Roxie Point of view
Katatapos ko lang ayusin ang sarili ko at binalik ko na kay Lauren ang gamit niya. Hinihintay na lang niya ako. Lumabas na kami ng CR at bumalik sa table namin. Naabutan namin sila na nagtatawanan.
Umupo ako pabalik sa dating kong pwesto, at ganoon din si Lauren. Tapos na akong kumain kanina pa kaya nag-scroll na lang ako sa Facebook sa phone ko. Nagulat ako nang biglang lumapit si Zaren. Hindi kami close, pero kapag tinitingnan ko ang mata niya, parang may kakaibang pakiramdam. Parang kilala ko na siya dati.
Hindi naman ako masama, kaya kinausap ko rin siya.
“Roxie,” sabi niya.
“Yes?”
“Do you know me? O nagkita na ba tayo dati? Did we meet before?”
“Of course,” sagot ko.
“Talaga! When?” tanong niya, mukhang excited. Napatingin ulit ako sa mata niya. Biglang lumiwanag ang mga mata niya—masaya.
“When we bumped at the hallway,” sabi ko. Pagkasabi ko nun, biglang nawala ang saya sa mata niya. Naging malungkot, parang may hinahanap.
Anong nangyayari sa kanya? Bakit parang may kakaiba?
“Okay,” sagot niya nang matamlay, at hindi na niya ako kinausap ulit. Bumalik na lang ako sa phone ko hanggang sa mag-aya na silang umuwi. Bago kami umalis, binayaran na ni Calix ang bill namin. Libre na daw niya—syempre siya na ang mayaman.
Lumabas kami ng coffee shop at bumalik sa kotse. Pareho lang ulit ang seating arrangement namin. Habang nasa biyahe, pumikit ako. Inaantok na ako, alas-siete na kasi. Dalawang oras din kami sa shop.
Nakatulog na ako ng konti nang ginising ako nina Denise at Lauren nang nasa parking lot na kami. Bumaba kami ng kotse at sabay-sabay na pumasok sa gate. Nandoon si guard, binati namin siya bago naglakad ulit papunta sa dorm.
Pagdating sa hagdan papunta sa second floor, nagpaalaman kami. Hinatid pa nila kami.
“Thank you, good night,” sabi ko.
“Thank you rin, see you tomorrow, good night,” sabi nila.
Pagkatapos magpasalamat sa isa’t isa, umakyat na kami at pumasok sa dorm namin. Pagpasok, diretso na ako sa kwarto ko. Hindi na ako kumain dahil busog pa ako. Naligo lang ako ng half bath, nagpalit ng pantulog, at pinatay ang ilaw bago matulog.
***
Lauren's Point of view
Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Lahat kami naging close sa isa’t isa. Lagi kaming magkakasamang nagha-hangout, nagchi-chill, nagpa-party, at nag-aaral.
Masasabi ko na nasa magandang kalagayan na ang lahat.
Si Calix, nanliligaw na sa akin.
Si Zaren at Roxie, laging nagtatalo, nagsisigawan, at nagtutuksuhan.
Sina Denise at Kevin naman, mukhang nagkaka-kilala na, pero mas nalilito ako kay Denise at Zaren kasi mas close sila kaysa kay Kevin. Hindi ko alam kung bakit.
At... sina Axson at Meshie, sila na.
Hindi ko alam kung paano sila nagka-close, parang bigla na lang. Nag-announce sila ng surprise nung birthday ni Zaren.
Kapag namimiss ko ang Mama ko, nandiyan ang mga kaibigan ko. Pero iba kapag si Calix ang nandiyan para sa akin.
Kapag mababa ang score ko sa quiz, nandiyan siya, nagtuturo at nagko-comfort.
Kapag marami kaming projects, nakikinig siya sa lahat ng rants ko.
Lagi siyang nandiyan...
Hanggang sa dumating ang araw na inamin niya ang feelings niya para sa akin. Pinakilala ko siya sa Mama ko, kahit sa phone lang. Pumayag naman si Mama na pwede niya akong ligawan.
At balak kong sagutin siya sa birthday ko.
Ngayon, Halloween na. November na, at malapit na ang Pasko.
Naghahanda ako ng costume ko para sa Halloween party sa campus. Demon costume for girls ang napili ko. Lahat ng schools invited sa event na 'to.
6:30 na, at magsisimula ang party ng 7:30. Pagkatapos kong mag-ayos, naligo ako at nagbihis ng costume ko. Thank God, maganda naman ang fit sakin.
Pagkatapos kong mag-ayos, lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa sala. Nandoon na sina Denise, Roxie, at Meshie.
Si Denise, naka-angel costume.
Si Roxie, naka-witch costume, may walis pa siyang prop.
Si Meshie naman, naka-doll costume, bagay talaga sa kanya, pero creepy doll costume ito. Alam mo yung mga dolls sa horror movie na "Maria, Leonora, at Theresa"? Ginaya niya yung suot ni Maria.
Naghihintay kami ng mga boys dahil susunduin daw nila kami. Hindi ko alam kung ano ang costume nila, hindi kami nagplano, even Calix, wala akong idea.
YOU ARE READING
I'm tired loving you
Teen Fiction私はあなたを愛するのに疲れています When I was a little kid back then. elementary kid,I have a classmate that I have a crush on... yet he have a crush on someone else.... When I become a teenage girl, we met again I don't know what I feel. I don't know if this is sti...