Original date written: May 24, 2015
-----
Jiyanne's POV
I hate my life! Why am I so unlucky? Don't I deserve to be happy?
Bakit panandalian lang lagi ang kasiyahan sa buhay ko? Hindi ba pwedeng mag-settle na sa gusto kong mangyari?? I'm too tired of struggling for my happiness.
I sighed. Kung nandito kaya si Liam, magiging okay ang lahat? Kung nandito kaya siya, may magtatanggol sa amin ni Jiwon? Kung nandito siya, masaya kaya kami?
The moment we entered this mansion, hindi na nila kami hinayaang makalabas ulit. I'm grounded like a damn kid. We're also not allowed to communicate with other people outside this place. Ugh. This is definitely not the life that I want for me and my daughter!
"Eoma, they're so mean! Why are they doing this to us?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Jiwon
Wala akong ibang nagawa kundi yakapin siya. Hindi ko rin alam ang isasagot sa tanong niya eh. Bakit nga ba nagkakaganito kami ngayon?
Someone please save us....
---
Yuri's POV
"Yuri, Yuri.... Wake up." sabi ng isang pamilyar na boses
Naramdaman ko ang mahina niyang pagtapik sa pisngi ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Jungkook.
"Ba't mukha kang natatae dyan?" tanong ko habang humihikab
"Goodness Yuri! Halos maghapon ka kayang tulog! Alas sais na ng hapon kaya ginising na kita. Lasing ka ba o ano?"
Nabigla ako sa sinabi niya. Whoa. Ganun katagal ako natulog?? Wala naman akong pinagkaabalahang nakakapagod na bagay kahapon ah?
"Halika na sa baba. Kumain ka muna."
Tatayo na sana ako sa kama nang bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Ugh. Umiikot ang paningin ko.
Napakapit ako kay Jungkook para lang makatayo. Pakiramdam ko wala akong kalakas-lakas. Dahil siguro hindi pa ako kumakain ngayon araw.
Inalalayan ako ni Jungkook hanggang sa makarating kami sa dining area. Nang makaupo ako, agad na sumalubong sa akin ang isang masangsang na amoy. Feeling ko babaligtad ang sikmura ko dahil doon.
"Sht. Anong amoy yun??"
"Spicy fish stew. Ang bango diba?"
Humarap ako kay Jungkook.
"Anong mabango?? Pakiramdam ko masusuka ako sa amoy eh!"
"B-but... I'm the one who cooked it. Akala ko magugustuhan mo." disappointed niyang sabi
Dahil naawa ako sa itsura niya, sinubukan kong tumikim ng kaunti. Pero nakakaisang subo pa lang ako, tumayo na ako sa kinauupuan ko, pumunta sa cr, at doon sumuka. Agad naman akong sinundan ni Jungkook at hinagod ang likod ko.
He sighed. "Grabe naman. Hindi ko alam na ganun mo talaga kaayaw yung niluto ko, napasuka ka pa talaga eh."
Kahit ako nagtataka rin sa sarili ko eh. Hindi naman ako sensitive sa amoy ng mga pagkain. Wala din naman akong allergies sa ingredients ng fish stew.
BINABASA MO ANG
Mom For Hire
Humor[BTS FANFIC] Date Started: February 26, 2015 Date Ended: February 5, 2016 Copyright by: @Lluviann & @BTS_JK01 Book Cover by: @ScarletJelly