Naging maayos ang pag bubuntis ko.naipaalam na rin namin sa aming mga magulang, medyo nag tampo si mommy dahil bakit daw hindi ko muna tinapos ang pag aaral ko. Pero sinabi kong mag papatuloy pa rin ako kahit buntis na ako at naging okay din naman. si daddy naman kinausap si Theo at dahil usapang lalaki hindi ko alam ang pinag usapan nila.
Yung mga magulang ni Theo sobrang saya dahil sa wakas daw magkakaroon na sila ng apo. Five year ang gap namin ni Theo at ngayon magiging magulang na kami. hindi lang yun, dahil papakasalan niya din ako. Oo, pumayag ako mag pakasal. Bakit naman hindi? Tatanggi paba ako? kahit na bata pa ako sigurado na ako na siya ang gusto ko makasama hanggang sa pag tanda at handa ako mag patali sa kanya.
"Ito oh! Bagay 'to sa baby natin." Nakangiting sabi ni Theo at pinakita ang dress na pang 1 year old ata.
Nandito kami ngayon sa mall dahil inaya niya ako na bibili daw kami ng gamit ni baby. Masyado talaga siyang excited, syempre ako din.
Natawa ako. " Ano ka ba! hindi pa natin alam ang gender ni baby at tiyaka pang 1 year old ata yan." napasimangot siya at binalik ang dress.
"Edi bumili tayo ng pang girl and boy."
"Sayang lang." Sagot ko
"Bakit? Hindi lang naman yan ang magiging anak natin ah! Isang dosena ang gusto ko." Nakangiting sambit niya at hinalikan ako sa labi. nanlaki ang mga mata ko dahil kung makasabi siya ng isang dosenang anak akala mo siya ang mag dadala.
"Hoy! Anong isang dosena ang pinag sasabi mo? Ikaw ba ang manganganak?" Nanlalaki ang mga butas ng ilong habang sinasabi yun.
"Ako ang bahala."
"At ako ang kawawa."
Tumawa siya at kinurot ang pisngi ko. Isa na lang ang mahihiling ko. yun ang maging maayos at healthy ang baby namin. I was really lucky because Theo became my partner and thank the lord because he gave me a man like Theo. inaayos na namin ang kasal namin next month at magiging isa na akong ganap na Mrs. Shelie Kin Lamvagan Lekezo.
Bumili kami ng crib, stroller at mga damit ng magiging baby namin. nasunod ang gusto niya kaya pang girl and boy ang binili namin. ang hindi lang namin binili ay ang pang gamit sa katawan ni baby dahil two months pa lang ang tiyan ko at baka mapano ang balat ng baby namin pag ngayon din namin yun binili.
Nang matapos, kumain muna kami sa restaurant bago umuwe sa condo niya. sa condo na niya ako nakatira para daw mas maalagaan niya ako kaya mas pinili niya ang work from home. Ewan ko ba kay Theo kaya ko naman pero masyado siyang istrikto.
"Ako na mag huhugas ng plato." Prisinta ko. Katatapos lang namin kumain ng hapunan.
"No! Just sit there." Mariin na utos niya. Inirapan ko na lang sya at sinunod ang utos.
Kinabukasan hinatid ako ni Theo sa school. Sobrang dami niya pang binilin lalo na ang pag inom ng tubig at pagkain sa tamang oras, sabi din niya na wag ko hayaan na ma-stress ang sarili ko lalo na sobrang nakaka stress talaga ang College at malapit na din ang exam namin.
"Shelie!!!" Rinig kong sigaw ng mga kaibigan ko at tumakbo palapit sa akin.
"Ano ba! Akina nga ang bag mo. Baka mapano ang baby mo." Nag aalalang wika ni Clarence at kinuha ang bag ko.
Simula nung nalaman nilang buntis ako ginawa na nila akong baldado. Na-aappreciate ko ang pag aalaga nila sa akin pero sobra sobra naman kulang na lang nga subuan nila ako pag mag lu-lunch kami.
"May gusto ka bang kainin?" Tanong ni Gwen
Natawa ako at akmang mag sasalita ng maunahan ako ni Nica.
"Naku! Tara sa cafeteria baka nagugutom na ang inaanak ko."
"Inaanak natin." Pag tatama ni Clarence.
Hindi pa lumalabas ang baby ko pero nag prisinta na sila na mgiging ninang daw ng baby ko. sobrang nakakataba ng puso dahil may kaibigan akong kagaya nila. Kaya nga hindi ko magawang idrop ang mga natitira kong subject dahil gusto ko pa sila makasama.
Mabilis lumipas ang oras at nang mag dismissed na ang last sub. namin sabay sabay kaming lumabas ng campus. at nataman ko agad si Theo na parang model habang nakasandal sa Luxury car niya. nang makita niya ako agad niya akong nilapitan at kinuha ang bag ko.
"How's your school?" Tanong niya at hinalikan ako sa noo.
"Ayos lang." Sagot ko
May tumikhim sa likuran ko kaya nilingon ko yun at nakita ang tatlo kong kaibigan na nag pipigil ng ngiti.
"Una na kami shel, wala naman kasi kaming Bebe na mag susundo." Mapang asar na saad ni Gwen. Natawa ako.
"Sige ingat kayo."
Nakahiga kami ni Theo sa kama at parehas na hindi pa rin dinadalaw ng antok.
"Theo, anong gusto mong ipangalan sa baby natin?" Tanong ko habang nasa kisame ang tingin.
" Pag lalaki, gusto ko nakasunod ang pangalan sayo." Naramdaman kong nilingon niya ako kaya nilingon ko din siya."pag babae naman, sa pangalan ko nakasunod." Nakangiting sabi niya.
Hindi ko maiwasan mapangiti at mag isip kung ano ang pwede ipangalan.
"Shankiel" Sabi niya. " Yun ang pangalan pag lalaki." Dagdag niya.
Nag isip ako ng pangalan ng pambabae.
"Crelthea naman pag babae." Sabi ko.
Niyakap niya ako at hinaplos ang buhok napapikit ako hanggang sa makaramdam ako ng antok. At bago pa tuluyan makatulog narinig ko siyang nag salita.
"Good night my Kin, I love you."

YOU ARE READING
Eye Love You [COMPLETED]
Historia CortaNangako kang sabay tayong tatanda, Mag sasama sa hirap at ginhawa. Pero bakit pag gising ko wala kana? At ang sakit isipin na, hindi na pala kita makakasama sa pag tanda. ________ Ako si Shelie Kin Villaruz Lamvagan 20 years old 3rd year College