"Patikim nga ako niyan." Hingi ni Gwen sa akin. nandito kami ngayon sa Cafeteria, Lunch time na. Kumakain ako ng kanin at ang ulam ko ay chicken curry at minudo. Inabot ko ang Chicken curry kay Gwen.
"Wala talagang awa ang prof. natin akala ko maganda ang mood niya dahil nakikipag biruan sa atin tapos biglang mag papa-quiz ng utod ng rami." Inis na sabi ni Nica.
"Ganon talaga pag matandang dalaga." Banat ni Clarence.
"Hoy! Baka may makarinig sayo lagot ka talaga. Bibigyan ka non ng dos." Natatawang sabi ko.
"Sus, totoo naman." Bulong niya.
Nag taka ako ng biglang tumahimik ang maingay na Cafeteria. pero hindi ko na pinansin yun at nag patuloy lang sa pagkain. Mas okay nga yun na tahimik dahil nakakarindi ang mga bunganga nila. Lalo na ang mga mahaharot na babae dito sa campus. napaangat ako ng tingin sa mga kaibigan ko nang marinig ang impit na tili nila.
"Hoy! Nyare sa inyo?" Natatawa kong tanong. nakatakip ang mga palad nila sa bibig at nanlalaki ang mga mata. tumingin sila sa entrance ng cafeteria kaya napatingin din ako doon.
Nalaglag ang panga ko at nanlaki ang mga mata ng makita ang pinaka gwapong lalaki sa mga mata ko. Walang iba kundi ang Boyfriend ko. May hawak siyang bouquet at paper bag habang nag lalakad patungo sa pwesto namin. he wore a royal blue long sleeve polo and folded up to the elbow. Black pants naman ang pang ibaba.
Deretso ang mga mata niya sa akin at hindi napuputol ang titigan namin sa isa't isa hanggang sa makarating sa harapan ko.
"Theo?" Patanong na tawag ko, dahil hanggang ngayon wala pa rin akong ideya kung bakit siya nandito at may dala pang bulaklak.
"Happy 4th monthsary." Nakangiting bati niya at inabot sa akin ang bulaklak na hawak niya. Napatanga ako dahil hindi ko alam na monthsary pala namin. shit! Ang gaga ko.
"Monthsary natin?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah!" Simple niyang sagot at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi na parang hindi man lang nagalit dahil nakalimutan ko ang pang apat na buwan na pala namin. oo madalas kami kumain sa labas pero ngayon nya lang ako binati dahil monthsary daw namin. Hindi ko naman na kasi matandaan kung kelan naging official ang relationship namin.
Kinuha ko ang bulaklak pati na rin ang paper bag.
"Thank you, happy monthsary din."naiilang na bati ko.Napatingin ako sa paligid at halos lahat nasa amin ang tingin, nahagip pa nga ng mga mata ko si James na nakatingin din sa amin kaya inirapan ko sya.
"Uhm... Pano ba!" Mahinang usal ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko. " Upo ka muna." yun na lang ang nasabi ko at napangiwi pa dahil sobra akong naiilang sa atensyon ng mga tao.
"Hindi na, I still have a meeting." Sabi niya at tumingin sa wrist watch niya. " I'll just pick you up later." Dagdag niya at napatango na lang ako.
"Hmm, okay ingat ka."
Namula ako ng hawakan niya ang pisngi ko at marahan na hinaplos. napapikit ako ng maramdaman ang labi niya sa noo ko. Saglit lang yun pero nag wala na ang atay,bituka, balunbalunan at apdo ko. hahaha ang OA ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya parang nakalimutan kong maraming mata ang nakatingin sa amin baka nga may mga Professor din at sana lang wag ako ipatawag sa Guidance.
"I'm leaving." Paalam niya
" Take care." Nakangiting sabi ko. ngumiti siya at tumango kinindatan pa ako bago tuluyang tumalikod. Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pag pipigil ng kilig. Siguro kung wala lang ako dito sa school baka kanina pa ako tumili.
"Oh my god! Ang haba ng hair ng kaibigan natin." Malakas na bulalas ni Clarence.
"Saan nakakabili ng ganiyang mukha? Handa kong ibenta ang kidney at condo ko." OA na sabi ni Nica.
"May kapatid ba si Papa Cristheo? Ipakilala mo naman ako." Si Gwen
"Ako kahit sa pinsan na lang." Si Clarence na naman.
"Sige, sa pamangkin na lang ako." Segunda naman ni Nica.
"Tumigil nga kayo!" Nakangiting suway ko. hindi ko magawang mainis sa mga pinagsasabi nila dahil sobra akong pinasaya ni Theo.
Tiningnan ko ang laman ng paper bag at nakita kong puro Chocolate at may box na maliit. Binuksan ko yun at may lamang keychain at nakasulat ang 'KinTheo' natawa ako sa ka- cornihan niya. Binalik ko yun sa box at nilagay ulit sa paper bag. Inamoy ko ang bulaklak na binigay niya sa akin at may nakita akong maliit na card.
"Hoy! Ano nakasulat?" Excited na tanong ni Clarence. Inilayo ko yun nang akma niyang kukunin.
"Damot." Napanguso siya at inirapan ako.
Hindi ko na sila pinansin at palihim na binuksan.
'224'
Yun ang nakasulat sa maliit na card. Napakunot ang noo ko at naguguluhan kung ano ang Ibig sabihin non.
Theo naman! gusto mo lang ata na isipin kita buong hapon.Hays... Debale tatanungin ko na lang siya mamaya.
________
Omg! Alam Kong wala pang Lima o sampo ang nag babasa ng story kong ito. Pero sobrang saya ko kasi may ilang readers na handang sumuporta sa gawa ko. Sobra kong na-aappreciate ang pag lalaan niyo ng oras para basahin ang story ko.
Thank you so much. sana wag kayong mag sawang suportahan ako. 🖤🦋
YOU ARE READING
Eye Love You [COMPLETED]
Krótkie OpowiadaniaNangako kang sabay tayong tatanda, Mag sasama sa hirap at ginhawa. Pero bakit pag gising ko wala kana? At ang sakit isipin na, hindi na pala kita makakasama sa pag tanda. ________ Ako si Shelie Kin Villaruz Lamvagan 20 years old 3rd year College