12

1.2K 23 0
                                    

After 2 Days

**Xerxes's Pov***

Tumawag si Althea sakin para mag paalam dahil pupunta daw sya ng simenteryo. Birthday daw kasi ng mama nya. Susunduin ko nalang sya after ng meeting ko. Pag pasok ko sa office napakunot ang noo ko ng makita si Ynna.

"Anong ginagawa mo dito Ynna?" Kalmadong tanong ko dito.

"Alam ko na ang lahat Xerxes, yung tungkol kay Athea. Hindi sya ang tunay na mommy ni Jasmine." Nakangising wika nito. Nilapag ko sa table yung mga papers na dala ko.

" Ano naman kung hindi si Althea ang ina ng anak ko? Don't worry Ynna invited ka sa kasal namin soon." Nakangiting sagot ko dito.

"No, hindi ako papayag. Ako nalang ulit ang yayain mong mag pakasal Xerxes." Lumapit ito sakin at niyakap ako.

"Ynna ano bang ginagawa mo? Nahihibang kana ba? Kami na ni Althea." Wika ko dito kaya kumalas na ito sa pag kakayakap sakin. Mukang nagulat sya sa sinabi ko kaya napakunot din ang noo nito.

"Wala akong paki alam kung kayo na, mag asawa nga nag hihiwalay pa kayo pa kaya na bago palang! Pls Xerxes ako nalang ulit ang piliin mo" at muling yumakap ito sa braso ko.

Hindi ko nagustuhan ang sinabi nya.

"Umalis kana Ynna." wika ko at pwersahang inalis ang kamay nya sa braso ko.

"Pag sisihan mong ni reject mo ko!" sigaw nito sakin. Napailing nalang ako sa sinabi ni Ynna at
lumabas na ito ng office ko.

**Ynna's Pov**

Hindi ako titigil hanggat hindi ko napag hihiwalay si Althea at Xerxes, ako ang dapat pakasalan ni Xerxes at hindi yung babaeng yun.

Isa lang ang kilala kung makakatulong sakin para malaman ang totoo kung sino talaga ang mommy ni Jasmin. Kung hindi kita makukuha Xerxes, ibang tao ang gagawin kung daan para mapag hiwalay kayo ni Althea.

**Atlhea's Pov**

Naglalakad na ko papunta sa puntod ni mama ng may makasalubong akong lalaki. Parang nakita ko na sya before di ko lang matandaan kung saan. Nag patuloy ako sa pag lalakad.

Pag dating ko sa puntod ni mama may nakatirik ditong candle at may fresh flower pa. Mukang kaalis lang ng bumisita dito.

This is the 1st time na may bumisita kay mama sa kaarawan nya. Sino kaya yun? Wala akong natandaan na malapit sa kanya. Sayang at hindi kami ng pangabot.

Nag sindi na ko ng kandila at nag dasal. After kong mag pray nag ring ang phone ko.

"Hello dhie" nakangiting wika ko.

"Nandito na ko san kana?" Tanong nito.

"Nandito pa sa puntod ni mama. Hintayin mo nalang ako dyan sa labas. " Nakangiting wika ko dito kahit hindi ko sya kaharap.

"Sige,I love you "

" i love you too" kinikilig na sagot ko dito.

Simula nung gabing isuko ko ang lahat kay Xerxes, tila nag bago ang lahat. Mas naging at touch kami sa isat-isa. Mas lalong lumalim yung nararamdaman namin, mas lalo ko syang minahal at ganun din naman yung pinaparamdam nya sakin.

"Ma, sa sunod na bisita ko kasama ko na si Xerxes at Jasmine. Silang dalawa po yung nag papasaya sakin. Kung nasan ka man ngayon ma, sana palagi mo kong gabayan.  love you mama" Wika ko at hinawakan ang puntod nito bago umalis.

Umalis na ako ng puntod para puntahan si Xerxes, natanaw ko naman agad to. Napakunot ang noo ko ng mapansing may kausap sya.

Kumaway si Xerxes ng makita ako, humarap naman yung lalaking kausap nya. Napakunot yung noo ko ng makilala ito. Sya yung lalaking nakasalubong ko kanina.

Pag kalapit ko sa kanila ay agad na hinawakan ni Xerxes yung kamay ko.

