sabay sabay kaming lumabas ng mga kaibigan ko sa classroom ng mag dismissed na ang aming Professor.
hindi ko na din nakita si James simula nung nangyari kaninang lunch time. At malaking pabor sa akin yun. Dahil walang asungot na nangungulit sa akin.Hindi ko na rin masyadong inisip ang sinabi ng estrangherong lalaki na susunduin daw nya ako. Dahil alam ko naman na sinabi nya lang yun para mas maniwala si James, at ang pag halik nya sa akin kanina? Yun ang hindi mawala sa isip ko. Iniisip ko kung mag kikita paba kami o hindi na. Pero sana mag kita pa kami dahil hindi pa ako nakakapag thank you sa ginawa nya kanina.
"Hoy! Ang lalim nanaman ng iniisip mo." Sabi ni Clarence na kaibigan mo. inirapan ko lang sya at nag patuloy sa pag lalakad.
"Mukhang sikat ang kaibigan natin ah!" Parinig ni Gwen at hindi ko alam kung sino ang sinasabihan kaya hindi ko na lang pinansin.
"Oo nga e, balita ko nahalikan daw ng gwapong lalaki kanina." At doon na nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong sinabi ni Clarence.
"Tapos may nakarinig pang sabi daw ng lalaki girlfriend nya si Shelie." Si Nica
Kung makapag usap sila parang wala ako dito.
"Hoy! Shelie Kin mag kwento ka naman parang di kaibigan. " Kunwaring nakasimangot na sabi ni Gwen.
"Boyfriend mo ba talaga yun?"
"Tatanungin mo pa eh mismong lalaki na nga ang nag sabi, tapos gwapo pa."
"Ano pangalan Shelie?"
"Ipakilala mo naman kami."
Hindi ko na alam kung sino ang mga nag sasalita dahil halos sabay sabay silang nag sasalita.
"Ang ingay nyo." Yun lang ang sinabi ko dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kanila dito kung ano ang totoo. Mahirap na baka may makarinig at makarating kay James.
Nakalabas na kami ng gate at hindi pa rin matigil ang pangungulit nila sa akin.
Napatigil ako sa pag lakad ng makita ang lalaking naka sandal sa itim na Luxury car. Para syang model dahil naka suot pa sya ng shades habang ang isa nyang kamay ay nasa bulsa nya at ang isa naman nyang kamay pinapaikot ang susi sa daliri.
Bumaling ang tingin nya sa gawi ko at kahit naka shades siya alam kong deretso ang tingin niya sa akin. nag lakad sya papunta sa kinatatayuan ko.
Parang biglang tumahimik ang kaninang maingay na mga estudyante at kahit ang mga kaibigan ko ay hindi ko na naririnig ang boses.
Nang makalapit sa akin ngumiti sya at nag slow motion sa mata ko ang pag tanggal niya ng kanyang shades.
Nang matagal ang shades nya napag masdan ko maigi ang mata nya na hindi ko nagawa kanina.
Kulay Cognac brown ang kaniyang mata at sobrang ganda."Let's go?" Aya nya at doon ako natauhan.
"Ha?" Takang tanong ko.
"I told you earlier that I will pick you up after your class"
Napatanga ako, akala ko acting lang nya yun? Bakit tinotoo nya?
Nilahad nya ang kamay nya sa akin kaya napatingin ako doon. "Let's go." Aya nya ulit
Shit... Ano gagawin ko?
"Wag na pabebe Shelie sumama kana." Pag tataboy ng mga kaibigan ko na mukhang natauhan na din.
"Chika mo na lang sa amin bukas ha!" Mukhang mas kinikilig pa sila kesa sa akin dahil itinulak pa nila ako sa lalaking Ito. e, hindi ko nga Ito kilala.
Hinawakan ako sa braso ni cognac eyes. oo yun na lang ang itatawag ko sakanya tutal hindi ko naman alam ang pangalan nya.
"Sige na umalis na kayo. Ingat!" Pag tataboy ng mga kaibigan ko na may mapang asar na ngiti sa labi.
Wala na akong nagawa kundi sumama kay Cognac eyes.
Pinag buksan nya ako ng pintuan ng passenger seat at nang makaupo inilibot ko ang paningin ko, ang bango ng kotse nya at ang ganda. napatingin ako sa kanya nang makapasok sya at umupo sa driver seat.
"Sa purok de siyete 202 ang address ko." Sabi ko kahit hindi naman sya nag tatanong.
Pero nakita kong ibang dereksyon ang tinahak nya.
"Cognac eyes saan tayo pupunta?" Kinakabahan kong tanong baka kasi kidnappin nya ako, ay hindi na pala ako bata kaya baka teenappin nya ako. Oo tama kasi 20 pa lang ako.
"What? hindi Cognac eyes pangalan ko. " Natatawa nyang sabi. Inirapan ko sya.
"Hindi ko naman alam ang pangalan mo." Bulong ko na hindi nakatakas sa pandinig nya.
"Do you want to know?"
"Depende sayo."
"Cristheo, my name is Cristheo Jemenez Lekezo."
Napakagat ako sa ibabang labi. ang ganda ng pangalan nya bagay na bagay sa kanya.
"I'm Shelie Kin Villaruz Lamvagan." Pag papakilala din.
"Okay Kin." Sabi nya na ikinakunot ng noo ko dahil sa pag banggit nya sa Second name ko.
"Bakit, Kin?"kunot noong tanong ko.
" Wala lang, yun ang gusto kong itawag sayo."
Hindi ko na pinansin ang sinabi nya. " Saan ba tayo pupunta?" Inulit ko ang tanong ko kanina.
"Dinner date." Simpleng sagot nya na ikinagulat ko.
"Ano?" Napalakas ata ang tanong ko dahil agad nyang napreno ang kotse buti na lang naka seatbelt ako at Buti na lang din wala kaming kasunod na sasakyan
"Hey! Wag kang sumigaw ilang inches lang ang pagitan natin." Suway nya at nag maneho ulit.
"Bakit tayo mag de-date?"
"Why? Masama bang idate ang girlfriend ko?"

YOU ARE READING
Eye Love You [COMPLETED]
Короткий рассказNangako kang sabay tayong tatanda, Mag sasama sa hirap at ginhawa. Pero bakit pag gising ko wala kana? At ang sakit isipin na, hindi na pala kita makakasama sa pag tanda. ________ Ako si Shelie Kin Villaruz Lamvagan 20 years old 3rd year College