Lauren's Point of view
Tapos na ang Pasko at Bagong Taon.
Hindi kami nakalimot ni Calix na batiin ang isa’t isa. Sa mga nakaraang linggo, nag-uusap kami palagi, nagtatanong tungkol sa mga nangyayari sa aming araw.
Ngayon, nandito ako, nakatayo sa harap ng maraming tao—mga guro, mga magulang, at mga kaklase. Kasama ko sina Roxie, Denise, Meshie, at Calix, na lahat ay kasama ang kanilang mga pamilya. Pero ako? Ang mga magulang ni Denise ang nakatalaga bilang aking guardian.
May bahagi sa akin na gustong-gusto na sana narito ang Mama ko, pero alam kong hindi siya darating. Wala na siyang balak bumalik dito; mas gusto na niyang manatili sa Amerika.
Matapos ang Closing Ceremony, nag-celebrate kami ni Denise kasama ang kanyang pamilya. Ipinakilala rin ako ni Calix sa kanyang pamilya, na talagang nakapagbigay sa akin ng saya. Pero sa likod ng ngiti at tawanan, may nararamdaman akong lungkot. Nagpaalam kami sa isa’t isa, nagtatakdang magkikita muli sa hinaharap, pero ang katotohanan ay matagal pa bago kami magkikita.
Ngayon ang unang araw ng aming bakasyon, ngunit naiirita ako sa sarili ko. Miss na miss ko na siya. Paano nga ba naman kasi, nag-away kami kagabi at labis akong nakaramdam ng guilt dahil alam kong ako ang may kasalanan.
Nagselos ako kahapon sa graduation. May isang babae na lumapit kay Calix, binati siya at nag-usap sila. Ang saya-saya nila, na parang wala na ako doon. Tinangka kong huwag siya pansinin buong magdamag. Tumawag siya, ngunit nauwi lang ito sa isang mainit na argumento.
Nakakainis talaga! Sino ba ang magiging masaya pagnakita mo ang iyong jowa na may kausap na ibang babae, at hindi ba niya alam na tinatangkang i-flirt siya ng babae? Arghh, gusto kung sabunutan ang babaeng iyon sa galit! pero hindi ko din naman ginawa.
Andito nga pala ako sa palengke ngayon, inutusan kasi ako ni Tita na bumili ng mga gulay. Gusto sana akong samahan ni Denise, pero may sakit siya, at si Tita naman ay abala sa pag-aalaga sa kanya.
Habang namimili ako ng talong, bigla na lang may isang babae na yumakap sa akin. Ang bango niya, to be honest.
Humarap ako sa kanya at may kasama siyang lalaki, na nasa twenties na. “Ah, sino po sila?” tanong ko nang nagtataka.
“Lauren?” nagulat ako nang malaman kong alam ng babae ang pangalan ko.
“Sino po kayo? Bakit niyo po alam ang pangalan ko?” nagtataka kong tanong.
“Hindi mo ba kami nakikilala? Ang laki-laki mo na ngayon!” sagot ng babae, na tinitigan ko nang mabuti. Bigla na lamang may lumitaw na memorya sa aking isipan.
“ATE!! KUYA!!” sigaw ko, sabay yakap sa kanila. Miss na miss ko na sila.
“Sa wakas, naalala mo rin kami!” sabi ng kuya ko, nakangiti.
Dahil dito, niyaya ako nila kuya at ate sa isang coffee shop pagkatapos naming mamalengke. Masaya ang kwentuhan, puno ng mga alaala mula sa aming kabataan.
“Tungkol nga pala kay Papa, Lauren,” biglang sabi ng ate ko.
“Ano po yun?” tanong ko, nag-aalala.
“May sakit siya ngayon, nasa ospital siya. Gusto mo bang makita siya?”
“Sige, ate. Gusto ko siyang makita,” sagot ko, na puno ng pag-aalala.
Matapos kaming kumain, sila na ang nagbayad at pumunta na kami sa ospital.
Nagulat ako sa itsura ni Papa. Napansin kong ibang-iba na ang mukha niya; halatang pagod na at payat na siya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
“Papa! Miss na miss ko kayo!” sabi ko, ang boses ko ay puno ng emosyon.
“Lauren, ikaw na ba yan? Ang laki mo na, kamukhang-kamukha mo ang Mama mo,” sabi ni Papa, habang hinahawakan ang pisngi ko bago niya ako niyakap. Sa boses niya, halata ang sakit at panghihina.
Nalaman kong may sakit si Papa—cancer sa dugo, stage 1 daw, ayon sa doktor. Hindi sa ng aano pero sa nakikita ko, parang hindi iyon ang totoo. Halatang may mali sa sinabing stage ng doktor dahil sa itsura pa lang ni Papa; parang nasa stage 3 o 4 na siya.
Ayaw na raw magpagamot ni Papa, kaya uuwi na siya bukas sa kanilang bahay. Ang sakit ng puso ko habang iniisip ang desisyon niyang ito.
Matapos ang pagbisita kay Papa, sinamahan ako nila ate at kuya pabalik sa bahay nila Denise. Binigay nila sa akin ang address ng bahay at ang mga numero nila.
At ng umalis na sila naisip ko, nais ko sanang mag-stay muna sa kanila sa bakasyon, para makasama ko rin si Papa. Sa mga pagkakataong ito, alam kong mahalaga ang pamilya, at gusto kong mapanatili ang mga alaala habang may panahon pa kami.
Maraming bagay ang bumabalot sa isip ko. Ngayon, higit sa lahat, nais kong maipakita ang pagmamahal ko sa pamilya ko habang may oras pa, at handa akong gawin ang lahat para sa kanila.
Tila ang araw na ito ay puno ng sorpresa . Nagkita-kita nga kami ngunit may mga bagay na masakit at kailangang harapin.

YOU ARE READING
I'm tired loving you
Fiksi Remaja私はあなたを愛するのに疲れています When I was a little kid back then. elementary kid,I have a classmate that I have a crush on... yet he have a crush on someone else.... When I become a teenage girl, we met again I don't know what I feel. I don't know if this is sti...