon sa'kin kung kaya't hindi ko makita kung ano ng reaksiyon niya sa mga tanong ko.

Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa katahimikang namamagitan sa'min. Ang tanging naririnig ko lamang ay iyong pag patak ng tubig sa plangganita, ang pagkalansing ng mga kutsara't tinidor, ang kanyang paghinga ay dinig na dinig ko rin.

Hindi ko alam kung ng iilusyon lang ba ako ngunit bakit parang bumagal ang mga bagay sa paligid, at napadako ang mga mata ko sa kanya na ngayon ay unti unting humaharap sa'kin.

Nahihibang naba ako't ang tingin ko sa kanyang pag ikot ay parang mas lalong bumagal? Maging ang kanyang mga braso ay gano'n rin. What the heck is that?! Kumurap ng ilang beses ngunit gano'n parin, maging ang aking paglunok ay tila ba kay bagal.

Hey? Are you even listening at me?” pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig matapos mahimasmasan nang dahil roon sa sinabi niya.

Nakakahiya ka, Angeline.

H-ha?” Gusto kong umiyak ng dahil sa pagka utal ko. Putangina naman oh.

H-ha?” Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa panggagaya nito sa sinabi ko at maging ang tono ko, kung pa'no ko'yong sinabi. “Woah, don't glare at me like that,” Nang-aasar. Tuloy ay naasar ako lalo, hayon pa't sinundan niya iyon ng mahinang tawa na siyang nagpa galaw ng mga balikat niya. At hindi ko maipagkakailang, ang guwapo niya talaga. Kahit saang anggulo man tignan. Babaero ngalang.

“Bakit mo ba ako trinatrato nang ganito? And can you please stop giving me mix signals, I'm not a gamer and I don't know how to play. And please if you're doing this because it's normal for you at gano'n kalang talaga sa lahat, sabihin mo sa'kin. Hindi 'yong nababaliw na'ko kakaisip kung ano bang mga ibig sabihin ng mga pinag gagawa mo, I'm tired being played by someone,” Nanatili ang paningin ko sa balikat niya, nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga matiim niyang titig, “Im tired being played by someone, dahil sa huli. Sa huli ako ang talo, ang laging natatalo,” ngumisi ako at nag iwas ng tingin.

“That's the point, even though I'd tell you that I like you. You wouldn't believe me tsk,” What does that mean?? So he likes me?

“Kasi—”

Here we go again with your “kasi”. Listen, you won't live happy if you're still stuck in your past,” He has point,

And here we go again, you can't blame me with that. Dahil kayong mga lalaki rin ang dahilan kung bakit kami nasasaktan. You guys are the main reason, kayo.....” Mahina ang boses ko ng binitiwan ko ang salitang iyon ngunit siniguro kong maririnig niya ako.

Nag angat ako ng tingin dahil natahimik ito at nagsalubong ang mga mata namin. Ang kaninang mga mata niyang mapag laro at nang aasar ngayon ay napalitan iyon ng matang walang emosyon kahit ano. At napalunok ako roon, maging ang mga mata niyang taimtim na nakatitig sa mga mata ko at pilit ko iyong nilalabanan.

Why? Kami rin ba hindi nasasaktan? Do you think our feelings is not valid? I also feel hurt, Angeline. I maybe look like a stone and a playful one but I've been hurt, and that pain made me like this.”

To be continued.........

Arresting the Police Officer's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon