22

1.2K 19 0
                                    

---After 2 days--

Kahapon ay nakatangap kami ng sulat mula sa hearing court, at ngayong araw ang schedule nila para sa kaso ni baby Jasmine.

Lahat kami ay walang naayos na tulog, kinakabahan kami sa maaring mangyari. Kahapon ay pina DNA test na namin si dad and Jasmine. Walang dudang apo nya talaga ito.

"Kinakabahan ako mahal" wika ni Xerxes habang naka back hug sakin. Nandito kami ngayon sa kwarto ni Jasmine habang pinapanuod itong natutulog.

"Mananalo tayo sa laban na to, hindi mawawala satin si Jasmine." wika ko dito at hinawakan ang kamay nya.

Humarap ako sa kanya at inayos ang damit nya.
Maiiwan kaming mga babae dito sa mansion. Wala kaming balak na ilabas si Jasmine dahil baka itakbo to ni Lucas.

"Matatapos na din to mahal,tayo ang mananalo" wika nito at hinalikan ang noo ko.

Bago mag alas otso ay umalis na sila dad. Ilang oras din kaming mag hihintay para sa results ng kaso.

Ramdam ko na ang panalo namin kaya nag paalam ako kela mom para bumili ng cake. Dapat naka ready na ang cake para sa celebrate namin mamaya.

-

Nang makuha ko na ang cake na inorder ko, napakunot ang noo ko ng makasalubong ko si Ynna sa loob ng bake shop.

"Wow may pa cake, para san yan?" nakangiting tanong nito. Halata namang nang iinis lang ang babaeng to.

"Mag cecelebrate kami, gusto mong maki join?" Nakangising sagot ko dito. Gusto ko syang asarin at ipakita sa kanya na hindi ko sya ng uurungan.

"Naku Althea, hindi mo na kailangan bumili nyan kasi sigurado akong matatalo kayo ni Lucas".  Nakangising sagot nito.

Sabi na nga ba at may kinalaman ang babaeng ito sa pag balik ni Lucas. Hindi ko alam kung paano napapayag ni Ynna si Lucas na bawiin samin si Jasmine. Pero Isa lang ang masisigurado ko, hindi sila mag wawagi.

"Magkano ba ang binayad mo kay Lucas para mag abala pa syang bawiin ang anak nya? Isang million ba, or mismong katawan mo ang ibinayad mo dito?" Mapang asar na wika ko sa kanya. Naningkit ang mata nito at napakunot ang noo nya.

"Bakit parang nagagalit ka Ynna, tama ba yung hula ko? Kilala na kita Ynna at gagawin mo ang lahat para lang sirain kami ni Xerxes. Mashado kang dispirada kaya kahit sarili mo Inoffer mo sa isang tao makuha mo lang ang gusto mo!" Inis na wika ko dito.

Nakita kong nanggigil na ang kamay nito. Pinag titinginan na din kami ng ilang customer sa bake shop.

"Hintayin mo nalang ang report sayo ni Lucas, maya-maya ay tatawag na sya sayo para ibalita ang pagkatalo nyo."  Wika ni dito at tiningnan kung anong oras na sa relo ko.

"Bwesit ka talagang babae ka! Isa ka lang namang hamak na Baby Sitter na lumandi kay Xerxes para makaahon sa kahirapan!" Sigaw nito sakin kaya mas lalo akong napangiti sa sinabi nito.

"Mukang hindi ka updated sa balita Ynna, don't worry ako na mismo ang mag sasabi sayo ng magandang balita. Wag kang mabibigla huh." Nakangiting wika ko dito at lumapit sa kanya sabay bulong na.

"Anak lang naman ako ni Ronald Alcantara." 

Nanglaki ang mata ni Ynna na tila hindi makapaniwala sa narinig nya.

"A-ano? That's impossible. Napaka sinungaling mo talagang babae ka!" Inis na wika nito at napaatras sya sa kinatatayuan nya.

"Mukang gulat na gulat ka, there's more Ynna bago ko makalimutang sabihin sayo. Hindi na kasi ako makapag hintay pa, ako na ang mag babalita sayo dahil matatagalan pa ata si Lucas. Siguro naman kilala mo na si Maxine, ang mama ni Jasmine. Half sister ko nga pala sya kaya, alam na namin Ang lahat ng katotohanan Ynna kaya wala ka ng laban samin. Hindi nyo makukuha ni Lucas si baby Jasmine samin." Nakangising wika ko dito at tuluyan ng napabagsak si Ynna sa kinatatayuan nya.

His Baby Sitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon