Roxie Point of view
Nandito kami sa labas ng horror house booth, naghihintay sa aming turno. Nakapila na kami at ako ang panguna. Nag-start na ang party kanina, at sina Zaren ang nagsundo sa amin.
Si Zaren ay nakasuot ng costume ni Pennywise habang si Calix ay nakademon costume, na parehas na tema kay Lauren dahil couple costume sila. Si Kevin naman ay nakasorcerer costume, bagay na bagay sa akin. At si Axson? Nakazombie costume siya, at hindi sila partner costume ng kay Meshie. Bakit kaya?
Sa wakas, natapos na rin ang mga babaeng pumasok, at kami na ang susunod.
“Next!” sigaw ng attendant.
Lumapit kami sa kanya.
“Ilan kayo?”
“8 po.”
“100 pesos.”
Nag-abot ako ng bayad at pinapasok na kami.
“Ahhhhhh!!”
Nagulat kami nang pinatay ang ilaw at biglang nawala ang mga tao. Asan na sila? Niyakap ko ang sarili ko at nagpatuloy sa paglalakad. Bigla na lang may sumulpot na white lady na nagulat ako. Nanlaki ang mga mata ko at tila nag-blur ang paningin ko habang nagpakita sa akin ang mga imahe.
Asan ako? Bakit nandito ako sa kwarto? Kanino ito?
Naglakad ako patungo sa higaan nang may makita akong batang umiiyak. Sino siya?
“Bata, bata,” tawag ko sa kanya, pero hindi siya nakikinig. Nilapitan ko siya, pero lumayo siya sa akin.
“Tulong! Wag po, please! Huhuhu!”
Sumigaw siya, parang nawawala na sa sarili.
“Bata, wag kang sumigaw. Wala akong masamang gagawin sa’yo.”
Sinubukan kong kausapin siya, pero tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pag-iyak at nagmamakaawa na huwag ko siyang saktan.
Hindi ko maintindihan, pero para akong nasasaktan sa kanyang mga sinasabi. Bakit ganito?
Nang bigla akong magising. Bumungad sa akin ang puting kisame. Napatingin ako sa gilid at nakita ang babaeng nurse.
Bakit ako nasa clinic?
“Okay ka na ba?” tanong niya.
Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko. Hindi ko siya sinagot at tinanong ko siya, “Ano pong nangyari sa akin?”
“Nahimatay ka kanina sa horror house kaya dinala ka ng mga kaibigan mo rito. Nagmamadali sila papunta dito.”
“Nasaan na po sila?”
“Bumili lang ng pagkain ang iba mong kaibigan, at nagbanyo naman yung iba.”
“Anong oras na po?”
“9:30 na ng gabi.”
“Po?”
“9:30 na?”
“Ilang oras po akong natulog?”
“Magtatatlong oras na ikaw natutulog.”
Tumayo ako at aalis na sana nang biglang bumukas ang pinto ng clinic.
“Roxie!!”
Pumasok sila Denise na may dalang pagkain at niyakap ako.
“Okay ka lang ba?”
“Bakit hindi mo sinabi na takot ka?”
“May masakit ba sa’yo?”
Sunod-sunod na tanong nila. Halata sa mga mukha nila na nagaalala sila sa akin.
“Okay lang ako.”
“Thank God nagising ka na.”
“Tara, nasa dorm natin,” aya ko sa kanila.
“Nurse, okay na po ba siya?” tanong ni Denise.
“Oo, pwede na kayo umuwi dahil baka maabutan pa kayo ng curfew.”
“Thank you po.”
Tumayo ako mula sa higaan ko at lumabas na kami ng clinic. Sakto namang dumating sina Calix.
“Hey, are you fine?”
“Yes,” sagot ko kay Calix.
Sina Axson at Kevin ay nakatayo lamang, tila may iniisip, habang si Zaren ay tahimik lang din.
Nag-aya na kami na umalis, at hinatid nila kami sa dorm. Pumasok na ako at si Denise, ngunit naiwan sina Meshie at Lauren, na nagpaalam pa sa mga jowa at manliligaw nila.
Kailan kaya ako? Joke!
Dumeretso na ako sa kwarto ko at humiga ulit. Iniisip ko ang nangyari kanina.
Sino yung batang babae?
Bakit nagpakita siya sa akin?
Anong nangyayari sa akin?
“Bakit nagmamakaawa yung bata sa akin na wag ko siyang saktan?”
Sobrang dami ng tanong sa isip ko, pero wala akong makuhang sagot. Hanggang sa nakatulog ulit ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/312315617-288-k376797.jpg)
YOU ARE READING
I'm tired loving you
Fiksi Remaja私はあなたを愛するのに疲れています When I was a little kid back then. elementary kid,I have a classmate that I have a crush on... yet he have a crush on someone else.... When I become a teenage girl, we met again I don't know what I feel. I don't know if this is sti...