Chapter 16: Flashbacks

8.8K 243 17
                                    

a/n: Okay so this chapter is originally written right now, Thursday, March 19, 2015. One day before my birthday, yay! ^0^ I'm turning 14~ This is supposedly a special chapter but I think the contents of this will be an important part of the story so I made this the 16th chapter. ^^


-


Yuri's POV


"Hoy Jungkook! Bakit mo naman ako dinala sa lugar na 'to huh? Talagang hindi ka pa umattend ng rehearsal niyo at inabala mo pa si Yura para bantayan si Jiwon sa school para lang dito??"

"Nandito tayo para magrelax. Kaya pwede wag kang maingay?" sagot niya sabay higa sa may damuhan

"Magrelax?? Akala mo ba nakakarelax kang kasama??"


Bumangon siya sa pagkakahiga. "Nakakarelax talaga akong kasama. Gusto mo i-demo ko?" sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa akin


Agad ko namang tinulak ang mukha niya. "Mamanyakin mo na naman akong hayop ka!"


He chuckled. "Hindi ka pa nasanay. Tss. Saka wala namang masama kasi fiancé na talaga kita diba?"

"Fiancé your face! Bakit parang okay lang sa'yo na makasal sakin sa future?? In love ka na sakin 'no??"


Inilapit na naman niya ang mukha niya sa mukha ko. "Pano kung oo?"


*gulp* Natulala ako dahil sa sinabi niya. Ineexpect ko kasi na idedeny niya yun at sasabihing ang kapal ko naman. Pero hindi ko inaasahan na ganun ang magiging sagot niya this time.


Natauhan lang ako nang bigla niya akong pitikin sa noo.


"Hahaha! Naniwala ka sa sinabi ko 'no? Kinilig ka 'no?" sabi niya habang sinusundot yung pisngi ko na parang nang-aasar. Hayy... Muntik na nga akong maniwala sayong gago ka. =___=


"Itigil mo na nga yan! Bakit ba lagi mo 'kong pinagtitripan?!"

"Hindi kita pinagtitripan. Dati naman kinikilig ka sa mga ganitong moves ko. Bakit ngayon hindi na?"


Tinitigan ko siya nang seryoso. "Eh kasi yung kung anong meron tayo noon, totoo yun. Eh yung ngayon, puro lokohan lang, dahil lang sa isang kontrata. Kaya kahit gaano pa ka-romantic yang mga sinasabi mo, hindi tatalab sakin yan."


Nagtitigan kami ng matagal na parang nag-uusap ang mga mata namin. Maya-maya, umiwas ng tingin si Jungkook at bumuntong hininga.


"Naalala mo ba na tinanong kita noong Valentines day kung pwede kitang maging real girlfriend? Kaya ko ginawa 'yun kasi alam kong may chance na maging totoo kung anong meron tayo ngayon. Kasi kung nainlove ako sayo dati, hindi rin malabong mangyari yun ngayon."

"In the first place, bakit ba gusto mong totohanin ang lahat??"


Mukhang natigilan siya sa sinabi ko. Medyo natagalan pa nga bago siya nakasagot.

Mom For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon