"Anak, Shelie makinig ka. Matagal ng patay si Cristheo yung mata mo."Pumiyok siya."Ang asawa mo ang eye donor mo."
Tuluyan na akong hindi nakapag salita dahil sa sinabi niya. pero ayoko pa rin tanggapin ang mga sinasabi niya. diba, sabi nila noon si Celestine Proce ang eye donor ko? Pero ano ngayon ang sinasabi ni mommy?.
"Ma! T-tama na po. h-hindi po yan totoo. Bu.... B-buhay ang asawa ko. Buhay si T-theo." Puno ng sakit na saad ko.
" Wala kaming mahanap na m-mgiging donor mo. kaya sinabi ni Cristheo na handa siya maging d-donor mo. Kasi ayaw ka niyang nakikitang nahihirapan."pag kukwento ni mommy. Mas lalo sumakit ang puso ko at malakas na humagulgol. "N-naputol ang dalawa niyang paa. Naipit ang kalahating k-katawan niya sa kotseng sinasakyan niyo." Nahihirapan na ako huminga habang pinapakinggan si mommy.
Hindi ko alam na ganon pala ang nangyari sa kanya. Wala man lang ako sa tabi niya nung mga oras na nag hihirap siya. Wala man lang ako sa tabi niya para maalagaan siya sa maikling panahon.
"Sabi ng doctor hindi na din niya kakayanin kahit operahan siya dahil maliki ang damage ng spinal cord niya. kaya nung nagising siya at n-nalaman niyang nabulag ka." Huminto si mommy. " Walang pag dadalawang isip na sinabi niyang, ibibigay sa'yo ang mata niya."
Durog na durog na ako, ang sakit sakit na. Ang sakit malaman na mas inuna na naman niya ang kapakanan ko para sa kapakanan niya. hindi naman niya kailangan gawin yun e, kasi ayos lang kahit bulag ako basta kasama ko sya. kasama ko sila ng mga anak namin. Sobrang sakit na. bakit kailangan mangyari sa amin Ito.?
"Anak, patawarin mo k-kami kung nilihim namin ito. Kasi yun ang huling hiling ni Cristheo para mapadali ang pag galing mo."
Tangina? Kapakanan ko na naman.
"S-saan s-siya n-naka..." Pumiyok ako." Libing?" Nahihirapan kong tanong.
Hindi Ito ang inaasahan ko. dahil ang inaasahan ko yung makikita ko syang malakas at hindi yung ganito.
Inalalayan ako ni mommy hanggang sa makasakay kami sa kotse. sinabihan din niya ang yaya ng mga anak ko na aalis kami. Iyak lang ako ng iyak sa loob ng sasakyan dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.
Ang hirap paniwalaan.
Hanggang sa pag lakad nakaalalay sa akin si mommy. Hanggang sa makarating kami kung saan naka libing si Theo.
Nabasa ko agad ang Cristheo sa lapida kaya mas lalo akong napahagulgol at napa luhod sa damuhan.
sobrang sakit! Bakit ganito? Bakit kailangan mangyari ito?"T-theo!" Hagulgol na sigaw ko.
Hindi ko kaya.. hindi ko kayang tanggapin na wala na siya. Umasa ako. Umasa akong babalik siya sa amin. Hinintay ko siya. Please, lord kung isa lamang itong masamang panaginip gusto ko na magising. Kasi ang sakit sakit na. kulang ang salitang sakit sa nararadaman ko ngayon.
"Ang daya daya mo! B-bakit m-mo ako iniwan?"
Sobrang bigat ng nararadaman ko. Yung lalaking hinintay ko ng dalawang taon, wala na pala sa mundo tinatapakan ko.
"S-sabi mo m-mahal mo ako? B-bakit mas p-pinili mong iwanan ako?" Puno ng hinanakit na sabi ko.
Sabi niya sabay kaming tatanda. Pero bakit ang bilis niya akong iniwan? bakit hindi man lang siya lumaban? Tangina.... Gusto kong sumabog sa sakit na nararamdaman ko.
"T-theo please, h-hindi ko k-kaya. K-kailangan k-kita. Kailangan k-ka ng mga anak n-natin."
Para na akong mababaliw, hindi ko na alam ang gagawin ko. Puro sakit ang nararadaman ko.
"Anak! tama na. makakasama sa mata mo ang pag iyak ng sobra." Umiiyak na sabi ni mommy at hinaplos ang likod ko.
"Ma, ang sakit.. sakit!"
"Sshh, alam ko. alam ko anak."
"Hindi ko k-kayang w-wala si T-theo."
"May anak ka pa at kailangan ka nila."
Mas lalo akong nanghina ng maalala ang mga anak namin. paano ko sasabihin o ipapaliwanag sa mga anak ko na wala na pala ang amang matagal na nilang hinihintay? alam kong masasaktan sila. dahil katulad ko umasa din sila na babalik si Theo. na uuwian kami.
"M-mommy, n-nakita ba ni Theo ang kambal?" Nahihirapan kong tanong at umaasa na sana. Sana nakita man lang niya kahit sandali.
"Hindi anak. Dahil umaga n-namatay si Theo at gabi ka nanganak."
Mas lalo akong nasaktan. hindi nakita ni Theo ang mga anak namin. hindi man lang niya narinig ang pag iyak ng kambal. Bakit sobrang lupit ng mundo? Bakit hindi man lang binigyan pa ng konting oras si Theo para Makita ang mga anak namin? Napatingin ako sa lapida at nanginginig na hinaplos yun.
Cristheo Jemenez Lekezo
Born: July 16 1994
Died: October 28 2020
Ang araw ng pagkamatay niya ay ang araw din ng pag silang ko sa aming anak.
__________
Naiiyak ako habang sinusulat ko ito. 😭

YOU ARE READING
Eye Love You [COMPLETED]
Short StoryNangako kang sabay tayong tatanda, Mag sasama sa hirap at ginhawa. Pero bakit pag gising ko wala kana? At ang sakit isipin na, hindi na pala kita makakasama sa pag tanda. ________ Ako si Shelie Kin Villaruz Lamvagan 20 years old 3rd year College