Special Chapter 2: Incredibly Perfect

5.3K 143 6
                                    


Mason Moon as Min Yoon Jun

Lauren Lunde as Min Ah Young

(check the multimedia for their pic ^^)


*****


Ayen's POV

"Baby, say SWEG." turo ni Suga bear kay Yoonjun.

"Weg!" sabi naman ni Yoonjun

"SWEG"-Suga bear

"Wegs"-Yoonjun

"SWEG!!!!"-Suga bear

"SHWE!!!"-Yoonjun


"Diyos ko pong mahabagin! Min Yoongi Junior! Nasa tiyan ka pa lang ng nanay mo, itinuturo ko na ang salitang yan! Bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin mabigkas ng maayos? TToTT"


Sabay kaming napatawa ni Aya sa mag-ama. Nakakalibang kahit mag-hapong panoorin ang dalawang yan.


"SWEG!" masayang sabi ni Aya.


Mangiyak-ngiyak na lumapit si Suga bear kay Aya at niyakap ito.


"Huhuhu... Buti ka pa anak kong maganda! Nabigkas mo ang sagradong salita! Pa-kiss nga si Appa! Mwah! T3T"

"Eww Appa! Your saliva!" reklamo ni Aya habang pinupunasan ang pisngi niya.

"Aish! Ano ba naman 'tong mga anak mo Ayen Sy-Min? Sigurado ka bang ako ang ama ng mga 'to??"


Binatukan ko siya.

"Oo naman 'no! Sino pa ba?? Kita mo namang manang-mana sa'yo ng kakulitan!"

"Sabi ko nga eh. T3T"


Pumunta ako sa kusina para maghanda ng lunch namin. Iniwan ko sila doong nagkakagulo pa din sa pagbigkas ng 'SWEG'.


Habang nagluluto ako, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na kasal na kami ni Suga bear at may twins na din kami.


Panganay ng dalawang minuto sa kambal si Ah Young, or often called Aya. Then si Yoon Jun ang bunso. Naalala ko pa noong ipinanganak ko sila. Ang gusto sanang ipangalan ni Suga bear kay Yoon Jun ay Min Yoongi Junior. Kaya lang hindi ako pumayag at tinawanan ko lang siya sa idea niya. Kaya in the end, Yoon Jun na lang ako pinangalan namin para malapit pa rin sa Yoongi Junior.

They're twins pero hindi sila ganun magkamukha, aside from the fact that they have different genders. Sabi nila, kamukhang-kamukha ko daw si Aya. Para ko daw siyang carbon copy. Same goes with Yoon Jun and Suga bear.


Para sa iba, boring daw ang relationship namin ni Suga bear ko. Hindi daw katulad kina Yuri na madaming conflicts. Sobrang plain daw nung amin.

Pero para sa'kin, syempre hindi. Ikaw kaya ang pumasok sa isang relasyon na wala kayo halos LQ tapos parang iisa lang lagi ang iniisip niyo ng taong mahal mo? Anong tawag doon? 'Diba perfect?

Mom For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon