14

1.1K 22 0
                                    


**Ynna's Pov**

Nasa bar ako ngayon, makikipag kita kay Cyruz na matalik na kaibigan ni Xerxes. Nabalitaan ko kasi na nakauwi na sya dito sa pilipinas at alam kong may nalalaman sya tungkol kay Xerxes at Jasmine.
I need to find out kung ano yun.

  "Hey, long time no see, kamusta na?" tanong ko dito.

"ok naman ako, ikaw ba? Lalo ka atang gumanda." wika nito.

Alam kong may gusto sakin si Cyruz, lumalayo lang ito sakin dahil alam nyang fiance ako ni Xerxes before. At this is the time magamit ko ito.

"Ikaw ang kamusta? Ang tagal mong nawala. Na miss tuloy kita" wika ko at tumabi sa kanya.

Alam ko kung paano mahuhulog sa trap ang isang lalaki, maganda ako at sexy kaya mabilis kong makukuha ang gusto ko.

"Ito single pa din, ikaw ba?"

"Tulad mo single din. Si Xerxes kasi may bago na, at mukang hindi talaga kami ang itinadhana para sa isat isa." Malungkot na sagot ko dito at pinatong yung right hand ko sa hita nya.

'G-ganun ba, sinabi nya nga sakin ang tungkol kay Althea." Nauutal na sagot nito.

Alam na din pala ni Cyruz ang tungkol sa malanding baby sitter na yun.

"Kaya nga nalulungkot ako, siguro may lalaki talaga na  para sakin at hindi si Xerxes yun". wika ko dito at nag acting na nasasaktan at nalulungkot sa nangyare.

Nagkatinginan kami ni Cyruz, sobrang lagkit ng tingin nya sakin kaya ako na ang nag 1st move.
Hinalikan ko to, at dahan dahan akong umupo sa lap nya. Humawak ito sa bewang ko at nag response sa halik ko.

Bullseye! Kumagat ka kagad sa pain ko. Niyaya ko sya na mag check in sa isang hotel. At sa madaling salita ay may nangyare samin.

Nakahiga kami ngayon habang nag papahinga.
Nilalaro ko yung dibdib nya gamit Yung daliri ko.

"So tell me Cyruz, anong pinag kaabalahan nyo ni Xerxes sa Italy dati?"  Panimula ko, akala nya free lang yung ginawa ko? No way, kinuha ko lang yung loob nya para sabihin ng walang pag aalinlangan yung tungkol kay Jasmine.

"Sabay kaming nag aral ni Xerxes dun. Alam mo naman yun diba" wika nito.

"Hindi yun, i mean si Jasmine. Sino ba ang tunay na mommy nya? Nasan sya?"

"About dyan hindi ko masasagot ang tanong mo. Si Xerxes nalang ang tanungin mo tungkol dyan." Wika nito.

Nagpapakipot pa ang isang to, mapapaamin din kita.

"Sabihin mo na sakin, wala namang problema dun diba? Tayo lang naman ang makakaalam eh." wika ko at hinipuan ito sa masilang bahagi ng katawan nya.

Hindi ako titigil Cyruz hanggat hindi kita napapakwento.

* Shaine's Pov *

Nasa bar kami ng mga barkada ko and i saw kuya Cyruz. He so gwapo talaga. Lalapitan ko na sana ito para kamustahin sya ng biglang dumating si Ynna.

Anong ginagawa ng babaeng yan dito? Ininom ko yung beer ko sa baso at muling tiningnan si Ynna at kuya Cyruz.

  "Hi" Bati ng isang lalaki sakin at naupo ito sa bakanteng upuan sa harap ko.

Wala akong time ngayon makipag usap sa kahit sino dahil kay Ynna at Cyruz ako naka tutok.

"Sorry, wala akong time makipag kilala sayo, dun ka nga! " pag susungit ko Dito, napakamot naman ito ng ulo.

Kinuha ko ang phone ko at kinuhaan ng video si Ynna at Cyruz. Malanding Ynna to bigla nalang hinalikan si Cyruz my Loves. Nakakapang gigil talaga ang babaeng yan.

Lalapitan ko na sana sila ng hilahin ako ni Dianne sa dance floor, muntik ko pang mabitawan yung cellphone ko.

Pinagitnaan na ko ng mga sumasayaw kaya hindi ko na makita si Ynna at Cyruz. After kong makaalis sa dance floor wala na sila Ynna.

Sharpness, nasan na sila?

