Chapter 24: Fake vs Real

7.1K 216 30
                                    

Yuri's POV

Matapos yung pag-uusap namin ni Jungkook kahapon, pakiramdam ko mas nakilala ko pa siya.

He's a great guy. Sa edad niya na 'yon, nagawa na niyang makapag-sakripisyo para sa taong mahal niya. At sa tingin ko hanggang ngayon, pinaninindigan pa din niya 'yon.

Kaya naman..... I just can't help myself from falling for him, the second time around.

Hindi pala talaga imposible ano? Kasi nga noong mga bata pa kami, nagawa kong mainlove sa kanya. Ngayon pa kaya? Na pareho na kaming nasa tamang edad.

"Mommy let's go! I don't want to be late!" sabi ni Jiwon tapos hinila na niya ako palabas ng dorm

I stared at her. Ngayon ko lang narealize na ibang iba na kami ngayon kesa noong una naming pagkikita. Close na close na kami ngayon, as in mom-and-child closeness. Kaya naman hindi ko alam kung kakayanin ko pang mahiwalay sa kanya kung sakaling kunin na siya ng real mom niya.

"We're here. Baby, pasok ka na sa loob."

"See you later, Mommy! I love you!" tapos kiniss niya ako sa pisngi bago tumakbo papasok sa classroom nila.

"She's a sweet girl."

Napatingin naman ako doon sa nagsalita. Bakit naman siya nandito? =___=

"Oh it's you, Jiyanne Park." bored na pahayag ko

"Yeah, the one and only. I'm here to get my daughter."

"Sa tingin mo sasama siya sa'yo?"

"Why not? I'm her biological mother after all." kampanteng sagot niya

I snorted. "And you still have the guts to call yourself 'a mother'?"

Mukhang napikon siya sa sinabi ko kaya sa ngayon, uhh, medyo nawawala na yung poise niya. Oh well, that's my special power. Ang pasabugin sa galit ang mga kaaway ko just by talking to them.

"Ano bang alam mo sa pagiging ina?! You're just an immature brat!"

"Porket inire mo siya, akala mo kung sino ka nang dakilang ina?! And excuse me, sa ating dalawa, sino sa tingin mo ang mas immature? Mas bata ako sa'yo pero kaya kong tumayong ina kay Jiwon, eh ikaw? Ano bang kaya mong gawin para sa kanya? Lumandi sa mga lalaki para bigyan siya ng kapatid? *smirk*"

*PAK*

She slapped me.

"SUMOSOBRA KA NA HA! Wala kang alam sa akin kaya wala kang karapatang husgahan ako ng ganyan! Tinatanong mo kung anong kaya kong gawin para sa kanya?? LAHAT! Ilalayo ko siya sa'yo..... sa inyong lahat!...."

*PAK*

I slapped her too.

"LAHAT? Talaga lang ha?! May napatunayan ka na ba?? Puro ka lang naman salita!"

Napatingin siya sa paligid. Medyo na-conscious siguro siya dahil yung ibang magulang na nandito ay napapatingin sa amin kahit hindi nila naiintindihan ang mga sinasabi namin. Wow ha. May hiya pa pala siya.

"I'll talk to my lawyer about this matter. Sa ayaw at sa gusto niyo, mapapasakin ang anak ko!" Yun na yung huling sinabi niya bago tuluyang umalis.

Hah. I shouldn't be scared of her. She's just so hopeless. Tingnan na lang natin kung sinong iiyak sa huli.

--

Jungkook's POV

"Kookie, may naghahanap sa'yo."

Mom For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon