Chapter 36: Tears

5.9K 178 30
                                    

Original Date Written: May 30, 2015


Jungkook's POV

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Unti-unting bumagsak sa sahig si Yuri dahil sa tama ng baril sa balikat niya. Agad akong tumakbo palapit sa kanya pero bago pa man ako makaabot sa kinaroroonan niya, hinarang na ako ng mga butlers.

Nagmadaling silang lumabas ng mansion. Kinakaladkad ako ng ilan sa kanila pero sinusubukan kong makawala. Nawala lahat ng lakas ko nang hampasin nila ako ng baril sa likod ko.


"Tell Yuri, I'll come back....for her." sabi ko kay Secretary Mei bago pa man ako tuluyang matangay ng mga lalaking 'to


Sinubukang pigilan ng mga security guards sa mansion ang mga tumatakas na butler. Nahuli ang iba sa kanila pero nagawa pa din akong itakas ng ilan palabas ng Chen Estate.


Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

---


Nagising ako dahil sa kamay na humahaplos sa pisngi ko.

Agad kong iminulat ang mata ko nang maalala ko kung ano'ng nangyari bago ako mawalan ng malay.

"Y-yuri?" tanong ko sa babaeng nasa harap ko ngayon. Hindi ko pa masyadong maaninag ang mukha niya pero di nagtagal ay nakilala ko din kung sino siya.

"Jj..."

"Jiyanne..." tawag ko sa pangalan niya


Wait a minute... Jiyanne?? Siya ba ang may pakana ng lahat ng 'to?!


---


Jiyanne's POV

"J-jiyanne? Are you the person behind all of this??" tanong niya nang mahimasmasan na siya

"N-no! Biktima din ako dito."

"Then why are you here?"

"Don't you recognize this place? It's my room. You're here in Park Estate, Jj."


Nilibot niya ang paningin niya na parang kinikilala ang mga bagay sa paligid niya.


Binalik niya ulit ang paningin niya sa akin.

"Bakit ako nandito? The last time I checked, I'm still in China."

I looked away.

"Y-you were kidnapped by my parents' hired men."

"What?! Then I'm right. Isa ka sa mga may pakana nito!"

"I told you, I'm a victim too!" I shouted


Kinalma ko muna ang sarili ko bago magpatuloy sa pagsasalita.

"Katulad mo, nakakulong din ako ngayon sa lugar na 'to, pati na rin si Jiwon--"

"Where is she?"

As if on cue, bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Jiwon na kakagaling lang sa garden. Tumakbo siya palapit kay Jungkook at niyakap ito.

"Daddy! You're awake!"

Mom For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon