CHAPTER 4

22 2 0
                                    

"Shot mo na Shelie." Binigay sa akin ni Nica ang baso. Kinuha ko yun at ininom.

May maliit na party party dito sa Rooftop ng condo ni Clarence dahil birthday nya. Konti lang naman kami, mga 15 lang, halos kaklase lang din namin.  Hindi ako makatakas sa kanila kaya wala akong magawa kundi inumin ang binibigay nila. medyo nahihilo na din ako hindi naman kasi ako sanay mag inom. eh sila? Bihasa na sa alak dahil madalas sila sa bar pag walang pasok. ako kahit kelan hindi sumama sakanila dahil baka malaman ni kuya at makarating kay mommy at daddy.



"Last na, ayoko na." Sabi ko at binaba ang baso.

"Wag kang kj Shelie, pag bigyan mo na ako birthday ko naman e." saad ni Clarence.

"Uuwe pa ako."

"Pasundo ka na lang sa prince charming mo." Pang aasar ni Gwen. nag sitawanan sila, kaya napairap ako.

"Busy yun." Napanguso ako, totoo naman busy naman talaga yun dahil madalang na lang kami mag kita. ilang buwan na rin simula nung maging kami. oo kinareer ko na ang pagiging mag boyfriend/girlfriend namin. Dahil sa mga araw, linggo at buwan na lumilipas nahuhulog na ako sakanya.

Sino ba naman ang hindi? Kung ituring nya ako para akong mamahaling bagay na dapat ingatan. masisisi nya ba akong hindi mahulog sakanya  kung prinsesa ang turing nya sa isang katulad ko.

Napangiti ako nang maalala ko nung una ko syang maipag luto. Sya ang nag aabot ng mga ingredients na kailangan ko. Ang katwiran nya baka daw mapagod ako.



"Oh! Shot na wag puro ngiti." Napasimangot ako kay Clarence at inabot ang alak sa baso na binibigay nya sa akin.

Napa ubo ako ng gumuhit ang alak sa lalamunan ko.
"Ayoko na." Nahihilong sabi ko.

"Walang uuwe na hindi gumagapang." Sabi ni Nica at nag tawanan sila.

Hindi ko na maintindihan ang mga pinag kukwentuhan nila dahil napapapikit na ako at nahihilo na. Gusto ko na matulog pero  hindi ko alam kung kaya ko paba umuwe. Naiihi ako kaya pinilit kong makatayo, baka sa pants ko pa ako maihi pag pinigilan ko.

"Oh! Saan kah pupunta?" Lasing na tanong ni Gwen.

"Cr."

Pagewang gewang ako buti na lang may malapit na Cr dito kaya hindi ko na kailangan pa bumaba. napahawak ako sa pader ng ma- out balance ako. Nag patuloy na ako sa pagewang gewang na lakad hanggang sa makarating ako. Nang matapos nag hilamos ako, Baka sakaling mahimasmasan. Pero ganon parin sobrang nahihilo parin ako at gusto na matulog. Sobrang nag iinit din ang katawan ko kaya pawis na pawis ako.

Napatigil ako ng maramdaman kong nag vibrate ang aking cellphone na nasa bulsa ko. hindi ko na mabasa  ang pangalan kaya sinagot ko na lang.


"He-hello? sino to?" Inaantok kong tanong.


"Kin? Are you drunk?" Napangiti ako ng makilala ang boses.


"Hi Theo."


"Where are you Kin?" Tanong nya


"Sa puso mo." Sagot ko at paos na humalaklak.


"Tss. Hindi ako nakikipag biruan. Nasaan ka?" Seryosong Anya nya.


"Bakit susunduin mo na ako?" Biro ko.


"Yes! Tell me where the hell are you?" Parang nauubusan na ng pasensya.

"Condo ni Clarence." Sagot ko

"What? Nasa condo ka ng lalaki? Ano ang ginagawa mo diyan? Bakit ka lasing?" Sunod sunod na tanong nya at halata ang galit sa boses.

Malakas akong tumawa. " Birthday ni Clarence.at babae si Clarence kaibigan ko." Natatawa kong sagot. ngunit agad din napatigil ng kumirot ang ulo ko, sumandal ako sa pader at napahawak sa ulo ko.


"Hindi ko na kaya mag lakad Theo." Nakanguso kong sumbong.


"Ano ang address diyan?"

Sinabi ko ang address ng condo ni Clarence at sinabi kong nasa rooftop kami. Bago pa ako makalabas ng cr bumaliktad ang sikmura ko kaya nasuka ako. Nang wala na akong maisuka nag mumog ako at nag lakad palabas.


Malapit na ako sa table namin ng ma-out balance nanaman ako at natumba. narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan ko. dinaluhan nila ako at inalalayan, nanatili lang akong naka upo.


"Tayo na Shelie, shot mo na." Si Clarence


"A-ayoko naaa...." sagot ko. dumukdok ako sa mga tuhod ko at hindi na talaga kayang tumayo.


"Shelie tayo na." Si Gwen at pilit ako pinapatayo pero tinatabig ko lang ang kamay nya. nag si balikan na ang iba pero si Nica at Gwen nasa tabi ko lang.

"Loko talaga si Clarence, alam nang hindi sanay uminom si Shelie nilasing talaga." Natatawang sabi ni Nica.


" Hatid kana namin sa Condo ni Clarence. " Dagdag ni Nica.

Hindi ako nag salita at pinapatayo nila ako para maalalayan pero nag matigas ako at nanatiling nakaupo. hindi ko kayang mag lakad hihintayin ko na lang si Theo. Ayaw parin nila tumigil sa kakapatayo sa akin kaya nainis na ako.

"Ayoko! susunduin ako ng asawa ko. " sigaw ko.


Kahit nanlalabo ang paningin nakita ko silang natigilan at natahimik ang paligid. Pero hindi ko na lang pinansin at dumukdok ulit sa mga tuhod ko.


"I'm already here my wife." Malalim na saad ng pamilyar na boses.







Eye Love You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now