24

1.3K 20 0
                                    

"Dito ka nalang mahal, kami na ang bahala sa pag hahanap kay Ynna" wika ni Xerxes..

Mula kagabe ay wala pa kaming tulog dahil sa pag hahanap kay Ynna.

"Hindi sasama ako, gusto kong makasigurado na makukulong ang babaeng yun!" Pag mamatigas ko.

"Baka mapahamak ka lang Mahal".

"Wala akong paki alam! Mas importante ang buhay ni Jasmine." wika ko dito.

Bumuntong hininga si Xerxes. Hindi ako papayag na maiwan dito sa mansion at walang ginawa kundi ang mag hintay lang.

"Sige, isasama ka namin, and make sure na nasa tabi lang kita, wag kang aalis" wika nito.

"Salamat mahal" Sagot ko dito.

Umalis na kami ng bahay, may nakapag report samin na nasa isang resort sa Laguna si Ynna.
Wala ka ng kawala samin ngayon.

May mga pulis na naka istambay sa lugar. Hindi pwedeng makatakas si Ynna.  Ilang oras din ang naging byahe namin.

"Sir positive po, nasa loob ang suspect, may mga tao na kami sa loob at minamatyagan na si Ynna" wika ng pulis.

"Mabuti kung ganun. Siguraduhin nyo po na di masasaktan ang anak ko" wika ni Xerxes.
Mag kahawak kamay kami ngayon.

"Sumunod nalang po kayo samin"wika nito.

**Ynna's Pov**

Ewan ko lang kung maging masaya pa sila kapag nawala na sa kanila ang pinakamamahal nilang si Jasmine.

"Ano ba talagang balak mo sa bata Ynna? "tanong ni Lucas.

"Gusto ko lang na mawala ang bata sa landas nila"

"Wag mong sabihin na papatayin mo ang anak ko!" Inis na tanong ni Lucas sakin.

"Off course not! Hindi ako mamamatay tao! Buti kung si Althea yan baka pwede pa" nakangising sagot ko dito.

"Mabuti kung ganun, anak ko pa din si Jasmine kaya huwag na huwag mo syang sasaktan dahil baka magbago ang ikot ng mundo mo." wika ni Lucas na may pananakot.

"Wow naman, at nagpapaka ama kana ngayon? Huli kana Lucas, marami ka ng ginawang kasalanan sa anak mo." wika ko dito.

"Ano ba kasi talaga ang balak mo kay Jasmine?" muling tanong nito.

"Makikipag kita tayo ngayon sa isa sa mga kaibigan ko. Wala silang anak dahil baog ang asawa nito. Sa kanila ko ipapaampon si Jasmine"
Sagot ko dito. Hindi na umimik si Lucas.

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto. Binuksan ito ni Lucas at napangiti ako ng makita si Andrea.

"Ito na ba si Jasmine?" nakangiting tanong nito ng makita si Jasmine. Agad nyang binuhat ang bata.

"Yup, sayong sayo na sya. Make sure na hinding hindi na kayo babalik ni Martin dito sa manila. Mag pakalayo layo na kayo" Paalala ko dito.

"Oo naman, ituturing namin na tunay na anak si Jasmine. Salamat Ynna" wika nito at niyakap ako.

"No more drama na, kunin mo na si Jasmine at umalis na kayo". Wika ko dito.

Pag kakuha nito kay Jasmine ay agad na din syang umalis.

"Ano pang hinihintay mo Lucas? Tara na!" inis na sabi ko dito.

Lumabas na kami ng room. Mabuti nalang at wala mashadong tao dito sa resort. Palabas na kami ng lobby ng hotel ng biglang may humarang samin.

"Wala na kayong kawala, mga pulis kami" wika nito.

"Lucas! Takbo!!" sigaw ko. Agad kaming nakatakbo ni Lucas. Nilabas ko ang baril sa bag ko at pinaputukan yung mga pulis. Ganun din ang ginawa ni Lucas. Hinding hindi nyo kami mahuhuli.

His Baby Sitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon