2

2K 38 1
                                    

Althea's Pov

Naka ready na ang isang bag na gamit ko. Akala nyo siguro maleta Ang dala ko nuh? Bilang lang kasi ang maayos kong damit. Siguro kung sa mayayaman, yung damit kong pang alis ay pang bahay lang para sa kanila.

Excited na ko na makilala si baby Jasmin. Ano kaya ang itsura ng batang yun? Kamuka din kaya sya ng daddy nya? At sana mabait yung mommy nya para hindi ako mahirapan sa bahay nila pag dun na ko nag stay.

Hinihintay ko nalang yung tawag ni Mr. Lopez baka kasi nandyan na sya sa labas ng apartment at nag hihintay. Siguro ay na traffic lang ito kaya natagalan.

*tok*tok*

Agad akong tumayo para pag buksan ng pinto si ate Helga, kanina kasi ay nandito sila ni baby Shabee, dumating lang ang husband nito kaya inasikaso nya muna. Ang sabi nya babalik sya agad, excited din kasi ito at gusto nya din makilala ang magiging boss ko.

Pag open ko ng pinto-

"S-sir!" Gulat na tawag ko dito, hindi ko kasi ini-expect na sya ang Makikita ko sa pinto. Diba ang sabi nya tatawag sya?

" So ito pala yung inuupahan mo." Wika nito at pumasok ito sa loob ng walang pasabi. Wala naman akong magawa kundi hayaan lang sya.
Alam kong maliit lang ito para sa kanya. Mas malaki pa nga yung sala nya dun sa hotel kesa dito sa apartment ko.

After nitong tingnan ang bawat sulok ng apartment ko tumingin nA ito sakin.

"Mukang maalagaan mo ng maayos si baby Jasmine, kitang kita naman sa pag aalaga mo sa apartment mo." Nakangiting wika nito habang nakatingin sakin.

Nakahinga ako ng maluwag. Para syang supervisor kung mangilatis sa apartment ko.

"Nakapag paalam kana ba sa mga taong malapit sayo dito?" Tanong nito at naupo sya sa nag iisang silya ko.

Tumango ako bilang sagot.

"So ano pang hinihintay natin? Tara na at kanina ka pang hinihintay ni baby Jasmine"  Tumayo na ito at napatingin sa back pack ko na nakapatong sa mini table.

"Yan lang ba ang gamit na dadalhin mo?" Naka kunit noo na tanong nito.

" Yes po, yan lang naman ang maayos kong gamit. Bibili nalang po siguro ako kapag nakasahod na ko" Nakangiting sagot ko dito.

Pag nakasahod na talaga ako, ititreat ko ng bongga ang sarili ko. Sa tingin siguro ni mr. Lopez sakin, parang ako yung kauna unahang taong nakilala nya na pinakang mahirap.

  Well, congrats sa kanya dahil natagpuan nya ako, wait ako ata yung swerte sa kanya.

Pag labas namin ng apartment ko, ni lock ko na ito ng maayos. Nakapag paalam na din ako sa land Lord namin, nalungkot pa nga ito dahil sa pag alis ko.

Nauna ng maglakad si Mr. Lopez, dumaan muna ako kay ate Helga para mag paalam. Bibisita naman ako sa kanya pag may free time ako, dahil mamimiss ko sila ni baby Shabee.

Pag dating ko sa labas ng apartment, kumalat sa paligid ang mga kapit bahay naming chismosa. Nakita ko naman si Mr. Lopez na nakasandal sa itim nyang kotse. Para syang model sa tindig nya.

Nag bulungan naman ang mga chismosa naming kapit bahay. Parang ngayon lang sila nakakita ng katulad ni Mr. Lopez.

"Boyfriend mo Thea?" Tanong ng isang prostitute  na kapit bahay namin. Sa sobrang ikli ng short nito eh lumalabas na ang kaitiman ng singit nya. Hindi ko nalang sinagot ang tanong nito.

Lumapit na ako kay Sir at pinag buksan pa ako nito ng pinto. Sa unahan ako pinaupo nito, katabi ng driver'seat.

Nag seatbelt na ko at ilang sandali pa ay pumasok na din sya sa loob. Hanggang sa pag alis namin ay pinagfifiestahan pa din kami ng tinginan at bulungan ng mga taong nakapalid samin. Nakahinga ako ng maluwag ng makalayo na kami.

His Baby Sitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon