16

1.1K 26 0
                                    

**After 2 Days**

"Thea, kahapon ka pang di kumakain. Nag aalala na ko sayo." wika ni ate Helga ng pumasok ito ng kwarto ko. Dalawang araw na simula ng lumipat ako apartment na inuupahan nya. Mabuti nalang at dalawa ang kwarto nila.

"Wala akong gana kumain ate." Matamlay na sagot ko dito.

"Alam kong masakit ang pinag dadaanan mo ngayon, pero kailangan mong lumaban. Kahit sa simpling pag kain lang Althea." Wika nito. Napabuntong hininga ako, parang wala na akong ganang mabuhay pa dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Tiningnan ko si baby Shabee na buhat-buhat ngayon ni Ate Helga. Naiiyak nanaman ako dahil naaalala ko dito si Baby Jasmine.

Kamusta na kaya sya ngayon? Kumain na kaya sya? Naliguan na ba, hinahanap nya kaya ako?

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisnge ko. Ayuko na ng ganitong pakiramdam, parang unti-unti akong pinapatay nito.

"May lalaki nga palang pumunta dito kahapon hinahanap ka. Sinabi kong wala ka dito dahil baka isa yun sa taohan ni Xerxes " Wika ni ate na ikinagulat ko.

Ano pa bang kailangan nya sakin? Hindi pa ba sya kontento na saktan ako ng ganito? Ano pa bang gusto nyang mangyare?

"Salamat ate, ayuko na talagang makita ang  lalaking yun. Ayuko ng marinig ang kahit anong paliwanag nya dahil puro kasinungalingan lang yun." Inis na wika ko at umayos na ako ng upo sa kama.

Naalala ko yung sinabi nya sakin. Sabi nya huwag ko silang iwan ni Jasmine kahit anong mangyare. Pero paano ko silang hindi iiwan, harap-harapan nya na akong niloko at saksi pa ang pamilya nya dito. Hindi nya ba alam kung gaano yun kasakit? Napahiya ako sa ginawa nya, sa harap pa ng maraming tao, para akong na colombia.

Kahit na sobrang strong ko, may kahinaan pa Rin ako.

"So ano ng plano mo ngayon?" tanong ni ate Helga. Nasa kusina kami at nag handa ako ng makakain.

May 100k cash akong naitabi galing sa sweldo ko. Yung atm na binigay sakin ni Xerxes hindi ko yun babawasan. Ibabalik ko yun pero hindi ko alam kung paano at kailan.

"Siguro ate mag papakalayo layo na muna ako para na din makalimot. May lupa naman na naiwan si mama sa mindoro, siguro dun na muna ako mag sisimula" Paliwanag ko dito.

"Ang layo nun Althea, sigurado ka ba dyan sa disisyon mo? Baka nabibigla ka lang"
Wika ni ate Helga at naupo sa tabi ko.

"Yun lang ang alam ko ate to scape this situation. Dun malilibang ko ang sarili ko, unti unti akong makakalimot". Paliwanag ko dito at  nag simula na kong kumain.

"Kung yan ang gusto mo hindi kita pipigilan. Basta kung may problema ka, tawagan mo lang ako" wika nito.

After kong kumain ay nag asikaso na ko ng mga gamit ko. Bumisita na din muna ako sa puntod ni mama bago umalis.

"Ma, i failed." wika ko sa harapan nito.

"Sobrang sakit ma" pag susumbong ko dito na parang bata.

"Ma, matatagalan ang pag balik ko Dito, hindi ko alam kung kelan. Pero sa pag babalik ko, sisiguraduhin ko po na ok na ako."  Wika ko dito at naupo sa damuhan. Sumandal ako sa puntod nito at muling umiyak.

--- Ronald's Pov ---

After ng nangyare sa pagitan ni Xerxes at Althea wala na kaming naging balita sa mga ito. Si Xerxes hindi makausap ng maayos, galit sa kanya ang pamilya nya dahil sa ginawa nito.

I tried to fine Althea pero mailap ito. Awang-awa ako sa batang yun. Alam ko kung gaano nya kamahal si Xerxes and Jasmine, pero nauwi lang ang lahat sa wala. Sana ay may magandang dahilan si Xerxes kung bakit nya ito nagawa. Kilala ko si Xerxes, hindi nya magagawa yun kay Althea ng walang mabigat na dahilan. Sana lang talaga ay makausap na namin ito ng maayos.

His Baby Sitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon