CHAPTER TWO

121 4 0
                                    

Chapter TWO

           AGAD AKONG UMALIS sa opisina at dumiretso na sa pwesto ko kanina, nakakainis ang lalaking 'yon ang sarap niyang batukan ng mahigit kumulang na Isang Libo. At talaga namang may tulad pa niyang nabubuhay dito sa Mundo?! Isang guwapo na  mayabang at antipatikong  lalaki, oo nga at mayaman siya. Pero wala din namang silbi ang yaman niya kung gano'n ang ugali niya. He's not even a gentleman! At bakit naman 'yon ang naisip ko?! Gosh Angeline what are you thinking! Focus on what you were doing, instead of minding that handsome jerk man.

Mabilis na lumipas ang oras at hito ako ngayon binabaybay ang daan patungo sa bahay na tinutuloyan ko, well as expected sobrang sira ang araw ko. Pano ba naman eh nasimulan nang masira ang araw ko kanina eh, di nag tuloy tuloy na. Buwesit na buwesit ako buong araw. At laking pagpapasalamat ko naman na hindi na muli pang dumaan ang walang hiyang lalaki.

Kumusta ang araw natin ma'am officer?” Ayan hindi ko tuloy namalayang nakababa na pala ako sa sasakyan ko. Absent minded tayo eh no?

Agad naman akong ngumiti sa isa sa mga kapitbahay ko dito, natatawa ako sa tawag nila sa'kin dito, ma'am officer.

Medyo okay naman ho, eh sa inyo ho ba?” aniya ko naman saka sumandal sa sasakyan ko.

Nakita ko kung  papaanong bumalatay ang saya sa kanyang mukha, and that's one of the reason why I love being in this place. Sobrang happy at positive thinker ang mga tao dito.

Ay naku ma'am officer! 'yong anak ko hong highschool eh naka graduate na with high honor po!” aniya at talaga namang maaaninag mo ang kislap sa kanyang mga mata.

Namiss ko tuloy si Papa.

Gano'n ho ba? Congratulations po pala sa anak ninyo, I'm sure she has a great future. Oh siya paano mauna na muna ako sa inyo, congratulations po ulit!” Aniya ko saka tinapik ang kanyang balikat.

May kaunting salo salo sa bahay mamaya ma'am officer, aasahan ko po ang inyong pagdating ” Nakangiting tumango na lamang ako saka tuluyan nang tumalikod at binuksan ang pinto ng bahay ko.

Sa wakas naka uwi rin! 

Agad akong tumihaya sa kama at ginawang unan ang aking mga kamay saka nakangiting tumingala sa puting kesami. Kahit papaano ay naibsan anv inis ko, at nagpapasalamat ako sa kapitbahay kong iyon. Tamang tama hindi ko na kailangan pang magluto dahil makikikain nalang ako sa kapitbahay! At saka isa pa imbitado naman ako, iyong iba nga riyan eh hindi naman imbitado pero pumupunta. Napairap nalang ako nang wala sa oras dahil doon.

Matapos mag isip isip ay napag desisyonan ko nang maligo dahil ayoko namang pumunta sa salo salong iyon nang hindi pa nakakaligo. Nakakahiya 'yon no! Halos kalahating oras din ang ginugol ko sa pagligo at hito na ako ngayon sa harap ng salamin at pinapatayo ang buhok ko. Hindi ko ito ibo-blower dahil gusto kong basa ang buhok ko at manatiling malamig ang ulo ko.

Nagsuot lang ako ng jogging pants at  oversized shirt at saka ako nagpabango ng kaunti lang naman. Hindi narin ako nag abala pang isarado ang pintuan ng bahay dahil malapit lang naman ang pupuntahan ko. Saka isa pa, wala namang magtatangkang pasukin ang bahay ko. Ang mga tao dito ay mayroong RESPETO.

Nagugutom na'ko! Ano bayan! Maka alis nangalang!!!!

Binilisan kona ang mga hakbang ko at nang makarating na sa bahay ng kapit bahay namin. Ilang hakbang lang ang ginawa ko at narito na ako sa harap nila, “Oh ma'am officer! Pasok ho kayo,” Aniyang kapitbahay ko saka ako giniya papasok. Bawal tanggihan ang grasya mga mareee!

