Chapter 2: The Distance That Change Everything -A New Beginning

55 5 0
                                    

Then years had passed…

Ngayon ay nasa ika-pitong baitang na si Lauren, at best friends pa rin sila ni Denise. Patuloy pa rin ang paghanga niya kay Calix Spencer, at kahit hindi niya maintindihan, hindi niya mapigilan ang nararamdaman para sa kanya. Gustung-gusto niyang makita si Spencer araw-araw. Magkaklase pa rin sila noon, pero may nangyaring masama sa buhay ni Lauren. Nag-away ang kanyang mga magulang at nauwi ito sa hiwalayan. Nasaktan siya ng husto at hindi na napigilan ang pag-iyak. Ang tanging hiling niya ay maibalik ang pagmamahalan ng kanyang mga magulang at maging isang masayang pamilya muli, pero iyon ang desisyon ng mga magulang niya at wala siyang magagawa upang pigilan ito.

Nang maghiwalay ang kanyang mga magulang, sumama siya sa kanyang ina, habang ang kanyang kuya at ate ay sumama sa kanyang ama. Lumipad sila patungong Amerika, kung saan naninirahan ang kanyang lola. Kailangan niyang lumipat sa bagong paaralan at hindi na rin niya alam kung saan pumunta ang kanyang mga kapatid at ama. Kahit malayo na siya at nasa Amerika, patuloy pa rin ang komunikasyon nila ni Denise, na nanatili sa Pilipinas. Madalas silang mag-chat at mag-video call, nagsasalita tungkol sa kanilang mga buhay, mga guro, at syempre, si Calix. Laging nagpapadala si Denise ng mga litrato at mensahe na naglalaman ng mga kwento ng kanilang mga kaklase, na nakakainggit kay Lauren.

Anim na taon ang lumipas, at si Lauren ay nasa Pilipinas na muli. Nasa airport siya, naghihintay kay Denise, na nagsabing siya ang susundo at pansamantalang mananatili si Lauren sa kanilang bahay. Gabi na noon, at magaan ang pakiramdam ni Lauren na bumalik sa kanyang bansa. Pero sa likod ng kanyang ngiti ay ang takot na hindi na siya magiging katulad ng dati. Ang kanyang ina ay may malubhang karamdaman at nanatili pa rin sa Amerika para magpagaling. Nais ni Lauren na makasama ang kanyang ina ngunit alam niyang kailangan niyang maging matatag para sa kanilang pamilya.

Habang naghihintay si Lauren, luminga-linga siya at maya-maya pa'y nakita niyang tumatakbo si Denise papunta sa kanya. Agad siyang niyakap ng mahigpit ng kaibigan.

“Lauren, miss na miss na kita! Marami akong sasabihin sa’yo!” sigaw ni Denise, puno ng saya at sigla.

“Denise, namiss din kita pero pwede bang tigilan mo muna ang pagyakap? Hindi ako makahinga,” natatawang sagot ni Lauren, ngunit sa totoo lang, ang yakap ni Denise ay nagbibigay sa kanya ng comfort na matagal na niyang hinahanap.

“Oo nga, sige na, tara na. Naghihintay na rin si Mama, miss ka na rin niya.”

Sumakay sila sa isang Porsche kasama si Manong Ronnie. Naipit sila sa trapiko ng ilang minuto, kaya nagkwentuhan na lang sila ni Denise. Habang nagkukwentuhan, naisip ni Lauren na ang tagal na nilang hindi nagkita. Ang mga tawanan, ang mga lihim na kanilang pinagsaluhan, at ang mga pangarap na kanilang pinag-usapan ay tila bumabalik sa kanya.

“Anong mga nangyari sa iyo? Anong pinagkakaabalahan mo?” tanong ni Lauren kay Denise.

“Ang dami! Nag-join ako sa cheerleading team, tapos ang galing-galing na ng coach namin! Nakakatuwa. Ikaw, anong pinagkakaabalahan mo sa Amerika?” tanong ni Denise.

“Ah, nag-aral ako. Marami ring nangyari. Pero namiss ko ang mga ganitong usapan,” sagot ni Lauren, puno ng pangungulila sa mga kaibigan.

Ilang sandali pa, nakarating na rin sila sa bahay nila Denise, isang modernong bahay na medyo malaki. Sinalubong sila nina Tito at Tita sa malaking pintuan.

“Hi Lauren, miss ka na namin! Pasok ka muna, malamig dito,” bati ni Tita, ang kanyang boses ay puno ng saya.

Pumasok sila sa sala, at agad na niyakap ni Lauren si Tita.

“Tita, miss na miss na kita! Ang ganda niyo pa rin po,” sabi ni Lauren na may ngiti.

“Miss na miss ka rin namin, Lauren. Salamat, maganda ka rin,” sagot ni Tita, sabay tawa. Ang kanilang masayang usapan ay tila nagbigay liwanag sa puso ni Lauren, na puno pa rin ng lungkot sa kanyang sitwasyon.

“Uhm, Tita, nasaan po si Alliah?” tanong ni Lauren, sabik na makita ang nakababatang kapatid ni Denise.

“Natutulog siya sa kwarto. Kanina pa siya excited nung nalaman niyang babalik ka sa Pilipinas. Hindi mapakali kakahintay sa’yo, kaya napagod din siya. Pero magpahinga ka muna, Lauren, habang nagluluto ako ng hapunan.”

“Huwag na po, Tita, okay lang po ako,” sagot ni Lauren, ngunit natigilan siya sa sumunod na sinabi ni Tita.

“Hindi pwede, magpahinga ka muna. Alam kong pagod ka sa biyahe,” sabi ni Tita.

Napatingin si Lauren kay Denise, umaasa na ipagtatanggol siya ng kaibigan. “Lauren, tama si Mama. Pahinga ka muna, tutulungan ko lang siya sa kusina,” sabi ni Denise na tumatawa, tila nagiging balwarte ng kanyang mga magulang si Denise.

“Sige na nga, sa guest room ako matutulog,” sagot ni Lauren habang naglalakad papunta sa hagdanan patungo sa second floor.

Si Kathleen Alliah ay nakababatang kapatid ni Denise, anim na taong gulang, cute, at masayahing bata. Nakilala ni Lauren si Alliah noong nagbakasyon sila Tita at Tito sa Amerika kasama si Denise. Naalala niya ang mga araw na magkakasama silang naglalaro at nag-aaral.

Pagkalipas ng ilang oras, ginising si Lauren ni Denise at tapos na silang kumain. Hatinggabi na noon. Pagod si Denise kaya natulog na siya, ngunit si Lauren ay hindi pa makatulog. Iniisip niya ang kanilang bagong paaralan. Plano nilang mag-enroll ni Denise kinabukasan. Naalala niya si Calix, na sa kabila ng kanyang mga pagsubok, ay nanatiling nasa kanyang isip. Magiging mahirap ang lahat, pero sa kanyang puso, umaasa siyang makikita siya ni Calix muli.

Habang iniisip ang lahat ng nangyari, nakatulog na rin si Lauren. Sa kanyang mga panaginip, naroon si Calix, at sa bawat ngiti nito ay tila umaabot ang kanyang puso, umaasang kahit sa mga panaginip, ang distansyang humiwalay sa kanila ay hindi hadlang sa kanilang pagkakaibigan.

I'm tired loving youWhere stories live. Discover now