Wedding

1.3K 25 0
                                    


Shaine's Pov

Isang buwan na ang lumipas mula ng makulong si Ynna at Lucas. Sa wakas ay wala na talagang mang gugulo sa pamilya namin.

"Mag jacket ka muna" wika ni Kleo sakin. Tiningnan ko sya ng masama.

"Ayukong pinag titinginan ka dahil dyan." Inis na wika nito at nginuso nito ang dibdib ko. Napa rolled eyes nalang ako.

"Ok na ba ang maid of honor?" tanong ng wedding organiser  

"I'm ready!" Nakangitinh sagot ko. Napabuntong hininga naman si Kleo.

"Isang araw lang naman to, pati mag bibihis agad ako after the ceremony." Nakangiting wika ko dito para hindi na sya nag aalala ng sobra. Mashadong Conservative si Kleo, ang cute nya tingnan.

"Nandito na ang mga bridesmaid" wika ng wedding coordinator.

Laking gulat ko ng makita sila ate Aviah . Isa pala sya sa mga Bridesmaids.

"Longtime no see Shaine" wika nito at nag beso sakin. Wala pa din pinag bago si ate Aviah, napakasosyal nya pa ding tingnan. Yung katawan nya napaka perfect. Pinakilala ko si Kleo dito.

Pinsan namin si ate Aviah, sya ang pumasok sakin sa model industry. I heard na nag propose na din sa kanya ang boyfriend nya. Sa dami din nilang pinag daanang dalawa, deserve talaga nila ang mauwi sa happy ending tulad ni ate Althea at kuya Xerxes

( Makikilala nyo si Aviah Schille sa story na Punishment to the CEO's Daughter )

--
Lumabas na kami dahil ilang minuto nalang ay mag sisimula na ang wedding.

"Talagang napag iiwanan na ko." Pabirong wika ni ate Aviah. Lahat kasi ng pinsan namin na kaedaran nya ay may sari sariling pamilya na.

"Malapit kana din namang ikasal ate." Nakangiting wika ko dito.

"Kaya nga eh, mabuti nalamg talaga at hindi ako sinukuan ni Zade. Sobrang hard headed ko kasi, kilala mo naman ako Shaine. Mashado akong palaban kahit alam kong wala na ako sa tama." Nakangiting wika nito.

"Kaya pati maling tao ay pinag lalaban nya."

Sabay kaming napalingon ni ate sa lalaking nag salita sa likuran namin.

"W-why are you here?" Gulat na tanong ni ate ng makita ang fiance nya. Bakit pag nagugulat si ate ang ganda nya pa din?

"Ikaw lang ba ang invited?" Wika nito at lumapit kay ate sabay kiss sa noo.

Nyemas, mapapa-sana all nanaman ako, kilig overload nanaman ako nito mag hapon.

"By the way babe, this is Shaine my cousin. Kapatid sya ni Xerxes." Nakangiting pag papakilala nito sakin.

"Nice to meet you Shaine, hindi maipag kakaila na mag pinsan kayo. Parehas kasi kayong maganda, at sana single ka pa para sa brother ko." Nakangiting wika nito. Agad naman syang siniko ni ate Aviah.

"Don't you ever na ipakilala sa pinsan ko ang babaerong kapatid mo. Isa pa, may boyfriend na si Shaine." inis na wika ni ate Aviah dito.

"Really? Sayang naman kung ganun. Pakiramdam ko kasi titino si Zenkie sa kanya. Pero anyway happy akong makilala ka." Nakangiting wika nito.

Hindi pa naman kami ni Kleo eh, pero soon magiging kami din.  Ahehehehe, landi ko.

**Third personal's Pov**

Habang nag lalakad si Althea sa red carpet, sobrang lapad ng ngiti nito habang pinipigilan ang pag luha nya. Halo-halo na kasi ang nararamdaman nito.

Hindi lubos maisip ni Althea na aabot sa ganito ang buhay nya. Kung dati ay namuhay sya nv mag isa simula ng mawala ang Ina nya, ay heto sya ngayon. She have a new family, a loving family na akala nya hanggang sa panaginip nalang sya mag kakaroon nun.

Naalala nya nanaman yung unang beses na pag tatagpo nila ni Xerxes. Siguro kaya hindi sya tinatangap sa mga trabahong inaplayan nya before ay dahil may ibang plano talaga ang panginoon sa kanya. Ang pinakang magandang binigay sa kanya, na sa loob ng ilang taon na pag hihirap at pag titiis ay nakamtam nya ang buhay na kasama ang magiging forever family nya.

