Chapter 32: No Choice

5.8K 183 16
                                    

Demi's POV

Nagprisinta akong maghatid sa kanila papunta sa tutuluyan nila. I mean, sasama ako sa paghahatid ng driver namin sa kanila. Alam niyo na, para malaman ko kung saan ang kuta ng babaeng 'to.


Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang bungalow house. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Pamilyar naman sa akin ang lugar na ito kahit medyo nasa tagong parte ng Paris. Sa tingin ko, makakapunta naman ako dito anytime na gustuhin ko.


"Bye Jiwon!"

"Bye Tita Demi! Visit us again, okay?"

Tumango ako sa kanya bago sumakay ng kotse. Don't worry Jiwon. I'll visit you from time to time. Alam kong hindi ka ligtas sa taong 'yan.


Tinext ko kay ate Yuri ang address ni Jiyanne. Waahh ate! Come here ASAP!

---


Yuri's POV

I smirked when I read Demi's message. Jiyanne, kung akala mo naisahan mo na kami, nagkakamali ka.


Mabilis ang naging kilos naming lahat. Nagtulungan talaga kami para mabawi si Jiwon. Pina-book ng parents ni Jungkook ang flight naming dalawa papuntang France. Sa bawat hakbang na ginagawa namin, nakasuporta lagi ang sina oppa pati si Yura.

Ngayong gabi na mismo ang flight namin ni Jungkook. Nakasakay na nga kami sa eroplano eh. Wala dapat sayangin na oras sa ganitong sitwasyon dahil anak namin ang involved dito.


Oo. Pinanindigan na namin ni Jungkook ang pagiging parents ni Jiwon. Sorry na lang si Jiyanne. Nang iluwal niya si Jiwon, binigyan na siya ng chance na maging ina sa bata. Pero anong ginawa niya? Sinayang niya lang ang pagkakataon. Kumbaga sa isang laro, touch move na siya. 'Yun ang unang pinili niya, kaya panindigan niya.


Matapos ang ilang oras na byahe, nakarating na rin kami dito sa Paris. Nag-aabang sa amin sa airport sina Demi at Dana. Sinalubong agad ako ni Demi ng yakap.

"Yuri! I'm glad you're now here."

"Me too, Demi."

"Kids, let's go." tawag ni Dana na nasa loob na pala ng kotse

"So, what's your plan?" tanong ni Demi habang nasa byahe

I shrugged. "Actually, wala kaming plano."

"Huh?! Bakit?? Malay mo member pala ng sindikato 'yung Jiyanne na 'yon! Or mafia! Or budol-budol---"

Binatukan ko siya. Ang daming alam eh!

"Hoy Demi, napapasobra ka na ata sa panonood ng TV. Kung anu-anong naiisip mo!"

"Eh ano pa bang iba kong dapat isipin sa sitwasyon na 'to? Anak si Jiwon ng heiress ng Chen International at heir ng Jeon Group of Companies. Malamang, kidnap for ransom ito!"

Naramdaman ko ang pagkulbit sa akin ni Jungkook.

"Tell her the true story." bulong niya

Mabuti pa nga. Para matigil na ang bibig niya sa kakasabi ng mga walang kwentang bagay. =___=


Nang makarating kami sa condo ni Demi, agad kong inutusan ang lahat para maupo sa may living room. Sasabihin ko na ang totoo kay Demi at mukhang kailangan ko ng tulong nina Dana at Jungkook. Who knows? Baka magkaroon siya ng violent reaction.

Mom For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon