6

1.6K 35 0
                                    

**Xerxes pov**

Binigay ko na kay Althea yung sahod nya, sinabi ko sa kanya na 30k lang sahod nya sa unang buwan pero ginawa ko ng 50k ayaw nya naman kasi mag Day off. Narinig ko din kasi na kinakausap nya palagi si Jasmine na ipag sho-shopping nya ito once na makapag sahod nya. May pagkabaliw din talaga tong si Althea, hindi nya naisip na mapupunta lang sa anak ko yung sahod nya.

Mula kahapon ay naging tahimik si Althea, siguro ay dahil sa tanong ko sa kanya?

Minsan kasi pabigla bigla lang ako ng disisyon. Simula ng dumating si Althea sa bahay, naging padalos dalos na ang mga disisyon ko pag dating sa kanya. Kung ano yung pumasok sa isip ko, sinasabi ko kagad sa kanya. Thats wierd, hindi naman ako ganito dati. Maingat ako sa bawat disisyon or sinasabi ko noon.

-
Nasa kalagitnaan ako ng meeting ng lapitan ako ng secretary ko.

"Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas" Wika nito.

"sino?" Agad na tanong ko.

"Si Althea po" wika nito.

Agad ay pinatigil ko ang meeting. Anong meron at susugod si Althea dito? Bigla tuloy akong kinabahan.

Pag dating ko sa lobby ng hotel nakita ko tong balisa.

"S-sir!" Nauutal na tawag nito sakin at tila galing sa pag iyak.

"What happen? Nasan si Jasmine?" agad na tanong ko.

"Y-yun nga po ang pinunta ko Dito, ilang beses na kitang tinatawagan pero di kita ma contact. Si Jasmine nasa hospital, hindi ko na alam ang gagawin ko, ang taas ng lagnat nya at may mga maliliit na parang tigyawat na sumisibol sa balat nya, hindi ko na alam gagawin ko kaya pinuntahan na kita" Wika nito at napatabon nalang ng muka. She's started to cry again.

Pinag titinginan na kami ng ilang mga employee ng hotel. Niyakap ko si Thea para pakalmahin to. Ramdam ko yung takot at pag aalala nya kay Jasmine.

"Calm down Thea, magiging ok din si Jasmine. Wag ka nang umiyak, pupuntahan na natin sya." Wika ko dito at tinapik tapik ang likod nya.

Kinausap ko yung Secretary ko na hindi na muna namin itutuloy ang meeting at ipapa reschedule ko nalang dahil may emergency ako.

Umalis na kami ng hotel at dumiretso na kami ng hospital. Naabutan namin si yaya Mina na kausap yung doctor.

"Sila po yung parents nung bata." Wika ni yaya Mina.

"Doc, how's my daughter?" agad na tanong ko.

"She's fine, mabuti at dinala nyo agad sya dito. Nagkaroon sya ng chickenpox."  Sagot nung doctor kaya nakahinga ako ng maluwag.

"As in bulutong po?" tanong ni Althea at tumango yung doctor sa kanya.

Pag kakaalala ko nag kabulutong na ko nung bata ako.

"Kawawa naman ang baby Jasmine natin" wika ni Althea.

"Don't worry mrs, mabilis na gagaling ang anak nyo dahil naagapan naman agad ito." Wika ni Doc, hindi naman kinorek ni Althea yung doctor nung tinawag syang MRS nito. Mukang nasanay na sya na lagi kaming pinag kakamalang mag asawa.

"Eh di magkakaroon ng peklat ang balat ni baby?" Tanong ni yaya Mina

"Yes po, pero may gamot po akong ibibigay para mawala ang maiiwan na peklat sa balat ni baby." Sagot ni Doc.

"Salamat po doc" wika ko at pinuntahan na namin si Baby Jasmine sa private room nya.

Mahimbing itong natutulog, gaya nga ng sinabi ni Althea may mga maliit na tila tagyawat na malalaki ang sumibol sa balat ni Jasmine.

His Baby Sitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon