Lauren's Point of view
Kakatapos ko lang maghilamos ng mukha at bababa na ako dahil kakain na kami ayon kay Roxie.
Pagkababa ko, pumunta ako sa kusina at nakita ko na nakaupo na sila Denise at Roxie. Si Meshie naman ay naghuhugas ng kamay sa lababo, kaya umupo na rin ako.
"Kain na tayo! But before that, let's pray muna."
Matapos namin magdasal, kumain na kami at nagkwentuhan, na more like interview.
"So, Meshie, ilang taon ka na? Anong grade mo na?" tanong ko.
"Umm, I'm already 17 years old, grade 11 this year. How about you?"
"Okay, 17 na rin ako, grade 11 rin. Ikaw, Roxie?"
"Me?? I'm just 16 and grade 11! Denise, ikaw?"
"16 too, grade 11 rin!"
"So, guys, anong kukunin niyung strand?"
"HumMS 1!" sabay-sabay namin sagot.
"Omg, HumSS 1 din ako!"
"Kyahh! I think that would be great!"
"Ano pala yung mga rules dito?"
"Ahh, yan. Bawal lumabas pag gabi na. Pag patak ng 10:00, dapat nasa dorm ka na; yun lang ang rules dito."
Matapos namin kumain at magkwentuhan, niligpit na namin ang pinagkainan. Naghugas kami ng plato ni Denise, at si Roxie naman ang nagpunas ng lamesa. Si Meshie, may ginagawa sa kwarto niya; siya ang nagluto, kaya hinayaan na rin namin.
Matapos namin magligpit ng pinagkainan, naisipan naming maglibot sa school. Pababa na kami nang biglang may naisip si Roxie.
"Luh! Guys, wait! Naiwan ko yung phone ko! Kukunin ko lang sa taas. Sige, mauna na kayo sa cafeteria. Kita na lang tayo roon!"
***
Roxie's Point of view
Arghh! Kainis, where is my phone? Now I need to come back to our room. After a few minutes of walking, nakarating rin ako sa kwarto namin. I unlocked the door; buti na lang, hindi ko nakalimutan ang keys.
Pagpasok ko, naghanap ako ng phone ko. Saan ko nga ba nilagay 'to? Five minutes na at hindi ko pa rin siya makita.
"Ugh, I'm thirsty na! I need cold water!"
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng pitcher at glass mula sa fridge. Pagkatapos kong uminom, napansin ko ang phone ko sa ibabaw ng fridge. I immediately grabbed it and locked the door behind me. Kailangan ko na talagang bumaba, kasi baka galit na sila sa akin.
Pagbaba ko sa hagdan at lumiko sa hallway, bigla akong natamaan ng isang tao, at sabay kaming nahulog.
YOU ARE READING
I'm tired loving you
Teen Fiction私はあなたを愛するのに疲れています When I was a little kid back then. elementary kid,I have a classmate that I have a crush on... yet he have a crush on someone else.... When I become a teenage girl, we met again I don't know what I feel. I don't know if this is sti...