Habang nag papalitan ng bows sila Xerxes at Althea, umiiyak ang mga magulang nila. Hindi dahil sa lungkot kundi sa labis na galak.

"Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hangang sa huling hininga ko." wika ni Xerxes kay Althea.

"I promise to you, na hinding hinding hindi kita iiwan lahit anong pagsubok man ang dumating satin. For better or for worst, sasamahan kita at mamahalin hangang dulo" wika naman ni Althea.

Sinuutan na nila ng sing sing ang isat isa..

"You may now Kiss the bride" wika ng priest. Sa pag halik ni Xerxes ay kasabay nito ang malakas na pag sabog ng ibat ibang kulay ng fireworks sa kalangitan.

Habang patuloy na nag papalitan ng halik ang dalawa, hindi maiwasan ng mga bisita na mapatingala sa kalangitan at panuorin ang fireworks. Sinadya ata ito ni Xerxes para hindi mapansin ang matagal na halikan nilang dalawa, para ang atensyon ay mawala sa kanila.

  Pero natigilan ang dalawa ng maramdaman nilang may yumakap sa binti nila.

"mimi, dada" tawag ni Jasmine sa dalawa.

Binuhat na ni Xerxes si Jasmine at magkabilaan nilang hinalikan sa pisnge ang bata. Nakuhaan naman sila ng picture ni Shaine.

"I love you both." Wika ni Xerxes kay Althea at Jasmine.

Ito na ang pinakang masayang momment ng buhay ni Althea. Ang magkaroon ng sariling pamilya at bubusugin nya ito ng pag mamahal.

-

After ng ceremony ay nag patuloy ang event. Lahat ng bridesmaids ay naka ready na para saluhin ang bouquet ng bride. Kung sino ang makakasalo nito ay sya ang susunod na ikakasal.

"Hindi na ko makikiagaw ate" bulong ni Shaine kay Aviah. 

"Talagang pinapaubaya mo na sakin to?" nakangiting tanong ni Aviah dito.

Nakahanda na si Althea para ihagis ang bouquet at si Aviah nga ang nakasalo nito. Pinag kaisahan ito ng mga kapwa bridesmaid nya dahil nag so alisan ang mga ito sa pwesto nila. Naiwan si Aviah sa gitna na mag Isa hawak ang bouquet.

"Congrats Aviah, sa wakas ay Ikaw na ang susunod." Wika ni Xerxes dito at niyakap ang pinsan nya.

"Salamat, mag papakabait na talaga ako." Nakangiting wika ni Aviah.

"Dapat lang, kukunin ka pa naming ninang ni Jasmine." Wika ni Xerxes dito.

"Walang problema, Basta sundan nyo na agad si Jasmine. Sayang ang lahi kung mag titipid kayo sa anak haha." Pang aasar na wika nito.

After the party, dumiretso na si Althea at Xerxes sa honeymoon nila.

"Mahal, ilan ba ang gusto mong maging baby natin?" tanong ni Xerxes kay Althea habang nakahiga ito sa dibdib nya.

"Mga tatlo lang siguro." nakangiting sagot ni Althea.

"Pwedeng anim? O kaya isang dosena" Pilyong tanong ni Xerxes.

"Hahaha, mashado namang madami yun." reklamo ni Althea.

"Baka hindi kasi ako makapag pigil sa tuwing uuwi ng bahay" wika ni Xerxes at hinalikan ito sa balikat.

Parehas silang walang saplot at tanging isang kumot lang ang pinag sasaluhan nila para matabunan ang katawan nila.

"Naalala ko yung unang beses na may nangyare satin. Alam mo bang sobrang swerte ko nun, kasi ako yung nakakuha ng virginity mo." Wika ni Xerxes at tila nahiya si Althea sa sinabi nito.

"Thanks for everything mahal. Ikaw ang pinakang mahalagang kayaman sa buhay ko".
At hinalikan ni Xerxes si Althea sa labi.

Sa ilang buwan na pag sasama nila, pakiramdam nila ay ilang taon na silang mag kakilala. Sobrang mahal nila ang isat-isa na para bang wala ng makakapigil pa sa kanilang dalawa.

Ang tragic ending nalang siguro ang mahihiya sa kasweetan ng dalawa.

His Baby Sitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon