Nang magkaroon ako ng malay unti unti kong binuksan ang mga mata ko. nakabukas na ang talukap ng mata ko pero madilim pa rin ang nakikita ko. Kaya pumikit ulit ako at dumilat. Ilang beses kong ginawa yun pero nabibigo lang ako dahil purong dilim lang ang nakikita ko. Anong nangyari? Bakit wala akong makita?
"Shelie Anak." Boses ni mommy yun.
"Anak may masakit ba sa'yo?" Nag aalalang tanong niya. Pero hindi ako makasagot dahil pilit ko siyang inaaninag kahit ramdam kong nasa gilid ko lang siya.
Bakit hindi ko makita si mommy?
Ano ba talaga ang nangyayari?"M-mommy." Natatakot kong tawag.
"Yes, anak I'm here." Sabi ni mommy at hinawakan ang kamay ko.
"Mommy, a-ano pong nangyayari? B-bakit... Bakit wala akong makita?" Kinakabahan kong tanong.
"Ha? Anong wala kang makita?" Naguguluhang tanong ni mommy.
Hindi ko na mapigilan na umiyak." Mommy w-wala po akong m-makita." Sumbong ko. narinig ko ang pag iyak ni mommy na parang pati siya hindi makapaniwala.
"M-mommy wala akong makita." Umiiyak na ulit ko.
"Mommy na t-tatakot ako. mommy a-ayoko! ayoko." Malakas akong napahagulgol. Niyakap ako ni mommy at parehas na kaming humahagulgol.
Napatigil ako ng maalala si Theo at ang mga baby namin.
"Mommy, y-yung baby ko po? K-kamusta sila?" Natatakot kong tanong. ayokong may mangyaring masama sa mga anak ko. Hindi ko kakayanin. Sana, sana okay lang sila.
"Maayos ang mga baby mo anak. Dahil hindi naman nasugatan ang tiyan mo." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni mommy." Dinugo ka lang ng konti pero okay naman na." Dagdag niya pa.
"Si T-theo po?" pigil hininga kong tanong at umaasa na sana okay lang din siya.
"N-nagising na s-siya.." parang nahihirapang sagot ni mommy pero hindi ko na pinansin dahil ang mahalaga okay din ang asawa ko.
Bumalik ako sa pag iyak ng maalala na hindi ako makakita. hindi ako pwedeng mabulag, kailangan kong alagaan ang mga anak ko at ang asawa ko. hindi ko magagawa yun kung bulag ako. Ayokong maging pabigat.
Pinilit akong pakainin ni mommy para din daw sa baby ko yun. Kaya kahit wala akong gana kumain ako.
Nang matapos hindi ko na naman napigilan ang pag iyak hanggang sa makatulugan ko na lang.Nang magising ako dilim pa rin ang sumalubong sa akin. napatulala lang ako at nananalangin na sana makakita ako bago manganak. gustong gusto kong bisitahin si Theo pero sabi nila kailangan daw nito mag pagaling. sumang-ayon na lang ako dahil para din yun sa kaligtasan ni Theo.
"M-mommy." Mahinang tawag ko.
"Bakit anak?" Alarma niyang tugon.
"M-mkakakita pa n-naman ako d-diba?" Umaasang tanong ko.
"O-oo naman a-anak. Nag hahanap na kami ng daddy mo ng eye donor mo." Sagot ni mommy. Nanghihina akong napangiti akala ko habang buhay na akong bulag.
"Mom, kamusta na po si Theo?"
Matagal bago makapag salita si mommy. "O-okay lang n-naman siya." Nauutal na sagot ni mommy. nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko na inintindi dahil sabi nga ni mommy okay na daw si Theo.
Theo kailangan malakas na tayo bago lumabas ang mga baby natin. Para sabay natin bubuhatin ang mga anak natin. Hindi na ako makapag hintay na makitang buhat mo sila habang may ngiti sa labi. Sabi ko sa isip ko.
Kinabukasan nanakit na ang tiyan ko kasabay ng pag sabog ng tubig sa loob ko. mukhang panubigan ang pumutok.
"M-mommy!." Medyo malakas kong tawag dahil hindi ko na kaya. Sobrang sakit na ng tiyan ko.
Dahil sa walang silbi kong mata nahihirapan akong aninagin ang mga tao sa paligid, pero rinig ko ang pagkataranta ng mga tao."A-anak kumalma ka lang." Si mommy pero ramdam ko ang takot sa boses.
"Ma... Ang sakit na." Nahihirapan kong wika dahil humihilab na talaga at parang lalabas na.
Narinig kong hindi ako pwedeng manganak ng normal dahil sa kondisyon ko kaya cene-cesarean ako.
Sobrang hinang hina ako ng matapos mailabas ang mga anak ko. Pero agad din napangiti ng marinig ang iyak ng mga anak ko. tumulo ang luha ko at hindi maiwasan malungkot dahil wala si Theo sa tabi ko. ito pa naman ang pangarap namin yung sabay namin bubuhatin ang mga anak namin.
Theo, naipanganak ko na ang mga baby natin.
Kaya sana maging maayos na ang lahat.

YOU ARE READING
Eye Love You [COMPLETED]
ContoNangako kang sabay tayong tatanda, Mag sasama sa hirap at ginhawa. Pero bakit pag gising ko wala kana? At ang sakit isipin na, hindi na pala kita makakasama sa pag tanda. ________ Ako si Shelie Kin Villaruz Lamvagan 20 years old 3rd year College