CHAPTER 14

12 0 0
                                    

Parang huminto ang pag hinga ko nang marinig ang sinabi ni daddy. Si Theo dinala sa ibang bansa. Umalis ang asawa ko. Iniwan ako. Inawan kami ng mga anak niya. Bakit hindi man lang nag paalam? Bakit hindi man lang nag paramdam? Kelan pa siya umalis?

"K-kelan siya umalis?" Nasasaktan kong tanong at pilit pinipigilan ang mga luha. Pero bigo ako dahil tuloy tuloy na umagos ang aking luha.

"Ronald ano ba!" Galit na sigaw ni mommy kay daddy. Nilapitan ako ni mommy na parang gusto akong yakapin pero dahil buhat niya si Crelthea hindi niya magawa.

"Anak tahan na, makakasama sayo yan." Pag aalo ni mommy." Mag p-papagamot lang si t-theo tapos. b-balik din." Dagdag nito. ramdam ko ang pag hihirap sa boses niya.

Kumirot ang mga mata ko at dumeretso patungo sa ulo ko. Kaya tinawag nila ang doctor para mapakalma ako.
Ang sakit sakit kasi wala man lang akong ka alam alam na umalis pala ng bansa sila Theo. na ninikip ang dibdib ko sa tuwing na iisip na nasa malayo siya at hindi man lang nagawang mag paalam.

Sa mga lumipas na araw pilit kong pinatatag ang sarili ko para sa mga anak ko. Lagi kong sinasabi sa sarili kong babalik din si Theo kaya dapat alagaan ko ng mabuti ang mga anak namin habang wala siya.

Nung sinabi ng doctor na pwede na daw ako umuwe. inayos na agad ni mommy kinabukasan ang mga gamit ko at sabay sabay kaming umuwe nila daddy.  Ang mga anak ko naman inaalagaan ng yaya ng kambal sa bahay. sabi ni mommy ang bilin daw ni Theo, doon muna kami titira sa bahay nila mommy para daw maalagaan ako at pati na din ang mga anak namin. medyo nabawasan ang bigat ng dibdib ko nang malaman yun. Ang swerte ko talaga kay Theo dahil kapakanan namin ang lagi niyang inaalala kahit hindi maayos ang kalagayan niya.

Pagkarating sa bahay una kong pinuntahan ang kambal. Tulog sila sa crib na binili namin ni Theo para sa kanila. napangiti ako ng maalala ang mga araw na namimili kami ng mga gamit ng kambal.

Kamusta na kaya si Theo? Sana mapadali ang pag galing niya para makauwe na siya sa amin.

Pumunta na ako sa kwarto ko para makapag pahinga na din. dederetso na sana ako sa kama ko ng nahagip ng mata ko ang salamin. oo nga pala, simula nung na operahan ako hindi ko pa nakikita ang bago kong mata. Pumunta ako sa harapan ng salamin ngunit mabilis din akong napa atras ng makita ang pamilyar na mata.

Hindi... Baka nag kakamali lang ako. dahan dahan ulit akong lumapit sa salamin at pinag masdan ang bago kong mata. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil para akong nakatingin sa mata ni Theo. ang bago kong mata kahawig ng mata ni Theo at ng kambal.

Tumakbo ako palabas ng kwarto at bumaba sa hagdanan. "Mommy!" Malakas na tawag ko. nanginginig ang katawan ko dahil sa naiisip ko.

"Mommy!"

"Shelie anak, bakit?" Natatarantang tanong ni mama at agad akong nilapitan.

"Anong nangyari bakit ka namumutla?"

Tumulo ang luha ko. "S-sino ang may ari ng m-mata na'to?" Kinakabahan kong tanong. nakita ko siyang natigilan. 

Mas lalo akong kinabahan at namuo ang takot sa dibdib. Please mommy sabihin mong mali ang iniisip ko. Kasi.. kasi hindi ko kakayanin.

"Si Celestine Proce." Kalmadong sagot ni daddy mula sa likuran ko. nakahinga ako ng maluwag pero naninikip pa rin ang dibdib ko sa di malamang dahilan.

"Sino siya?" Tanong ko pa.

"Apo ng kakilala ko sa France."

"Don't think too much. Makakasama sayo yan." Sabi ni daddy at marahan na ginulo ang buhok ko.

Bumalik na ulit ako sa kwarto at umupo sa tapat ng salamin. Siguro nga coincidence lang na ganito din ang mata ni Celestine Proce. hindi dapat ako mag isip ng kung ano ano dahil nag papagamot lang si Theo sa America.

Lumipas ang araw,linggo at buwan pero wala pa rin akong balita kay Theo. nag pumilit na rin akong pupuntahan ko sa America si Theo pero hindi pumayag si daddy dahil hindi daw pwede  at baka makasama sa mata ko. ni tawag o text wala akong natatanggap mula kay Theo at kahit sa mga magulang niya. Sinubukan kong hanapin sa social media ang kamag anak niya. Pero ni isa walang nag rereply sa akin.

Nililibang ko na lang ang sarili ko sa mga anak ko. Kahit papano gumagaan ang loob ko pag nakikita ko sila at nakakasama.

Taimtim akong naka upo sa harapan ng salamin, Ito ang lagi kong ginagawa araw araw dahil pag nakatingin ako sa salamin, para ko na rin tinitingnan ang mga mata ng lalaking mahal ko.


Eye Love You  [COMPLETED]Where stories live. Discover now