CHAPTER 9

30 0 0
                                    


Nasundo na ako ni Theo at ngayon nasa Restaurant kami para i-celebrate ang 4th monthsary namin. Nakakahiya dahil wala man lang akong regalo sa kaniya. Bakit kasi hindi ko alam kung kelan ang monthsary namin? Yan tuloy para akong hindi interesado sa relasyon namin.

Siya na ang nag order ng kakainin namin dahil may nirecommend siya sa akin na best dishes daw dito. Sumang-ayon ako dahil pangalan palang masarap na Sweet and Tangy Chicken garlic.  Mahilig pa naman ako sa bawang.

"Yung card!" Panimula ko kaya napatingin sa akin si Theo."anong ibig sabihin ng 224?" Tanong ko.

Kinagat niya ang ibabang labi niya at namula ang tenga. nag salubong ang kilay ko sa naging reaksyon niya.

"Namumula tenga mo." Puna ko kaya napahawak siya doon at pilit niyang pinag salubong ang mga kilay.

"Wala." Mahinang sabi niya.

"Ha? Anong wala?" Takang tanong ko.

"I mean, walang ibig sabihin non." pag lilinaw niya. Pero hindi ako naniniwala.

Natahimik kami ng dumating ang inorder niya, nakatakip pa yun nang ilapag sa table namin. Binuksan ng waiter yun bago umalis. nag salubong ang kilay ko dahil hindi ko nagustuhan ang amoy non at parang bumabaliktad ang sikmura ko. Napatakip ako sa bibig at walang pasabi na tumayo ako at tumakbo papunta sa comfort room. Tinawag pa ako ni Theo pero hindi ko na sya nagawang pansinin dahil hindi ko na talaga kayang pigilan.

Nang makapasok, agad akong dumeretso  sa sink at doon dumuwal. nag tutubig ang bibig ko at ramdam kong namumuo ang pawis ko sa noo nanlalambot din ang mga tuhod ko at nakakaramdam ng hilo. mariin akong napakapit sa sink dahil para akong matutumba.

Parang hinahalukay ang tiyan ko. Kahit wala na akong maisuka duwal pa rin ako ng duwal.

"Miss, are you okay?" Tanong ng babae at marahan na hinagod ang likuran ko.

Nag mumumog ako at kinuha ang handkerchief sa aking bulsa para punasan ang bibig.

"Y-yeah!" Nanghihina kong sagot. Tumunog ang cellphone niya kaya nag paalam na siya sa akin.

Napapakapit ako sa pader palabas ng cr nanlalabo na talaga ang paningin ko. nang makalabas ako tuluyan na akong natumba at bago mawalan ng malay may sumalo sa akin at narinig ang nag aalalang boses ni Theo.


Nagising ako at dahan dahang dinilat ang mata. Hindi ko alam kung gaano ba ako katagal na tulog pero ramdam ko parin ang pananakit ng aking ulo.

"Kin!" Tawag sa akin ni Theo agad niya akong hinalikan sa noo na para bang nakahinga ng maluwag.

"Are you okay baby? do you want to eat something?" Tanong niya. Ngumiti lang ako at umiling.

"Anong nangyari? Bakit ako nandito?" Tanong ko.

"Nahimatay ka kanina." sagot niya.

"Ha? bakit? May sakit daw ba ako?" Sunod sunod kong tanong.

"I don't know, the nurse has not yet given your test result."

Bumukas ang pintuan kaya napatingin kami sa nurse na pumasok. may ngiti sa labi nito habang papalapit sa amin.

"Buti naman at gising kana. Gusto ko kasing sabay ninyo malaman ang resulta." Panimula ng nurse.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Takang tanong ko dahil masyado akong naguguluhan sa inaasal niya.

"You are 4 weeks pregnant." Nakangiting anunsyo ng nurse na ikinatigil ko. Napaawang ang labi ko dahil sa labis na pagkabigla.

Ako buntis? Magiging magulang na ako? Naalala ko nung niregla ako last month patak patak lang, akala ko normal lang tapos ngayon months hindi na ako dinalaw.  Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. umaapaw ang kasiyahan na nararamdaman ko.

"Pwede pubang paki ulit ng sinabi niyo?" Hiling ni Theo na parang hindi rin makapaniwala.


"Buntis po ang girlfriend niyo." Pag uulit ng nurse.


Hinawakan ni Theo ang kamay ko at kitang kita ko ang kislap ng mga mata niya. katulad ko ramdam ko din ang kasiyahan niya dahil sa nalaman namin. hinalikan niya ako ng paulit ulit sa noo at sa labi.

"Magiging daddy na ako." Mahinang bulong niya.

"Magiging daddy na ako." Paulit ulit niyang binabanggit ang mga katagang na'yun.



Mas lalo ako nakaramdam ng kasiyan dahil hindi nag dalawang isip si Theo na tanggapin ang anak namin.
Iniwan kami ng nurse kaya kaming dalawa na lang ulit ni Theo dito sa kwarto ng hospital.

Tumayo ng deretso si Theo at naging seryoso ang mukha. Kinabahan ako kaya pinilit  kong maupo. tinulungan niya ako nang maiayos ako tumingin ako sakanya.

"Bakit? May problema ba?" Kinakabahan kong tanong.

Nahimigan niya ata ang kaba sa boses ko kaya ngumiti siya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay bago mag salita.

"Gusto ko bago ka manganak, apelyedo ko na ang gamit mo." Nakangiti niyang sabi pero kitang kita ang kaseryosohan sa mga mata.

Nahigit ko ang pag hinga ko. hindi ko agad naproseso ang sinabi niya. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. nakatutulala lang ako habang nakatingin sa kanya.

"You make me happier than i ever thought i could be. And if you let me, I will spend the rest of my life trying to make you feel the same way." He said sincerely.

Tumulo ang luha ko habang pinapakinggan ang mga lumabas na salita sa bibig niya, pakiramdam ko ako na ata ang pinaka maswerteng babae sa buong mundo dahil binayaan ako ng isang lalaking katulad ni Theo.

May kinuha siya sa bulsa niya at mas lalo akong naiyak ng makita ang isang maliit na pulang box. binuksan niya yun sa harapan ko kaya napatakip ako sa bibig habang nakatingin sa kumikinang na singsing.

"Please, marry me my Kin."

______

:)

Eye Love You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now