7

1.3K 34 0
                                    

Umabot din ng ilang minuto ang palitan namin ng halikan ni Xerxes, at sa ilang minuto na yun, dun ko na confirm yung totoo kong nararamdaman sa kanya.

Paano nangyare yun? Parang ang bilis naman? Dahil ba sa pagiging fake mom ko kay Jasmine, kaya pati sa daddy nito ay may nabuo na ding feelings?

"I'm sorry if i Kissed you" Wika nito at agad syang napabangon ng kama.

This feeling is awkward. After nya kong halikan bigla nalang syang mag sosorry, ano yun joke? Batukan ko kaya itong si Xerxes para mataohan sya.

"Anong ibig sabihin nun Xerxes?" Tanong ko dito at naupo na din ng maayos.

" Sorry Althea, pero tuluyan na akong nahulog sayo. Mahal na siguro kita." Sagot nito na syang ikinagulat ko.

Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa sinabi nya.   Akala ko ako lang ang nakakaramdam nito, parehas lang pala kaming nahuhulog sa isat-isa. Dapat bang umamin na din ako ng nararamdaman ko sa kanya?

"I'm sorry kung ako mismo ang lumabag sa rules ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko eh." Nakayukong wika nito. Dahil nakatalikod sya sakin, Malaya akong nakakangiti.

"Okay lang sakin kung wala kang sasabihin about sa pag amin ko. Hindi naman kita minamadali about sa magiging sagot mo." Muling wika nito.

Bumuntong hininga ako, baka kung ano pa ang isipin nitong si Xerxes. Nakipag palitan na din naman ako ng halik sa kanya kaya mas mabuting malaman nya na din kung ano yung nararamdaman ko sa kanya.

"Hindi ka naman mahirap mahalin Xerxes, lalo na at pinakita mo sakin kung sino ka talaga. Kung gaano ka kabuting ama kay Jasmine. Isa lang naman ang hiling ko Xerxes. Bigyan mo pa ako ng time para pag isipan yung offer mo sakin, bigyan pa natin ng time yung sarili natin para mas lubos nating makilala ang isat-isa." Wika ko dito kaya humarap na sya sakin.

Tiningnan ako nito sa mga mata ko.

"Siguro ito na ang tamang oras para malaman mo ang tungkol kay Jasmine." Seryosong wika nito at hinawakan ang dalawang kamay ko. Bigla tuloy akong kinabahan, sa wakas ay malalaman ko na ang katotohanang matagal ko ng hinihintay.

"Just promise me na hindi mo kami iiwan ni Jasmine kapag nalaman mo na ang totoo." Wika nito kaya napalunok nanaman ako.

Kinabahan talaga ako, pero kahit anong malaman ko tatangapin ko pa rin sila ng buo at walang mag babago sa pag tingin ko sa kanila. Pareho na kasi silang napamahal sakin.

"Pangako, walang mag babago." Nakangiting wika ko dito.

Huminga ng malalim si Xerxes habang hawak pa  din ang kamay ko. Parang dito sya kumukuha ng lakas ng loob para masabi sakin ang katotohanan.

"Nag bakasyon ako sa Italy last 3 years ago and doon ko nakilala si Maxine." Nakangiting wika nito.

Parang may kumirot naman sa puso ko, si Maxine siguro ang mama ni Jasmine. Parang nakaramdam ako ng selos dito.

"Masiyahin sya at malambing tulad ni Jasmine, naging matalik kaming mag kaibigan, until i found my self na nagugustuhan ko na pala sya. Pero huli na ko, nag ka boyfriend na sya. Sinuportahan ko si Maxine kahit hindi ko gusto yung lalaki na yun para sa kanya. Everytime na umiiyak sya kapag nag aaway sila, ako yung naging crying shoulder nya. Malaki yung pag kakatulad nyo, pero hindi sya strong. Nag bago si Maxine after 2 years. Naging matamlay ito at hindi na mashadong nakikipag kita sakin. Until nakipag break sya sa boyfriend nya dahil nalaman nitong niloloko lang pala sya nito. Hindi ko sya iniwan ng mga oras na yun. Alam ko kasing ako lang yung malalapitan nya, ako lang yung nag papalakas ng loob nya." Muling kwento nito.

His Baby Sitter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon