3

1.6K 37 3
                                    


Xerxes' Pov

Sobrang tuwa ko ng marinig ang unang salita ni baby Jasmine. Mukang pinag kamalan nya na si Althea Ang mommy nya. Sana pala ay dati pa ko nag hired ng baby sitter for my daughter, para hindi  na late ang pag sasalita nito.

Sa unang gabi ni Althea, alam kong maayos nyang inaalagaan ang anak ko. Madalas ko silang silipin ni Jasmine sa kwarto nito at palagi syang nandun.

Talagang sinisigurado nyang nasa mabuting kalagayan si Jasmine. Nag lagay ako ng sound device sa kwarto ni Jasmine noon, para marinig ko kung umiiyak ba to o hindi. Kaya nagigising ako sa tuwing umiiyak ito kahit nandun na si Althea sa kwarto nya. Naririnig  ko naman agad si Althea na pinapatahan nya ito.

Madalas nyang kinakantahan si Jasmine, siguro ito yung way nya to calm my daughter. Sana lang ay hindi sya mag sawa sa pag aalaga sa anak ko, ngayon ko lang ipinag katiwala si Jasmine sa iba,maliban kay Yaya Mina at sa parents ko.

*Althea's pov**

Isang linggo na ang lumipas simula ng mag work ako bilang baby sitter. Nakakapuyat pero masaya naman, malambing kasi itong si Jasmine. Mama na talaga ang tawag nya sakin, nagtatampo na nga si sir Xerxes dahil lagi nya pala itong tinuturuan na tawagin syang daddy pero hindi talaga mabangit ni Jasmine.

"Off ko today, aalis tayo ni Jasmine" wika ni Sir.

"Saan po tayo pupunta sir?" tanong ko dito.

"Mag m-mall, and by the way Althea, Xerxes nalang itawag mo sakin". Wika nito habang buhat si Jasmine na katatapos lang maligo.

"Sige po " nakangiting sagot ko, Hindi naman nagkakalayo yung edad namin. Siguro naiilang sya na tawagin ko syang Sir. After kong bihisan si Jasmine, naligo na din ako.

"Tara na" wika nito.

Sa likod kami naupo ni Jasmine dahil bawal ang baby sa unahan ng sasakyan. Pag dating namin sa mall si Sir Xerxes na ang nag tulak ng stroller ni Jasmine.

"Hindi ka ba nahirapan kay Jasmine?" tanong nito sakin.

"Hindi naman po, sa totoo nga Sir, ay mali Xerxes pala. Mabait naman si Jasmine, hindi sya maligalig kaya madali lang sya alagaan". Sagot ko dito, akala ko madali lang na tawagin sya sa pangalan nya pero nakakailang pala.

"Hindi ko kasi sya inispoiled sa buhat dahil lagi nga akong wala sa bahay." nakangiting sagot nito habang patuloy kami sa pag lalakad.

May nakita akong naka display na damit, bagay ito kay Jasmine kaya hinila ko si Xerxes papunta dito.

"Maganda diba ba? Bagay yan kay Baby Jasmine" wika ko at Tumango naman ito.

"Sir, mam, gusto nyo po i-try natin sa baby nyo?" tanong ng sales lady samin. Nag katinginan kami ni Xerxes sabay ngiti.

"Hindi ako ang mommy ni Baby," wika ko dun sa sales lady.,

"Ay sorry mam, akala ko po kasi mag asawa kayo" nahihiyang wika nito samin.

Ito na nga ba yung sinasabi ko eh, ok lang sana na pagkamalan akong mommy ni Jasmine. Pero yung pagkamalan kami ni Sir Xerxes na mag asawa? jusme parang di kaya ng powers ko.

"Ok lang, sige pa try naman kami kung bagay sa baby yung damit" nakangiting wika ko dito.

Nakatitig sakin si Xerxes kaya tinaasan ko to ng dalawang kilay.

"May problema po ba?" pagtatakang tanong ko dito.

"Wala, natatawa lang ako dun sa sales lady kanina. Pinagkamalan kasi tayong mag asawa"  wika nito habang nakangiti.

"HAHAHA, muka na ba talaga akong may anak para pag kamalan tayong mag asawa?" tanong ko dito.

"Hindi naman, pero we looks like family kasi" wika nito at napahawak pa sya sa batok nya na tila nahihiya.

His Baby Sitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon