CHAPTER 1

64 2 0
                                    


"Ano ba James, pwede bang tantanan mo na ako?" Inis na sigaw ko sa lalaking sunod ng sunod  sa akin. At alam kong nakaka agaw na kami ng atensyon dahil masyado talagang epal ang lalaking Ito.


"No! Shelie hindi kita titigilan hanggat hindi ka nakikipag usap sa akin." Desperadong saad nya.

Inirapan ko lang sya at nag patuloy ulit sa pag lalakad, dahil sa pangungulit nya iniwan ko ang mga kaibigan ko sa cafeteria hindi ko tuloy natapos ang lunch ko. wala na akong pakealam kahit maraming nakatingin sa akin. at ramdam ko din na sumusunod pa rin sya sa akin.

Napahinto ako nang hawakan nya ako sa braso at sapilitan akong pinaharap sakanya.

"Ano bang problema mo?" Inis na tanong ko.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko kasi ayaw mo akong hayaan mag paliwanag."



Nag bibiro ba sya? Ano pa ipapaliwanag nya kung malinaw pa sa tubig ulan ang kagaguhan nya? Tss.

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo, gawin mo ang gusto mo. tsaka baka nakakalimutan mo, dahil sa dare kaya lang naman  naging tayo." Matabang kong sabi.

Hindi ko naman talaga gusto ang laro nayun pero yun ang dare ng mga classmates namin kaya pumayag na ako. Kesa naman sumayaw ako sa Field dito sa Campus. Mas lalong nakakahiya yun.

"Pero hindi laro ang nararadaman ko sayo." ayoko ng malaman kung ano ang sinasabi ng mga mata nya dahil walang mag babago sa video na napanood ko habang nakikipag lampungan sya sa babae.


"Ah! Talaga ba? kaya pala nag eenjoy ka habang nakikipag halikan sa Ibang babae." Sarkastikong sabi ko.

May pilyong ngiti na sumilay sa kanyang labi, at mukhang hindi ko magugustuhan ang lalabas sa kanyang bibig.

"Are you jealous?" Ngising tanong nya na ikinatawa ko.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya, dahil wala naman akong pakealam. Bahala sya kung ano ang gusto nyang isipin ang gusto ko lang makaalis na sa harapan nya.

"Pag ako hindi mo pa binitawan sasapakin kita." Seryosong banta ko at pilit na hinahatak ang braso ko.

"Mag usap na tayo please shelie." Pakiusap nya.


"Ayokong makipag usap sayo, at mas lalong ayoko ng makita ang pag mumukha mo." Sigaw ko. Wala na talaga akong pakealam kung may makarinig sa akin.

Pilit kong tinitanggal ang kamay nya sa braso ko dahil nasasaktan na din ako sa higpit ng hawak nya.

"Ano ba! Nasasaktan na ako. "

"Mag usap tayo--"

"Get your hands off my woman." Baritonong boses ng lalaking nanggaling sa aking likuran.

Nilingon ko Ito at deretso ang tingin nya sa mga mata ni James. nag lakad sya papalapit at kinuha nya ang braso ko sa pagkakahawak ni James.

Pero ano nga ba ang sabi nya kanina? My woman? Eh! Hindi ko nga sya kilala eh. Pero okay na rin yun, at least makakatakas na ako kay James.

"Sino kaba?" Maangas na tanong ni James. Nginisihan lang sya Ng Estrangherong lalaki. Hindi ko sya nakikita dito sa Campus at hindi rin sya naka uniform katulad namin. pang Business attire ata ang suot nya at ang gwapo nya. Gwapo din naman si James pero mas gwapo ang Estrangherong lalaking Ito kahit hindi ko pa napag mamasdan ng maiigi.

Nagulat ako ng hawakan nya ako sa bewang at hapitin papalapit sa kaniya.

"I'm her boyfriend." Sagot nya na ikinalaki ng mata ko.
Tumingin sa akin si James na parang gustong kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi ng lalaking estranghero na'to. Naramdaman ko ang marahan nyang pag pisil sa bewang ko na parang pinapahiwatig na" oo "ang isagot ko. Kaya naman taas noo akong tumingin kay James.

"Oo, boyfriend ko sya." Taas noong sagot ko, at sana lang talaga maniwala sya para tigilan na nya ako.

"Tss. Hindi ako naniniwala." Ngising sabi nya.


"Wala akong pake kung manewala ka o hindi. " Mataray kong sabi.

"Ako ang boyfriend mo Shelie."

"Fake boyfriend." Pag tatama ko.

"Boyfriend mo parin ako." Pag pupumilit nya.

"Siya ang boyfriend ko." Sabay turo sa lalaking katabi ko. Hindi ko alam ang pangalan nya kaya tinuro ko na lang sya.


"Stay away from my girlfriend." Seryosong singit ng lalaking estranghero sa pag tatalo namin ni James.

"Ako ang boyfriend ni Shelie." Pag mamatigas nya at sinubukan pa akong hilahin ngunit agad akong naiiwas ng lalaki at kasabay non naramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa nya. hindi ko magawang gumalaw dahil sa gulat at  narinig ko pang napasinghap si James.

Marahan nya pang kinagat ang ibabang labi ko bago nya bitawan. Nakatulala lang akong nakatingin sakanya kahit nakalayo na ang labi nya sa labi ko.

"I'll pick you up after your class." Sabi nya ginulo pa nya ang buhok ko bago tumalikod. Nagkatitigan pa sila ni James bago sya tuluyan umalis.

Tiningnan ako ng masama ni James at umalis na rin. Kaya naman naiwan ako mag isa na tulala at hindi makapaniwalang....


Nahalikan ako ng isang  lalaking estranghero.





Eye Love You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now