Chapter 9: Caught In The Moment

25 5 0
                                    

Sinilip ko ang oras sa relo ko, 12:08 pa lang naman. Tutulog na lang ako tutal wala naman sila Roxie. Baka alam nilang naiinis ako kaya hindi na nila ako sinundan.

Napasarap ang tulog ko at nagising lang nang may naramdaman akong tumititig sa akin at niyuyugyog ako.

"Lauren, gising na."

Pagkarinig ko ng boses na 'yun, napaangat ang mukha ko. Nagulat ako—sobrang lapit ng mukha ni Calix sa akin, konti na lang at magkakahalikan na kami! Agad akong umiwas ng tingin, kabado na baka may laway pa ako.

Agad kong kinapa ang labi ko. Buti na lang wala. Nakakahiya kung meron. Inayos ko ang buhok ko bago ulit tumingin sa kanya.

"Umm, sorry, pero can I ask a question, Calix?"

"Okay, ano 'yun?"

"Bakit mo ako ginising?"

"Kasi nga 12:45 na, malapit na mag-1:00."

"Okay, pero bakit ang lapit ng mukha mo?"

"Ahh, kasi hindi ka magising, kaya lumapit ako at ginulo ko 'yung braso mo."

"Okay, thanks."

Tumingin ako sa gawi nila Meshie, pero wala pa rin sila. Saan na kaya sila?

***
Denise Point of view

Sa wakas, otor, binigyan mo rin ako ng point of view, hahaha!

Nasa comfort room kami ngayon kasi umihi sina Roxie at Meshie. Ako naman, patingin-tingin lang sa salamin. Naiinis sa amin si Lauren kaya hindi namin siya kasama. Siguro nasa classroom na siya.

Sino ba naman kasi hindi maiinis, 'di ba? Sinabi ba naman kay Calix na crush siya ni Lauren, haha! Buti na lang ako, hindi nila alam kung sino crush ko. Yehey, landi ko! Hahaha!

Nga pala, napag-usapan namin tatlo na mag-sorry kay Lauren mamaya. At 'yung video na kinuha ko kanina, balak ata ni Roxie ituloy 'yung sinabi niya kanina.

CALREN huh? Not bad. Suportahan ko na lang si Roxie para naman hindi umiyak si Calix, haha! Alam ko naman kasing crush din ni Calix si Lauren dati pa. Pero ayaw niyang aminin. Ewan ko ba doon. Sinabi niya lang sa akin dati, nung tinanong niya kung bakit hindi pumasok si Lauren nung first day ng class noong Grade 5.

Sinabi ko kay Calix na lumipat na si Lauren ng school at pumunta ng States. Tinanong ko rin siya kung bakit niya hinahanap. Ayun, inamin niya na crush niya pala si Lauren. Kaya kanina nung sinigaw ni Roxie na crush siya ni Lauren, nakita ko namula 'yung tenga ni Calix. Kinilig ata.

Sa dami ng iniisip ko, hindi ko napansin na tapos na palang umihi sila Meshie. Tinatawag na nila ako.

"Denise, hey, okay ka lang? Come on, late na tayo. 12:47 na oh."

"Yes, I'm fine. Sorry, iniisip ko lang sina Calix at Lauren."

"Talaga?? Sa tingin n'yo guys, crush din siya ni Calix, 'di ba? Ano, Meshie, Denise?"

"Oo, sinabi niya sa akin dati, haha!"

"Talaga?? So, ano dapat natin gawin para mapalapit sila?"

"Umm, ewan ko."

"Wait, I have a good plan, guys."

"Ano?"

"Ano?"

Sabay naming tanong ni Roxie kay Meshie.

"What if makipag-friends tayo kina Calix?"

"What? No way! Kay Calix, pwede pa, pero sa ibang friends niya? Oh no, I don't want it."

"Okay, let's go."

Nag-shrug na lang ako at umalis na kami ng CR papunta sa classroom.

Nagulat kami nang makita namin si Lauren at Calix nag-uusap na sa may pintuan. Hmm, ano kaya ang pinag-uusapan nila? Lumapit kami at umupo sa mga upuan namin.

"Hi, Lauren. Hi, Calix. Ano'ng pinag-uusapan n'yo?"

Buti na lang at matanong si Roxie, hahaha. Malalaman ko na rin kung ano'ng pinag-uusapan nila.

I'm tired loving youWhere stories live. Discover now