Sumunod naman ako sakanya saka don ko nakita ang anak niyang kaka graduate lang, “Congratulations Aileen,” nakangiting bati ko sa dalaga.

Maraming salamat ma'am officer, maraming salamat din po at pina-unlakan ninyo ang imbetasyon ni itay,” Maganda ang batang ito, kaya hindi na ako magtataka kung may maraming nanliligaw dito.

Napailing nalamang ako dahil sa aking naisip,

Wag ka munang papasok sa isang relasyon, maniwala ka. Sakit lang sa ulo ang mga lalaki,” aniya ko saka Natawa ng mahina.

Tama ang sinabi ni ma'am officer, wag ka munang mag no nobyo Aileen. At ayokong humabol sa mga manliligaw mo na may dalang itak,” singit naman ng itay ni Aileen na nasa likod pala namin. Napakamot din ito sa ulo.

Opo 'taytanging sagot ni Aileen saka napa nguso ng wala sa oras.

Na miss ko tuloy si papa, ganiyang ganiyan siya eh no'ng nasa highschool ako, kesyo bawal ang manliligaw bawal ang boyprend. Pero alam ko naman na gusto niya lang akong mapa buti, at 'yon din naman ang pinag papasalamat ko kay Papa. Ang pagiging mahigpit niya sa'kin, dahil kung hindi dahil don ay baka napariwara na'ko sa buhay ko. Hindi ko mararating ang narating ko ngayon kung hindi ako nakinig sa mga payo nina mama at papa.

Yeah I know the feeling of having a strict parents, it's not easy to follow them. I've been there, but nothing's wrong with it, nothing's wrong by following your parents 'cause they only wants what's the best for their child.

Aishhhh pasensya na po kayo ma'am officer hehehe, kain na po tayo” tumango na lamang ako at ngumiti kay Aileen. Hello?! Ngugutom na kaya ako!

Ang dami nilang pa blow-out mayroon sila ditong, Lumpiang Shanghai, Spaghetti, Pancit Bihon, fried chicken, chicken adobo, pork chops, beefsteaks, at marami pang iba at ayoko nang isa isahin pa dahil gusto ko nang kumain at nagugutom na ang mga alaga ko.

Kumuha lang ako ng Shanghai at Fried chicken at saka beefsteak at saka kanin, kumuha na din ako ng juice saka umupo na sa upuana.

Masarap kumain pag libre. Masarap makikain sa kapit bahay, tipong naka tipid kana. Hindi kapa maghuhugas ng pinggan. Pagka uwi mo sa inyo pwedi kanang matulog at wag nang magising.

Marami din ang bumati sa'kin kala mo naman ako 'yong nag graduate. Panay sila “Good Evening Ma'am officer” paulit ulit lang kaya tinanguan ko nalang sila saka pinag patuloy na ang pag kain.

Ma'am officer!!!!! Tulong!!!!!” Putangina naman oh, kitang kumakain ako. Walang patawad talaga oh, agad naman akong tumayo saka pumunta sa lalaking sumigaw at humihingi ng tulong. Iniwan ko rin ang pagkain ko saka uminom lang din ako ng Juice.

Anong nangyari?!” Kunot noo kong tanong,

Maam officer may mga nag ra-riot ho doon sa kanto at sakto naman hong may dumaan na Isang lalaki at baka nadamay po—” Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba dahil sa narinig ko.

Pero agad din akong tumakbo papauwi sa bahay ko saka kinuha ang baril at  chapa ko nilagay ko iyon sa bulsa ko saka kumaripas ng takbo patungo sa pinangyayarihan ng gulo.

Tigil!!!!!” malakas na sigaw ko saka nilabas ang Chapa ko. Dahilan upang magsitakbuhan ang mga nagkakagulo doon. Agad namang hinanap ng mata ko ang lalaking nagsabing may nadamay daw, “Nasaan ang taong binabanggit mo?” tanong ko.

Are you worried about me ma'am officer huh?”

To be continued. . . . . . .

Arresting the Police Officer's HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon