Lauren Point of view
Happy birthday to me!!!
Kakatapos ko lang maligo at pababa na ako sa hagdanan. Andito na kasi sila Calix. Nakaayos na ang lahat, at alas diyes pa lang ng umaga. Excited na ako dahil papunta kami sa bagong bukas na bar. Nag-reserve na kami ng VIP room, dahil dito ko nais ipagdiwang ang aking kaarawan.
Medyo kinakabahan ako, dahil ngayong araw na ito ay sasagutin ko si Calix. Nais kong maging espesyal ang araw na ito, hindi lamang para sa akin kundi para din sa kanya.
Lumabas na kami ng dorm at nilock ang pinto. Mukhang gabi na kami makakauwi. Sa parking lot, andun sina Zaren at Axson, nag-aaway kung sino ang magdadala ng sasakyan. Sa sobrang ingay nila, nag-volunteer na si Kevin na siya na ang mag-drive.
Sumakay na kami sa sasakyan at sinimulan na niyang paandarin ito. Medyo malayo mula sa school ang bagong bukas na bar. Habang nasa biyahe, sinubukan kong ipikit ang mga mata ko. Napuyat kasi ako kagabi sa pag-eempake ng mga damit ko; sina Denise, ang mga kaibigan ko, nag-empake na rin.
Hindi ko namamalayan at nakatulog na pala ako. Ginising na lang ako ni Meshie nang kailangan na namin bumaba sa sasakyan. Pumasok kami sa bar at ang daming tao. Iba't ibang mga lights pero masakit sa mata at ang lakas ng music!
Kasama namin ang isang waiter na naghatid sa amin patungo sa pinareserve naming room. Pagpasok namin sa VIP room, Iniwan kami ng waiter para kunin ang mga drinks na inorder namin.
Para sa amin, mga light drinks lang ang inorder ko - cocktails. Para sa mga boys naman, beer ang napili nila upang makapag-drive pa at makapagpahinga mamaya.
Habang nag-iinuman kami, nagkwentuhan at naglaro,nagyaya sila Denise at Roxie na bumaba muna at makisayaw sa dance floor. Sila Zaren at Kevin naman ay sumama sa kanila. Pati na rin sila Meshie at Axson ay bigla na lang nawala. Dalawa na lang kami ni Calix ang natira sa Room.
"Lauren, gusto ko sanang pag-usapan yung... tayo, hindi naman sa minamadali kita" sabi niya, ang mga mata niya ay nagkatitig sa aking mga mata.
"Calix, ano kasi" sagot ko, habang nakatingin sa mga mata niyang puno ng pag-asa. Hindi alam kung paano aamin sa kanya.
Ngumiti lamang siya. "Alam mo ba ang saya-saya ko kapag kasama kita. Hindi ko sinasabi na sagutin mo na ako pero I will try. I will still try to ask you Lauren" sambit niya.
"Will you be my girlfriend?"
"Yes, Yes Calix, sinasagot na kita!" Sambit ko kahit nahihiya.
Labis ang galak niya at kinuha ang aking kamay upang halikan. Dito na rin niya inabot ang maliit na kahon mula sa bulsa ng kanyang pantalon. "Bago ko makalimutan, mayroon akong regalo para sa'yo,"
Huminga muna ako ng malalim , hindi ko mawari ang aking naramdaman. Puno ng pagkasabik at kaba. Nang buksan ko ang kahon, bumungad sa akin ang isang napakagandang kwintas na may hugis ng buwan. Ang disenyo nito ay napaka-simple ngunit elegante, tila naglalarawan ng misteryo at ganda ng gabi.
Wow, Calix! Ang ganda!" sambit ko habang pinagmamasdan ito. Tiffany and Co ang brand.
"May kahulugan yan. I wanted you to have this to remind you that no matter how far apart we are, I will always be here for you, just like the sun and the moon," paliwanag niya.
Kinuha niya ang kwintas sa aking kamay,tumalikod naman ako at marahan niya itong isinuot sa aking leeg. Isang ngiti ang lumabas sa aking labi matapos niya itong ilagay. Humarap ako sakanya at ang mga mata niya ay puno ng pagmamahal.
"Calix, napakaganda ng kwintas. Maraming Salamat!" sabi ko at siya ay niyakap. Naramdaman ko ang init ng kanyang yakap, at parang ayaw kong matapos ang sandaling iyon. Nakasandal ang ulo ko sa kanyang balikat habang pinagmamasdan ang kanyang ngiti, na tila nagbibigay ng liwanag sa lahat ng paligid.
Maya-maya, matapos ang masayang selebrasyon, umuwi na rin kami. Sinalubong kami ng malamig na hangin at mga bituin sa kalangitan. Kasama ang mga kaibigan, hinatid kami nila Calix pabalik sa dorm.
Pumasok ako sa kwarto ko at nag-shower. Pagkatapos, nagbihis ako ng aking pajamas at nahiga sa kama. Ngunit sa kabila ng pagod, hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin siya... Ang mga ngiti, ang mga tawanan, at ang mga plano naming dalawa. I wish we will still be together at the end. Sabi nila, ang mga ganitong bagay ay mahirap makamit, pero naniniwala ako sa amin. Nang medyo bumibigat na ang mga talukap ng mata ko ay ipinikit ko na ito.
I finally closed my eyes, praying that tomorrow would bring more beautiful moments with him.

YOU ARE READING
I'm tired loving you
Teen Fiction私はあなたを愛するのに疲れています When I was a little kid back then. elementary kid,I have a classmate that I have a crush on... yet he have a crush on someone else.... When I become a teenage girl, we met again I don't know what I feel. I don't know if this is sti...