" By the way Tito Ronald sya po si Althea, my Future wife." Pag papakilala sakin ni Xerxes sa lalaking kausap nya. Medyo nagulat ako dahil ito pala ang Tito nya.

"Tama nga ang sinabi ni Xerxes, you are beautiful iha" nakangiting wika nito. Mukang napag kwentohan agad nila ako.

"Salamat po" nakangiting sagot ko.

"Alam mo iha you look familiar, para kang may kamukang Artista" Nakakunot na wika nito.

"Naku Tito, wag po kayong mag sasabi ng ganyan at baka maniwala ako. By the way po, sino pong binisita nyo dito?"

"My old friend, nag kasalubong nga tayo kanina. Hindi naman kita nakilala Iha dahil wala kayo sa party nung isang araw. Nasabi naman samin ni Seles na may emergency daw kayo." Sagot nito.

"Opo, pasensya na po Tito, nasunugan kasi yung kaibigan ko. Hayaan nyo po at babawi kami ni Xerxes sa inyo." Nakangiting wika ko dito.

"Kamusta na po pala tang pag hahanap sa anak mo? May information na po ba kayo about Dito?" tanong naman ni Xerxes .

"Wala pa din, pero alam kong makikita ko din sya. Makabawi manlang sa mga pag kukulang ko." Malungkot na sagot nito.

Naalala ko ang papa ko. Sana tulad din sya ni Tito Ronald na hinahanap ako. Kaso mukang malabo na mangyare yun, dahil kung kinikilala nya akong anak matagal nya na sana akong hinanap.

"Paano ba yan mauna na ko sa inyo, may dadaanan pa kasi ako" paalam nito samin.

"Sige po, mag iingat ka po, at sana mahanap nyo na ang nawawala nyong anak" wika ko dito.

"salamat iha".

---

Pag dating namin sa bahay sinamahan ko si Xerxes mag palit ng damit. Tuwing galing ito sa work ako na ang nag aasikaso sa kanya.

"This week mag papa set ako ng party sa hotel, gusto ko ng i announce ang tungkol sa relasyon natin para mapag usapan na din ang engagement party natin". Wika nito habang hinuhubad ang pants nya.

"Parang ang bilis naman nun mahal" wika ko dito.

"Dun din naman ang punta natin diba? Ang importante malaman na nila ang relasyon natin para mawala na rin ang usap usapan tungkol satin." Nakangiting sagot nito.

Napaisip ako sa sinabi nya, alam kong mahirap para kay Xerxes ang sitwasyon namin dahil maraming tutol sakin na mapangasawa nya. Im just a nobody girl, iisipin lang nila na pera lang ni Xerxes ang habol ko dito.

Kaya kailangan kong patunayan sa kanina na hindi yun ang habol ko kay Xerxes. Mahal ko lang talaga sila ni Jasmine at hindi ko kaya na mawala sila sakin.

"Mag ha-hire din ako ng driver para sa inyo ni Jasmine. Para kahit nasa work ako may mag hahatid sundo sa inyong dalawa para hindi kayo ma hassle" Wika nito after mag bihis. Lumapit ito sakin at niyakap ako.

"Pumunta si Ynna sa Office ko kanina, pinipilit nyang makipag hiwalay ako sayo." Wika nito na ikinagulat ko.

"Hindi talaga titigil ang Ynna na yan. Pumunta din sya dati sa office mo, yung araw na bumisita kami ni Jasmine. Pinag bantaan nya din ako na babawiin ka nya sakin" Inis na sabi ko dito.

Hinawakan ni Xerxes yung muka ko at hinarap ito sa kanya. Hinalikan ako nito sa labi pero smack lang. Ngumiti ito ng malapad sakin.

"Hining hindi mangyayare yun, hindi ako papayag na mangyare yun satin. Dahil kahit anong gawin nya,sayo lang ako." Wika nito sabay halik sa noo ko.

Napangiti ako sa sinabi nya. Alam ko naman na ipag-lalaban ni Xerxes ang lag mamahalan naming dalawa, at sa kanya na mismo nang-galing na hindi sya papayag sa gustong mangyare ni Ynna. Kaya dapat hindi ako matakot. Hindi nga ito nag dadalawang isip na ipaalam sa publiko ang relasyon namin. Kaya dapat samahan ko sya sa laban namin dahil ito palang ang simula ng lahat.

His Baby Sitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon