Nung araw din ng pagkapanganak ko binalita sa akin ni mommy na may eye donor na daw ako. sobra akong natuwa dahil sa wakas makakakita na ako. Makikita ko na ang mga anak ko at higit sa lahat makikita ko na si Theo. gusto ko ako ang mag aalaga sa kanya habang nag papagaling siya. kaya kailangan kong ikondisyon ang sarili ko at mag palakas para masimulan na ang operasyon.
Nahihirapan na rin ako sa araw araw. Dahil hindi ko mabuhat ng matagal ang mga anak ko. Hindi ko sila masolo dahil sa kalagayan ko.hindi ko mapigilan na maiyak tuwing gabi dahil pakiramdam ko wala akong kwentang ina. ako dapat ang nag aalaga sa mga anak ko at asawa ko pero ito ako. Kasama sa mga alagain.
"Anak kumain kapa, kailangan mo mag palakas." Si mommy habang sinusubuan ako.
Kinain ko na lang ang sinusubo ni mommy para mabilis ako makabawi ng lakas.
"Mom, ano po itsura ng baby namin ni theo?" Excited kong tanong na may ngiti sa labi.
"Parehas nila nakuha ang mata ni Theo. si Crelthea kamukha mo. at si Shankiel naman kamukhang kamukha ni Theo." Pag kukwento ni mommy.
Natawa ako. dahil yung mata talaga ni Theo ang pinaglihan ko non. sobrang ganda kasi kaya ayon, nakuha ng dalawa naming anak.
"Ang saya siguro ni Theo nung nakita niya ang mga anak namin." Sabi ko pa.
Naiimagine ko ang mukha ni Theo habang buhat buhat ang mga anak namin. siguro kumikinang na naman sa tuwa ang magagandang mata niya habang nakatingin sa kambal namin.
Hindi na sumagot si mommy at nag patuloy lang sa pag subo sa akin. hanggang sa makatulog ako hindi na rin nawala ang ngiti sa aking labi.
Dumating ang araw ng operasyon ko. Kahit kinakabahan sinawalang bahala ko dahil sa kagustuhan na makakita. pag naging successful ang operation ko pupuntahan at pasasalamatan ko talaga ang pamilya ng eye donor ko at ipapangako na iingatan at aalagaan ko ang mata na pinagkaloob sa akin.
Excited na akong makita at maalagaan ang mag ama ko. Alam ko naman na pag subok lang ang mga nangyari sa amin. at ito na nga, ilang araw na lang makakakita na ako.
Nawalan ako ng malay nang mag umpisa ang operasyon. Nang magising ako may nakatakip sa mata ko.
"Hmm!" Ungol ko dahil parang may pumipigil sa akin mag salita.
"Anak! thanks lord." Naiiyak na sambit ni mommy.
"Anak, can you hear us?" Boses ni daddy. Mabagal akong tumango.
"Anak wag mong pilitin gumalaw o mag salita okay?" Paalala ni mommy at tumango ulit ako.
Sabi nila mommy hindi pa nila alam kung successful daw ba ang operation ko dahil kailangan munang matanggal ang nasa mata ko bago malaman.
Lumipas ang isa pang linggo ng tanggalin na ang nasa mata ko.
"Slowly open your eyes." Utos ng doctor na siyang ginawa ko.
Medyo blurd ang paligid ng maidilat ko pero uti unti din naging malinaw, gusto ko maiyak pero agad nag salita ang doctor.
"Don't cry Mrs. Lekezo."
Pinigilan ko ang pag iyak ko at inilibot ang paningin sa paligid. gusto ko talaga maiyak sa sobrang saya lalo na nung makita ko si mommy at daddy. Mukhang pinipigilan din nila na wag umiyak para hindi ako magaya sa kanila.
Nang matapos non, pinag pahinga muna nila ako dahil bawal daw akong masobrahan ng kilos at kailangan kong ipahinga din ang mata ko. sinusunod ko ang mga utos nila para agad akong gumaling.
Nang magising ako buhat buhat ni mommy at daddy ang kambal. Ang sarap sa pakiramdam dahil nakikita ko na sila.
"Mga anak ko." Bulalas ko nang mailapit nila sa akin ang kambal. Gusto ko sana umiyak nang makita ko ang mga anghel ko pero pinigilan ko.
nagising si Crelthea at bumukas ng maliit ang mata niya. Nag umapaw sa saya ang puso ko ng makitang kuhang kuha nga talaga niya ang mata ng daddy niya. Sunod kong tiningnan si Shankiel kamukhang kamukha siya ni Theo tulog siya kaya hindi ko makita ang mga mata. Pero sapat na yun dahil nakikita ko na sila sa wakas.
Gusto ko sana sila buhatin kaya lang hindi pwede dahil Baka ma pwersa ako. Kaya sa ngayon hanggang tingin at hawak lang muna ako sa kanila. pag naging okay na ako babawi ako sakanila.
Kamusta na kaya si Theo? Sobrang miss ko na si Theo.
Mag iisang buwan ko na siyang hindi nakikita at nahahawakan.Nag angat ako ng tingin kela mommy at daddy. Pwede naman ata ako ilagay sa wheelchair para makapunta kay Theo diba?
" Mom,dad." Tawag ko sakanila at agad naman silang tumingin sa akin. " Gusto ko pong makita si Theo." Sabi ko.
Nag iwas ng tingin si daddy at si mommy naman halo halong emosyon ang nasa mata. hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kaba, takot at pananabik na makita ang aking asawa.
"Mom,may problema ba?" Kinakabahan kong tanong.
"Dad! Gusto kong puntahan si Theo." Baling ko kay daddy.
Bumuntong hininga si daddy bago mag salita, pero hindi pa rin makatingin sa akin.
"Dinala si Cristheo sa America para ipagamot."

YOU ARE READING
Eye Love You [COMPLETED]
Short StoryNangako kang sabay tayong tatanda, Mag sasama sa hirap at ginhawa. Pero bakit pag gising ko wala kana? At ang sakit isipin na, hindi na pala kita makakasama sa pag tanda. ________ Ako si Shelie Kin Villaruz Lamvagan 20 years old 3rd year College