"Mukang may hinahanap ka ba?" Wika ng lalaking kaharap ko. Hindi ko to pinansin dahil busy nga ako  sa pag hahanap kay Ynna at beb Cyruz.

  Nagulat nalang ako ng hilahin ako nito sa braso kaya napatingin ako dito.

"Ano bang problema mo!" Inis na sigaw ko dito.
Tila nagulat ito sa inasta ko.  Napabuntong hininga nalang ako. Sino ba tong gwapo na to?

"I'm sorry to bother you." Wika nito at tumalikod na sakin. Sharkness, mukang na disappoint ito sakin.

"Hey!" tawag ko dito. Mukang nasaktan ko pa ata yung feelings nya dahil sa pagiging suplada ko.
Eh kasi naman wrong timing sya.

"Sorry, i didn't mean na sigawan ka." Wika ko dito.

"No problem, by the way i'm Kleo." Pag papakilala nito at nakipag kamay sakin.

"Nice to meet you Kleo, ako naman si -"

"Shaine Lopez" Wika nito sabay ngiti.
He knows my name? But how?

"P-paano mo naman nalaman Ang pangalan ko? Stalker ba kita?" biro ko dito at tinaasan sya ng isang kilay.

"Nope, nakapartner mo na ko sa modelling before. Mukang hindi mo talaga ako naaalala". Wika nito na may pag tatampo.

Sa sobrang dami ko ng nakapartner sa modelling hindi ko na talaga matandaan ang iba sa kanila.

"Sorry Kleo" nahihiyang wika ko.

"Ok lang, atleast kilala mo na ko ngayon." Wika nito at napahawak pa sa batok nya. Mabuti nalang at naglakas loob sya na kausapin ako kahit mainit ang ulo ko.

"By the way, sino pala yung hinahanap mo. Baka sakaling makatulong ako" wika nito at muli nanamang ngumiti.

Sharkness talaga yung smile nya, makalaglag panty.

"Yung bestfriend ng kuya ko, at yung ex fiance nya." Sagot ko.

"ahh ganun ba. Baka nakaalis na sila" muli ay ngumiti ito. Pag ito ngumiti pa naku! May pag lalagyan ka.

**Althea's pov**

Nasa simenteryo ulit ako at papunta na si Xerxes.
Ipakikilala ko na sya kay mama dahil sa sabado na gaganapin yung big announcement ni Xerxes.

Natigilan ako ng may nakitang lalaki na nakatayo sa harap ng puntod ni mama. Siguro sya din yung bumisita kay mama dati.

Dali dali akong lumapit dito, at laking gulat ko ng makilalang si tito Ronald ito.

"t-tito? Ano pong ginagawa nyo dito?" Nauutal na tanong ko dito. Mukang nagulat din ito ng makita ako.

"Ikaw iha? Anong ginagawa mo dito?"
Balik tanong nito sakin.

"Binibisita po ang mama ko." Sagot ko at nilagay ko dito ang basket of flowers na binili ko.

"Mama mo si Aurora Sanchez?" Tanong nito na tila di makapaniwala.

"Yes po, mag kakilala po ba kayo ng mama ko?" Tanong ko dito.  Sana ay oo, wala kasi akong nakilala na ka close ng mama ko.

"O-oo, bestfriend ko ng college ang mama mo." Sagot nito na ikinatuwa ko.

"Talaga po! What a small world." Masayang sagot ko dito.

"oo nga iha, hindi ko akalain na may anak si Aurora, at ikaw pa pala yun. Hindi ko akalain na nag katuluyan pala sila ni Benjo." Nakangiting wika nito kaya napakunot ang noo ko.

"Sino po si Benjo?" Siguro alam ni tito Arnold kung sino ang ama ko. May pag asa na akong makilala kung sino talaga sya.

"Si Benjo ang boyfriend ng mama mo nung college kami, sya ba ang tatay mo?" Tanong nito kaya agad akong umiling.

"Wala pong sinabi si mama tungkol sa pag katao ng ama ko, hindi ko din po alam ang pangalan nito." Malungkot na sagot ko.

"G-ganun ba, dont worry iha. Hahanapin ko si Benjo at aalamin ang nangyare sa kanila ng mama mo."  Wika nito na ikinatuwa ko.

"Naku Tito maraming salamat po!" Wika ko, dahil sa sobrang tuwa ko ay napayakap ako dito.

Sana lang talaga ay makilala ko na ang ama ko. Ayos lang kung hindi nya ako tangapin bilang anak nya, atleast makilala ko sya. Yun lang ang mahalaga sakin, yung malaman ang pangalan at makahanap sya.

His Baby Sitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon