(Kinabukasan)
Pag kagising ko, may nasipa akong paper bag sa kama ko. Tiningnan ko naman ito at may note na nakalagay kaya agad kong binasa.
"Wear this dress, susunduin ko kayo ni Jasmine before 7pm. Pupunta tayo sa bahay dahil anniversary ni mom and dad- *poging Xerxes*
Natawa naman ako sa huling nakasulat sa note, pogi naman talaga si Xerxes kaya hindi na ko kokontra.
Tiningnan ko yung dress, royal blue ang kulay nito. Tinapat ko ito sa katawan ko at tamang tama lang ang sukat sakin, off shoulder yung style nya.
Hindi ko akalain na may lalaking bibili ng ganitong dress para sakin, tapos boss ko pa. Ok wag muna akong assuming dahil alam ni Xerxes na wala akong maayos na damit kaya binili nya to. Ayaw nya lang na mag mukang basahan yung baby sitter ng anak nya. Walang ibang meaning yun, wala!
-
Mag aalauna na at katatapos lang namin mag lunch, kanina ko pang hinihintay ang tawag ni Xerxes. 11:30 kasi ito madalas tumatawag samin ni Jasmine, pero today mag aalauna na pero wala pa din. Siguro ay napaka busy nya ngayon kaya hindj na ito nakatawag.
"Althea!? Iha nasan ka?"
Dali dali akong lumabas ng kwarto ni Jasmine habang buhat-buhat to. May tumatawag kasi sakin mula sa labas kaya pinuntahan ko na ito.
Nagulat ako ng makita ang mama ni Xerxes kaya nilapitan ko agad ito.
"Magandang tanghali po mam, napabisita po kayo?" Tanong ko dito, may kasama itong isang katulong.
"Siguro naman sinabi na sayo ni Xerxes na may party na magaganap sa bahay mamaya? So I decided na sunduin ka para samahan ako mag pa salon." Wika nito at hinalikan si Jasmine sa mag kabilang pisnge.
Mabuti nalang at naliguan ko na to, mahirap na baka maamoy nya itong maasim at sabihinh pinapabayaan ko ang kanyang apo.
"Opo nabangit nya po sakin, by the way mam, happy anniversary po sa inyo" bati ko dito.
"Thank you iha, oh sya mamaya na tayo mag kwentuhan, si yaya Sally na muna ang bahala dito sa apo ko at ikaw sasamahan mo ko." Wika nito at kinuha na sakin ni Yaya Sally si Jasmine.
Wala na kong nagawa kundi samahan ang mama ng boss ko. Nag dadalawang isip pa nga ako dahil iiwan ko si Jasmine sa ibang tao. Paano kung di maalagaan nito ng maayos si Jasmine.
"Wag kang mag alala, mabait si Sally. Subok ko na yan " wika ng mama ni Sir Xerxes sakin.
Mukang alam nya ang tumatakbo sa isip ko.Ilang minuto din kaming nasa byahe at finally nakarating na kami sa salon na sinasabi nito. Sinalubong agad kami ng isang sosyal na bakla. Mukang ito ang may ari ng salon.
"Long time no see madam" at nag beso ang dalawa sa isat isa.
"Mag papa make over kami, over all darling ." Malambing na wika ni mam Seles dito.
Agad akong napatingin kay mam, bakit kami?
Akala ko ba mag papasama lang sya sakin? Bakit nadamay ako.Inikutan ako nung bakla at tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.
"Kaano ano mo sya madam? Maganda ahh" at hinawakan nito ang hibla ng buhok ko.
"Friend of mine" sagot ni mam Seles sabay kindat sakin.
"Well, well, well, simulan na natin" wika nito at inalalayan ako makaupo sa tapat ng isang malaking salamin.
Wala na kong nagawa dahil pinag tulungan na ko ng stuff nya. May isa sa ulo ko, Isa sa paa at isa sa kamay. Para akong kakatayin sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
His Baby Sitter
RomanceHindi ako pwedeng ma inlove sa boss ko, sa ama ng batang inaalagaan ko. Isa lang akong baby sitter, dapat alam ko ang kinatatayuan ko. Pero paano nalang kung sya na mismo ang mag alok sakin na maging ina ng anak nya? Magagawa ko pa bang tumangi k...