* Kinabukasan *
Pag dating namin sa bahay ng parents ni Xerxes, hindi ko inaasahang maraming sasalubong sakin. Nandito din si ate Helga at ang mag ama nya.
Hindi ko akalain na ganito nila ako i-welcome sa family nila kahit baby sitter lang ako ni Jasmine nung una. Hindi sila tumitingin sa istado ng Buhay ng isang tao, kundi sa mga pinapakita nito.
May sinabi sakin si Xerxes nung nasa byahe kami. Malalaman ko na daw kung sino ang tunay kong ama. Sobrang thankful ako kay tito Ronald dahil tinupad nya ang pangako nya sakin. Sobrang bless ko talaga dahil nakilala ko silang lahat.
"Mommy!!" sigaw ni Jasmine ng makita ako.
Nag lakad ito papalapit sakin kaya agad ko itong niyakap at binuhat. Sobrang miss na miss ko talaga si Jasmine."Baby sorry kung umalis si mommy huh. Hindi na to mauulit." wika ko dito at hinalikan si Jasmine sa noo.
"Welcome back iha." Wika ng dad and mom ni Xerxes. Niyakap nila ako ng mahigpit, ramdam na ramdam ko yung mainit na pag tangap nila sakin.
"Welcome ate, and congrats kuya." Bati naman ni Shaine samin. Ngumiti naman ang binatang kasama nito sakin.
Pumasok na kami sa loob at naupo kaming lahat sa sofa.
"Before we start, gusto ko muna kayong lahat pasalamatan. Kung hindi dahil sa tulong nyo, sa mga payo nya sakin, hinding hindi ako makakabangon sa pag kakamali ko. Ngayong maayos na kami ni Althea, ang laban naman ni Jasmine ang haharapin natin. Sana ay suportahan nyo ko hangang sa huli." Wika ni Xerxes habang lahat ay nakapaligid samin.
This is it, dito palang nag uumpisa ang lahat. Ito na siguro ang unang bagyong dadaanan naming lahat. Mabuti nalang at nagkaroon na ng lakas ng loob si Xerxes na aminin sa parents nya ang tungkol kay Jasmine.
"At sa pangalawang announcement ay mag mumula kay Tito Ronald." Wika ni Xerxes.
Kanina pang tahimik si tito Ronald, kinakabahan tuloy ako sa sasabihin nito.
Tumayo ito habang nakaupo lang si tita Selena sa tabi nya. May hawak ding envelope si tito Ronald. Ito na yun, makikilala ko na ang tunay kong ama.
"A-Althea, gusto ko lang sabihin sayo na sorry. Sana ay matangap mo ang katotohanan tungkol sa ama mo." Wika nito na tila naiiyak, inabot nito sakin ang Envelope na hawak nya.
Kinuha ni Xerxes si Jasmine sakin at kinuha na ang laman ng Envelope.
Napakunot ang noo ko ng makita ang laman nito. Isang DNA test result. Mas kumunot pa ang noo ko ng mabasa ang pangalan ko at ni tito Ronald.
"T-teka lang po Tito, bakit may DNA test tayo?" Pag tatakang tanong ko dito at nilingon sya.
Hindi nakaimik si tito Ronald at humagolhol na ito ng pag iyak. Agad naman syang kinomport ng Asawa nya.
Muling tiningnan ki yung DNA test at sa mismong result na ang tiningnan ko.
"99.9%? P-paanong- " Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko at napailing nalang ako.
"I'm your dad A-Althea, hindi ko alam na nabuo ka sa pagtatalik namin ng mama mo. We both drunk that time at parehas na kaming may karelasyon nun. Ikakasal na ang mama mo kay Benjo at kasal na din ako nun kaya pinag walang bahala nalang namin ang nangyare between us." Paliwanag nito habang pinipigilan ang pag iyak.
Hindi ko alam ang sasabihin dahil shock pa din ako sa mga sinasabi nito.
"Pinuntahan ko si Benjo, Ang dating kasintahan ng mama mo. Sinabi ko ang tungkol sayo dahil Akala ko sya ang ama mo. Pero sinabi nya sakin na hindi natuloy ang kasal nila dahil buntis nga daw ang mom mo. Dun lumakas yung kutob ko na maaring ako nga ang ama mo." Muling paliwanag nito, hinawakan ni Xerxes yung kanang kamay ko.
