Mukhang seryoso talaga ang lalaki nayun na maging girlfriend ako. Aba hindi lang isa o dalawang beses ako sinundo kundi araw araw. as in walang palya. kaya sinakyan ko na lang ang trip nya na maging girlfriend at boyfriend ko sya. tinigilan na din ako ni James at naging tahimik na ang pag aaral ko. Minsan nakikita ko sya iba't ibang babae ang kasama. Pero wala naman akong pake, mas okay nayun kesa ako ang ginugulo.
Sa bawat araw na nakakasama ko sa Cristheo medyo nakikilala ko na din sya. palagi kaming kumakain sa labas at mahilig sya sa strawberry. minsan nga may baon pa yun sa kotse tapos kumakain habang nag dadrive.
Magaan ang loob ko kay Cristheo, at hindi malabong hindi ako mainlove sa kanya lalo na sa mga ginagawa niya para sa akin.
"Are you thinking of me?" Biglang tanong ni Cristheo.
Napatingin ako sakanya at ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. Kasusundo nya lang sa'kin sa campus, at hindi ko alam kung ihahatid naba nya ako sa apartment ko o hindi pa.
"Ha? ang kapal mo. Bakit kita iisipin?" Depensa ko at nag iwas ng tingin. narinig ko ang sexy nyang paghalakhak.
"Why are you smiling?" Natatawa nyang tanong ngunit mahihimigan ng pang aasar ang boses.
Napaawang ang bibig ko. Ano daw? Ako nakangiti? Oo tama sya, iniisip ko nga sya pero hindi ko alam na napapangiti pala ako. Mas lalo ko naramdaman ang pag init ng mukha ko at nangangapa kung ano ang ipapalusot.
"Tse! Mag drive ka na lang nga." Yun na lang ang sinabi ko at humarap sa bintana.
Makaraan ang ilang minuto nag taka ako dahil huminto kami sa Super market. Anong gagawin namin dito? Mag go-grocery ba sya?
Lumabas sya ng driver seat at pinag buksan ako ng pintuan.
"Let's go my wife." Nakangiting aya nya na ikanalaki ng Mata ko.
"Anong my wife? Hindi mo ako asawa." Hindi ko pinansin ang kamay nyang nakalahad pala at kusa akong bumaba at nauna sa pag pasok sa loob ng super market. Loko talaga ang lalaki nayun, daig pa adik.
"Wait, hon!" Narinig kong sigaw nya at humabol sa akin nang maabutan nya ako hinawakan ako sa bewang. Piste, nakakahiya dahil may mga taong napatingin sa amin. Kinurot ko sya sa tagiliran at pinandilatan ng mata.
"Ano bang pinag sasabi mo?" Mahina ngunit gigil na tanong ko, matamis nya akong nginitian. tangina? Ang gwapo talaga ng lalaki na'to. Parang gusto kong itago sa bulsan ko para hindi na maagaw ng iba.
Hindi nya ako pinansin at napatingin sa mga taong nakatingin sa amin.
"Pasensya napo, nag tatampo po kasi ang buntis kong asawa." Malakas na sabi nya sa mga tao.
Napapikit ako at madiin na pinag dikit ang mga ngipin. anong nakain ng lalaking Ito? Kung ano anong lumalabas sa pasmadong bibig.
Medyo lumapit ako sa kanya para marinig ang ibubulong ko.
"Humanda ka sa akin mamaya---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis na lumapat sa labi ko ang labi nya. Nanlaki ang mga mata ko at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil ba sa kahihiyan o ano.
Narinig kong tinutukso kami ng mga tao sa paligid.
Hindi na ako mag tataka kung sobrang pula na ng mukha ko."Sshh, wag na mag tampo hon, baka mapano ang baby natin." Sabi pa nya at hinawakan pa ang tiyan ko bago ako iginaya para makapag lakad.
Kumuha siya ng cart. Hindi na ako nag tanong kung ano ang bibilin nya baka siguro wala na siyang stock sa condo nya kaya mag go-grocery na sya. nakasunod lang ako sakanya at sya ang namimili ng mga binibili nya. masyadong mamahalin ang pinipili nya.
"Do you know how to cook?" Tanong nya kaya napatingin ako sa kanya. hindi sya nakatingin sa akin dahil pumipili sya ng manok pero alam kong ako ang tinanong nya. Alangan na ang manok? Tss.
"Oo naman." Marami akong alam lutuin dahil simula mag college ako naging independent ako. nasa abroad si mommy at daddy at may kuya din ako pero may asawa na. Marami ngang nag tataka dahil 20 yrs old pa lang ako pero 3rd year college na ako. nung highschool kasi ako nag take ako ng exam para ma accelerate ako ng 2 years. masyado daw kasi akong advance dahil yung mga hindi pa tinuturo napag aaralan ko na.
Ngitian ako ni Theo at inirapan ko lang sya. Lagi kong dinadaan sa irap pag kinikilig ako, syempre ayokong malaman nya na nagkakaroon sya ng epekto sa akin.
Nang matapos sya nag punta na kami sa counter at nag bayad. Pagkatapos non bumalik na kami sa kotse nya at tinahak ang dereksyon ng tinitirahan kong apartment.
Nang makarating kami inayos nya ang pag paparada ng kotse nya sa tapat ng apartment ko. Lumabas sya at pinag buksan ako.
"Thank you, ingat ka." Sabi ko. Natawa sya na ipinagtaka ko.
Binuksan nya ang compartment at kinuha ang mga grocery na binili namin kanina bago lumapit sa akin. Kumunot ang noo ko at naguguluhan siyang tiningnan.
"Let's go inside. Ipag luluto mo pa ako." Nakangiting sabi nya at nauna na ng nag lakad.

YOU ARE READING
Eye Love You [COMPLETED]
ContoNangako kang sabay tayong tatanda, Mag sasama sa hirap at ginhawa. Pero bakit pag gising ko wala kana? At ang sakit isipin na, hindi na pala kita makakasama sa pag tanda. ________ Ako si Shelie Kin Villaruz Lamvagan 20 years old 3rd year College