Roxie's Point of view
“Aray!"
“Oh my gosh! I’m sorry!” sabi ko at agad na tumayo. Lumapit ako sa kanya at inabot ang kamay ko para tulungan siyang tumayo. Kinuha niya ang kamay ko, at nakaramdam ako ng init mula sa kanya. Ang init ng kamay niya, gosh.
Tumayo siya at pinagpag ang damit niya. “I’m really sorry,” I apologized again.
“Tsk! Next time, tumingin ka sa dadaanan mo,” sagot niya, medyo may inis sa tono.
Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Napatingin ako sa kanya—shocks, ang gwapo! Pero ang sama ng ugali.
“What! Ikaw nga, hindi tumitingin sa daanan! Kung makapagsalita ka diyan! Buti nga ako nag-apologize, ikaw wala! Then you have the guts to say that to me???” sigaw ko, na parang nakakaasar.
“Tsk. What a noisy girl,” sabi ni kuya at nag-walk out.
“Hoy kuya! Ang gwapo mo pa naman, pero argh, ang pangit ng ugali mo!!” sigaw ko sa kanyang papalayo. Nakakainis… Arghhh, gwapo niya pa man din. Crush ko na sana siya, pero ang pangit ng ugali niya.
Nagtuloy na ako sa paglalakad, ngunit bad trip pa rin ako kay kuya. Hindi ko namalayan at nakarating na pala ako sa cafeteria. Agad kong narinig ang sigaw ni Meshie at Denise sa pangalan ko.
“Roxie!!”
“Roxie, andito kami!”
Hinanap ko ang boses nila at nakita ko sila sa pinakadulo, kaya lumapit na ako.
“Umm, sorry guys, natagalan. Hindi ko kasi agad nakita ‘yung phone ko at meron din kasing... letchugas! Este, merong kuyang gwapo akong nabangga.”
“Nope, it’s okay! At oo nga pala, nag-order na kami ng milkshake. Wait lang, chocolate flavor kinuha ko para sa’yo,” sabi ni Meshie. Si Lauren tahimik lang, habang si Denise ay nakikipag-usap kay Meshie. Naupo na ako sa bakanteng upuan.
***
Lauren's Point of view
Matapos naming maglibot-libot sa buong school, nagpahinga na kami sa kani-kanilang kwarto. Tapos na rin kasi kami kumain ng dinner. Hindi na kami nagluto dahil ang dami naming pinuntahan.
Kakatapos ko lang mag-shower at nagbibihis na ako ng pantulog. Bukas na pala ang first day of school namin. Maya-maya, nakatulog na ako.
Nagising ako ng 7:30 AM, at 8:30 pa naman ang first day of class. Agad akong nag toothbrush at nagbihis ng uniform.
Ang uniform namin ay white polo na may black ribbon sa gitna, at meron ding name tag at strand na nakalagay sa gilid ng dibdib. Sa palda naman ay black skirt, above the knee, white socks, at black shoes.
Pagkatapos kong maghanda, bumaba na ako at nakita si Roxie na naka-uniform na, abala sa pagsusuot ng kanyang black shoes sa sala.
Pumunta ako sa kusina at nakita silang lahat—naka-uniform na rin si Denise at Meshie, naghahanda sila ng almusal para sa amin. Sa mesa, nakalatag ang fried egg, fried rice, hotdogs, bacon, sandwich, at milk.
“Lauren, tawagin mo na si Roxie, kain na tayo!” tawag ni Denise.
“Roxie, kain na tayo!” sigaw ko mula sa kusina.
“Okay, andiyan na ako!” sagot niya pabalik.
Lumapit na si Roxie, at umupo na rin kami. Si Denise ay abala sa paghahanda ng aming mga plato habang si Meshie ay umupo na rin.
Nagdasal muna kami at pagkatapos ay sinimulan na namin ang almusal. Nang matapos kaming kumain, sabay-sabay kaming nagligpit ng pinagkainan.
Pababa na kami sa hagdan, at napansin kong 8:09 na. Papunta na kami sa magiging classroom naming apat.
Nang mahanap namin ang pinto na may nakalagay na "HUMMS 1," agad kaming pumasok.
“Dito tayo umupo, Meshie, Denise, at Lauren,” sabi ni Roxie.
Pumunta kami sa upuan malapit sa bintana kung saan naupo si Roxie, at ako ang nasa dulo.
So ganito ang ayos namin:
Bintana - Roxie - Denise - Meshie - Ako - Vacant Seat
Maingay na sa classroom dahil maraming estudyante. Maya-maya, may pumasok na lalaki na naka-hoodie, kaya’t hindi ko makita ang mukha niya.
Nagulat ako nang umupo siya sa tabi ko. Shucks, ang bango niya! Sinundan ko siya ng tingin at napansin kong nakayuko siya, mukhang natutulog.
He smells so good—hindi ko alam na sinisinghot ko na pala ang amoy niya. Nagulat na lang ako nang bigla siyang umangat. Agad akong lumayo sa kanya at tumingin sa ibang direksyon.
Nakakahiya. Siguro naman hindi niya ako nakita, dahil hindi ko rin naman maaninag ang mukha niya. Umm, ang mga labi niya lang ang nakikita, habang natatakpan ang mata niya.
Maya-maya, dumating na ang magiging guro namin.
“Okay, class, good morning! Introduce yourself muna tayo, ha? Mauna ‘yung nasa malapit sa bintana.”
Luh! Si Roxie mauuna. Tumayo na siya sa kanyang upuan.
“Good morning, everyone! My name is Roxie Vivian Smith.”
“Okay, Roxie, next!”
“I'm Denise Allison Cruz.”
“Okay, next!”
“Yushima Lorene Takiyama, ma’am.”
“Okay, so I guess you’re Japanese?”
“Yes, ma’am, half.”
“Okay, next!”
Tumayo na rin ako, medyo kinakabahan.
“Lauren Mariss Santiago.”
“Okay, next!!”
“Calix Spencer Alfonso.”
Wait... tama bang narinig ko siya? Si Calix?!
YOU ARE READING
I'm tired loving you
Teen Fiction私はあなたを愛するのに疲れています When I was a little kid back then. elementary kid,I have a classmate that I have a crush on... yet he have a crush on someone else.... When I become a teenage girl, we met again I don't know what I feel. I don't know if this is sti...