"S-Sorry anak kung hindi kita napanindigan, sorry kung ngayon lang ako. Alam kong marami akong pag kukulang sayo. Kung sinabi lang sana ito ng mama mo sakin noon, sana nalaman ko ang katotohanan na may isang anak pa pala ako." Umiiyak na wika nito.
Alam ko naman na walang kasalanan si tito Ronald tungkol dito. Nilihim ni mama ang lahat, at dinala nya ito hangang sa huling hininga nya. Ang mahalaga ay nalaman na namin ang totoo. Hindi na ako nag iisa ngayon, dahil may ama pa pala ako.
Nagkatinginan kami ni Xerxes, ngumiti ito sakin sabay tingin kay tito Ronald na ama ko. Pinapahiwatig ni Xerxes na lumapit ako dito. Noon pa man ay pinangarao ko ng makilala ang ama ko, pero hinanda ko na din ang sarili ko na hindi na talaga ito makikilala pa. Pero ngayon, heto sya sa harap ko na umiiyak.
Lumapit ako dito at agad syang niyakap. Niyakap din ako nito ng mahigpit. This time, I feel complete. Wala na ata akong hihilingin pa sa panginoon dahil lahat ay binigay nya na sakin.
"Thank you anak, thank you for giving me the opportunity, to accept me as your father." Wika nito habang tinatapik ang likod ko. Naramdaman ko din ang pagyakap sakin ni Tita Sarina na ngayon ay mama ko na.
The best talaga mag bigay si Lord, isang pamilya talaga ang binigay nya sakin. Walang labis at walang kulang. Iba talaga pag inaccept mo ang isang Baby, dahil malaking blessing ang matatangap mo.
Sa pag apply ko ng trabaho as a baby sitter, hindi naman sumanggi sa isip ko ang lahat ng ito. Ang importante lang sakin noon ay mag karoon ako ng work to provide my needs. Hanggang sa maging fake mom ako ni Jasmine na hindi nag tagal ay nagkaaminan kami ni Xerxes ng nararamdaman namin sa isat-isa.
Lahat ng pangyayare was to fast kaya ganun nalanh din kabilis nasira ni Ynna ang relasyon namin. Pero hindi dun nag wawakas ang lahat, sabi nga nila -there's rainbow after the rain. Mabuti nalang talaga at hindi inabot ng bahay yung nangyare samin ni Xerxes, dahil kung umabot yun ng matagal, for sure malaki ang magiging pinsala saming lahat.
"I think this is the new beginning for all of us." Wika ni Shaine na nag pupunas ng luha.
Napansin kong nag iiyakan na pala ang karamihan samin. Mashadong madrama ang mga pangyayare, mga luha ng kasiyahan.
"Althea, do you accept me as your mother?" Tanong ni tita Sarina sakin after ng pagyayakapan naming tatlo.
"Oo Naman po, Ma!" masiglang sagot ko dito at agad syang niyakap.
Wala na talagang pag lagyan yung sayang nararamdaman ko ngayon. Sana lang talaga ay wala na itong kakambal na lungkot. Ito na yun, may pamilya na talaga akong matatawag, may masasandalan na ako sa tuwing may problema ako.
"K-kumain na nga tayo, tama na yung iyakan." Wika ni Shaine at pinunasan nito ang luha nya.
"Mas mabuti pa nga, tara na at alam kong gutom itong si Xerxes at Althea dahil malayo pa ang byinahe nila." Wika naman ni Tita Seles.
Pumunta na sila sa hapag kainan at naiwan kaminh tatlo ni Xerxes at Jasmine. Niyakap ako ni Xerxes at hinalikan sa noo.
"Handa kana bang maging Mrs. Lopez?" tanong nito sakin kaya napangiti ako.
"Nag mamadali ka nanaman sir, kain na muna tayo." wika ko dito at inagaw sa kanya si Jasmine. Pumunta na kami sa hapag kainan at naiwan si Xerxes sa pwesto nya na nakangiti.
Sa ngayon, gusto ko muna enjoying ang moment na to. Dahil alam kong bukas ay mag sisimula na ang tunay na laban namin kay Ynna para kay baby Jasmine.
BINABASA MO ANG
His Baby Sitter
RomanceHindi ako pwedeng ma inlove sa boss ko, sa ama ng batang inaalagaan ko. Isa lang akong baby sitter, dapat alam ko ang kinatatayuan ko. Pero paano nalang kung sya na mismo ang mag alok sakin na maging ina ng anak nya? Magagawa ko pa bang tumangi k...