Chapter 7: Unexpected Classmate

31 5 0
                                    

"Okay, Calix, pakitanggal ng hood mo para makita ang mukha mo."

"Okay, ma'am."

Nang marinig ko ang sinabi ni ma'am, napatingin ako kay Calix. Nang tanggalin niya ang hood, bumungad ang makinis at maganda niyang mukha. Siya yung nakita ko dati sa puno. Siya nga! Nakakahiya, sana hindi niya ako nakikilala.

Siya pa naman yung elementary crush ko, pero hindi na ngayon, pramis.

"Lauren, psst!"

May tumawag sa akin, kaya napatingin ako. Ahh, si Meshie pala ang tumatawag.

"Oh? Bakit?"

"Siya yung ano mo, di ba?" turo niya kay Calix.

"Shucks! Oo, wag mo ituro, nakakahiya!" mahina kong sabi sa kanya, baka kasi marinig ako.

"Okay class, since you're done introducing yourselves, ako naman, I'm Xhandra Valdosta, you're new adviser for this school year."

Napatingin ako kay ma'am. Hala, tapos na pala mag-introduce ang mga kaklase ko. Hindi ako nakikinig.

Matapos mag-introduce ni ma'am Valdosta, nagturo na siya.

"So class, goodbye!"

Matapos magturo ni ma'am, nag-break time muna kami, at dumating na rin ang susunod na teacher namin. Ganun na naman, introduce, then aral na agad.

Kakaalis lang ng second teacher nang mag-ring ang bell, hudyat na lunch na.

"Kring! Kring!"

"Tara, lunch na tayo sa caf!" sabi ni Roxie, at sabay-sabay kaming tumayo nila Meshie at Denise.

Paglabas namin ng classroom, may lumapit sa amin na lalaking naka-uniform. STEM ang nakalagay, kaya nagtataka ako kung bakit nandito siya.

"Umm, miss," sabi ng lalaki kay Meshie.

"Po?"

"Kaklase niyo ba si Calix?"

"Sino pong Calix? Maraming Calix sa mundo, at sino po kayo?" sagot ni Roxie nang sarcastic.

Kami ni Denise nakatingin lang sa kanila, natatawa.

"Axson Clark del Vale, miss. Si Calix Spencer Alfonso, kaklase niyo ba?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi na nakasagot si Meshie o Roxie dahil lumabas na rin si Calix.

"Uyy pre, ang tagal, kanina pa kita hinahanap!" sabi ni Axson kay Calix.

"Tsk," sagot ni Calix, medyo nakakainis ang tono.

"Tara na," sabi ni Roxie, kaya umalis na rin kami at hinayaan na ang dalawa.

Papunta kami sa cafeteria, pero habang naglalakad, nagtanong si Roxie at Meshie.

"So ano 'yung binubulong-bulong niyo sa isa't isa kanina, Denise, Lauren?"

"Ahh... si ano... si... ano yun..." parang ewan kong sagot, patigil-tigil, nahihiya kasi ako. Sumagot naman si Denise.

"Ahh, yung kanina?"

"Oo, sino nga? Hahaha, yieee, may tinatago!"

Sabi ni Roxie habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko.

"Crush yun ni Lauren dati, si Calix, yung hinahanap ni Axson."

"Shucks, bakit mo sinabi, Denise?" Natatawa akong nagtanong.

"Hahaha, talaga? Ayieee?"

"Pati ha naman ikaw, Meshie?"

"Hahaha, crush mo pa siya ngayon?"

"Hindi na," sagot ko, pinipigilang mapahiya.

"Weh?"

Sa wakas, nakarating rin kami sa cafeteria at naghanap ng mauupuan. May mga vacant pa naman dahil kami lang namang grade 11 at 12 ang nag-lunch.

Doon kami umupo malapit sa wall na may katabing bakanteng lamesa at upuan.

"Ako na mag-oorder. So, ano sa inyo?" tanong ni Roxie.

"Adobo, one and a half rice, iced tea, juice, and blueberry pie," sabi ni Meshie.

"Okay, got it. Denise, ano sayo?"

"Spicy chicken, 2 pieces, one rice, pineapple juice, and one slice of blueberry cheesecake."

"Okay, sayo Lauren?"

"2 pieces of chicken wings, spicy flavor, one rice, Coke, tempura shrimp, and strawberry muffins."

"Okay"

Umalis na si Roxie at nakipila sa counter. Habang hinihintay namin siya, nakita kong pumasok sina Calix at Axson, pero may kasama pa silang tatlo. Papunta sila sa gawi namin, at habang papalapit sila, para akong kinakabahan.

Nagulat ako nang umupo sila sa bakanteng upuan malapit sa amin, kaya napaiwas ako ng tingin.

"Pre, yun yung kaninang tinanong ko, oh. Hahaha!" sabi ng isa, siguro si Axson, kaya napatingin ako sa gawi nila. Nagkukwentuhan yung dalawa, si Calix tahimik lang, parang may hinihintay.

Maya-maya, dumating na si Roxie na may dalang tray ng mga order namin.

"Pakilagay na lang po diyan sa table, kuya at ate," sabi niya sa crew.

"Okay po, ma'am. Wait lang po, kunin ko yung isa. Tara, Pia," sagot ng crew na babae.

Natatarantang sumunod naman ang crew. Bumalik na rin si kuya, at isa na lang ang kulang.

"Ito po, ma'am."

"Okay, kuya, thank you po."

"Okay po."

Umalis na si kuya at naupo na rin si Roxie. Nagdasal kami at sinimulan na rin ang aming lunch.

I'm tired loving youWhere stories live. Discover now